Chapter 32

653 22 1
                                    

“I WANT you to meet my buddy, Bruno.” Turo ni Keiran sa malaking asong nakatayo sa tabi ng isang lalaki habang naglalakad sila papalapit sa malaking bahay. Hindi pumayag si Keiran na hindi siya isabay sa pag-uwi nang dumating ang dalawang assistant sa kwadra. “Trainer niya ang lalaking may hawak ng leash niya.”

“Pitbull?” alanganin niyang tanong. Malaki ang naturang aso kaysa karaniwang pitbull.

“Actually, crossbred siya ng pitbull at great dane.” Paliwanag nito. “Hey, buddy! Miss me?” tumatawang lumapit rito si Keiran at kinuha ang leash mula sa trainer nito. Umalis na ang lalaki pagkatapos niyon. Excited na tumahol ang aso at nilundag si Keiran na ikinatumba ng binata sa damuhan.

Pinili ni Sybill na huwag masyadong lumapit at tumayo sa isang safe na distansiya at pinanood ang mag-amo. Ang mga cross-breed na aso ay mas mabangis kumpara sa orihinal na lahing pinagmulan niyon. Fascinated na pinanood niya ang masayang pakikipaglaro ni Keiran kay Bruno. Warmth flooded her chest as Keiran’s laughter filled the air.

Napansin ni Sybill na nakasilip sa bintanang malapit sa pinto si Leslie at abot ang senyas sa kanya.

“What?” tanong ni Sybill nang makalapit siya sa bintana.

“Huwag kang lalapit doon, galit ang asong iyan sa mga babae.” Babala nito.

“Paano’ng galit?”

“Mga babae lang ang kinakagat niyan. Hula ko, bading ang asong iyan ni boss at galit sa mga tulad natin.”

“Talaga?”

“Leslie, huwag mong takutin si Sybill.” Natatawang sabi ni Keiran as he pet his dog on his lap.

“Totoo naman, ah. Ilang beses na akong muntik makagat niyan.”

“Nakikipaglaro lang si Bruno.”

Umismid si Leslie. “Nakikipaglaro? Nakalabas lahat ng ngipin at pangil at naglalaway, nakikipaglaro? Ang mabuti pa, pumasok ka na rito, Sybill. Pakinggan mo ako, may sanib ‘yang asong iyan tulad ng amo niya.”

Napalunok si Sybill sa imaheng nabuo sa isip niya mula sa mga salita ni Leslie.

“Mabuti pa nga siguro.” Sang-ayon ni Sybill. Pagpihit niya para sana magtungo sa front door ay narinig niya ang malakas na pagtili ni Leslie sa pangalan niya na isinigaw rin ni Keiran. “Ano’ng-”

One moment she was standing, the next, she was forcedfully knocked out of her feet from behind. Padapang bumagsak siya sa damuhan. Pinagpawisan ng malamig si Sybill nang matantong nakapatong sa likuran niya ang malaking aso ni Keiran! Katapusan na ba niya? Inaasahan na niya ang masakit na pagbaon ng matatalim na pangil nito sa kanyang laman.

“Oh, my God! Sybill!” narinig niyang palahaw ni Leslie subalit ni hindi makuhang gumalaw ni Sybill sa kanyang pagkakadapa. “Keiran, bakit binitawan mo ang leash ni Bruno?”

“Hindi ko sinasadya, bigla siyang tumakbo.” Natatarantang paliwanag ni Keiran, bakas roon ang matinding pag-aalala. “Bruno, buddy... Down boy... Bruno?” ang confused na tinig ni Keiran ay nakapagpasalubong sa mga kilay ni Sybill.

Pinakiramdaman ng dalaga ang katawan, wala siyang nadaramang sakit maliban sa mga palad niyang siyang sumalo sa bigat niya nang bumagsak siya.

“Is she okay?” histerical na tanong ni Leslie na ngayon ay tila malapit na ang tinig.

“Sybill?” relieved na napabuntong-hininga ang binata sa tabi niya. “I guess she’s okay. But..” Confused pa ring sagot ni Keiran rito.

“But what?” impatient na tanong ni Leslie bagaman halata ang relief nito sa nalaman.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon