Chapter 7

575 17 0
                                    

“NASAAN na ba kayo? Kanina pa ako dito sa bookstore.” Kausap ni Sybill sa kanyang cellphone si Jhenna.

Nagkayayaan kasi silang magkakaibigan na sabay-sabay bibili ng mga kailangang materials para sa activity ng buong klase nila para sa buwan ng wika.

           
 Pinauna na siya ng mga ito na magpunta sa pinakamalapit na bookstore sa school nila dahil may dadaanan daw ang mga ito sa kabilang section na medyo late nang pinalabas ng teacher ng mga ito. Dahil na rin bukod sa gagabihin sila kung hihintayin nilang tatlo ang mga ito, nauna na nga siya sa bookstore upang mahanap na ang mga materials na kailangan nila.
           
“We’ll be there in ten minutes, ok?” Anito.
           
“Bilisan niyo ha? Nakita ko na halos lahat ng materials na kailangan natin. ‘Yung pinapahanap na lang na libro ni Rain ang kulang. Babayaran ko na ba agad?”

Ibinigay sa kanya ni Jhenna kanina ang budget na nalikom nito. Ito ang naatasang maging treasurer ng kanilang klase noong magbotohan sila ng mga class officers. Siya naman ang nahalal na vice president ng kanilang klase at siyang nakatoka sa pag-aayos ng mga materials na gagamitin nila.
           
“Oo, sige. Doon mo na lang kami hintayin sa Mcdo.”
           
“Ok.” Nagtungo na siya sa bookshelves ng mga tagalog romance pocketbooks na kinababaliwan ni Rain. Nang makita na niya ang title na pinapahanap nito, dinampot niya iyon at isinama sa mga dala-dala niya. Bitbit ang may kabigatang mga materyales, nagtungo na siya sa counter. Subalit sa pagliko niya ay may nabunggo siya na ikinalaglag ng mga hawak niyang cartolina at pentel pens.

“Ayy!!” gulat na bulalas ni Sybill.
           
“Ooops.” Anang lalaking nakabungguan niya.
           
Dali-dali niyang pinulot ang mga nalaglag na cartolina. Nag-aalala siya na baka marumihan ang mga iyon. Tumulong naman ang lalaki sa pagdampot ng mga gamit.
          
  “Sorry, Miss.” Paumanhin ng lalaki. Pamilyar ang tinig nito kaya napatingala siya dito.

Binundol ng pamilyar na kaba ang kanyang dibdib nang makilala niya ito.

 “K-Keiran.” Gulat na bulong niya. Nakakahiya, of all people, si Keiran na naman ang nakabungguan niya. Parang destined tuloy na lagi niya itong makabungguan.

Sa halos dalawang buwan nilang pagiging magkaklase, mula noong una silang nagkita, ngayon pa lamang ulit sila nagkaharap at nagkausap. Pero sa mga panahong iyon, lagi na lang itong laman ng isipan niya. Kahit hanggang sa panaginip ay naroon ito.

            Napatingin din ito sa kanya. “Sybill?” waring nagulat din na sambit nito sa pangalan niya. “Maniniwala na yata ako na may pagka-clumsy ka nga talaga.” Nakangiti nitong wika na ikinainit ng mga pisngi niya. Iba talaga ang epekto ng ngiti nito sa kanya.

“O-of course not.” Tanggi niya. “Hindi ko lang napansin na may makakasalubong ako. Sorry.”
           
Ngumiti lang ito ulit. Natulala na naman siya sa ngiti nito kaya nahulog na naman ang mga dala niya. Nais niyang batukan ang sarili sa inaasal. Ito na ang pumulot sa mga iyon.
           
“Come, magbabayad ka na ba? Hatid na kita.” Halos alalayan siya nito. Ang pobreng puso naman niya ay di malaman kung paanong bilis pa ang gustong itibok nang mga sandaling iyon.
           
“Hindi na. Kaya ko na ito.” kinuha niya ang mga cartolinang hawak nito. Nakakahiya talaga!
           
“Are you sure?” tanong pa nito.
          
  “Oo, salamat.” Pilit siyang ngumiti. “Sige, maiwan na kita.” Aniyang nagmamadaling tumalikod at hindi na ito binigyan pa ng pagkakataong makasagot pa.

Stupid! Stupid! Kastigo niya sa kanyang sarili habang papalayo siya mula kay Keiran. Naunahan na naman siya ng hiya at heto nga, para siyang tuta na nabahag ang buntot na nagmamadaling makalayo mula rito.

She just couldn’t muster enough strength to talk to him or even be around him for even a minute. She is the worst! Ugh! Crush niya si Keiran pero para naman itong may ketong kung iwasan niya! Samantalang ang ibang babaeng may gusto rito, wagas kung makalapit dito. Bakit ba hindi niya iyon magawa? Bakit ba kasi tinutubuan siya ng hiya sa katawan kapag nasa malapit na ito?

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon