Chapter 14

521 17 0
                                    

“OKAY ka lang ba? Si Keiran pa pala ang partner mo.” nag-aalalang tanong ni Jhenna kay Sybill nang magkaharap ulit sila ng kaibigan.

“I’m not okay. Bakit ba nangyari sa akin ito?”

“That’s the biggest question of the century. Bakit nga ba?” sabi ni Jhenna. Nahimasmasan na ito mula sa pagkabigla nito kanina. Magkatabi silang nakaupo sa reading area ng English building at kasalukuyang ginagawa ang activity na iniwan ng kanilang guro.

“I don’t really know.”

“Teka, sabi ni Sir James, sa Lunes na raw ang initial checking ng project proposal natin.”

Ibinaba niya ang hawak na libro at tumingin sa mga kaibigan. Bumubuntung-hiningang nasalo niya ang ulo. “I hate this.”

Hinawakan ni Jhenna ang braso niya saka bumulong. “Kaya mo ‘yan, ikaw pa. Pero totoo bang nagtapat ka kay Keiran ng pagsintang pururot mo sa kanya?”

Nag-init ang mga pisngi niya. “Hindi ko naman sinasadya. Bigla na lang lumabas sa bibig ko noong mga oras na iyon.” Malinaw na malinaw pa niyang naalala ang eksenang iyon.

“I don’t hate you. Ang totoo, mahal kita..”

Kung maibabalik lang niya ang oras na iyon. It’s her biggest secret and yet nasabi niya iyon sa mismong taong pinag-uukulan niya ng damdamin niyang naipon sa loob ng apat na taon. Ayon sa isang artikulong nabasa niya, kapag ang isang damdamin na matagal na naipon, isang dagil lang ay aapaw iyon. Mukha nga yatang totoo 'yun.

Hindi lang nadagil ang nangyari sa kanya, nabunggo ng bongga kaya nangyari ang biglaang pagtatapat niya ng damdamin kay Keiran. Kaya nang matauhan siya’y kumaripas siya ng takbo at iniwan ito.

Mariin niyang hinawakan ang braso ni Jhenna. “Palit na lang tayo ng partner, Jhen. Nakikiusap ako sa iyo. I’m gonna die.” Nagpa-panic niyang sabi dito.

“Ahmm...Sy..” wari’y sinisilihang sabi nito.

“Kung hindi ka puwede, tulungan mo akong sabihin kay Rain o sa kahit na kaninong classmate natin.” Gagawin niya ang lahat makapagpalit lang siya ng partner.

“Hindi na puwedeng makipagpalit ng partner dahil halos lahat ng classmates natin ay nakagawa na ng project proposal.” Pabagsak na naupo sa tabi niya si Keiran. Nanigas siya sa kinauupuan niya sa gulat. Bakit ba bigla-bigla na lang itong sumusulpot?

“Ahmmm... Aalis na muna ako, Sybill. Tinatawag ako ni Rain.” Nagmamadaling tumayo si Jhenna at umalis.

“Jhen..” Nanghihilakbot na napatanga na lang siya sa ginawa ng kaibigan niya. Gusto niyang magtampo dahil iniwan na naman siya nito sa oras na kailangan niya ito. Makukurot talaga kita sa singit, Jhenna! Tili niya sa isip niya.

Palihim niyang sinulyapan ang kanyang katabi. Bigla rin niyang binawi ang mata dahil nakatingin pala ito sa kanya. Bakit nga ba sa tuwing mahuhuli niya itong nakatingin sa kanya, parang hinahalukay ang sikmura niya?

Shocks! Aatakehin na yata ako sa puso! Nasa ganoon siyang pag-iisip nang kalabitin siya ni Keiran.

“So, your place or mine?”

Shocked na napalingon siya rito. “What? Hindi porke alam mo ang feelings ko sa iyo ay kung anu-ano na ang isa-suggest mo. How dare you! Hindi ko akalaing madumi ang isip mo.”

Napatanga siya nang biglang bumunghalit ng tawa si Rome. “Seriously, what are you talking about? What is going on in this pretty head of yours?” Nakangisi nitong ipinatong ang isang kamay sa ulo niya. “I’m just asking kung saan tayo gagawa ng project proposal natin. ‘Di ba sinabi ko sa iyo kaninang umaga na magkikita tayo after school? Iyon ay para pag-usapan ang project proposal natin.”

Nag-init ang mukha niya sa pagkapahiya. Geez... She and her perverted mind.

Medyo dumikit ito sa kanya at bumulong.  “And about what happened in the library.”

Bigla siyang lumayo rito. “Meanie.” Bulong niya sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

“Sorry. But one of these days, pag-uusapan talaga natin iyon.”
Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan niya nang makita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. Wala ring halong panunukso ang tinig nito. Bumuka-buka ang mga labi niya pero wala siyang mahagilap na sagot sa sinabi nito. Her brain turned into mushy and her tongue was tied into knots. Bakit hindi pa siya tigilan ni Kupido sa tukso nito sa kanya?

Sa huli ay napayuko na lamang siya. Bakit nito sinasabi ang ganoon? Tuloy, ang pasaway na puso niya ay  waring gustong tumalon mula sa kanyang dibdib.

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ni Keiran. “Basta sabihan mo na lang ako kung saan tayo gagawa ng project proposal natin.” Kinuha nito ang notebook niya at nagsulat sa huling pahina niyon. Inilagay nito sa harap niya ang kanyang notebook na nakalahad ang isinulat nitong numero ng cellphone.

“S-Sige.” Mahina niyang sagot. Bumuntung-hininga na naman ito bago ito tumayo at umalis sa kanyang tabi. Titig na titig siya sa isinulat nitong numero. Kabisadong-kabisado na niya iyon at naka-save na rin sa cellphone niya. It was his number.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon