Chapter 30

656 22 0
                                    

"MAGPAHINGA ka na muna, Leslie. Ako na ang bahala rito.” Ani Sybill sa babaeng halatang pagod at pipikit-pikit nang nagsasalin ng gamot sa hawak nitong heringgilya.

Matipid na ngumiti si Leslie. “Pasensya ka na, Sybill. Nahihiya na ako sa iyo dahil ikaw na ang nag-take-over ng trabahong dapat ay ako ang gumagawa. Ang hormones ng buntis ay ngayon pa sumipa.”

“Ayos lang iyon, naiintindihan ko.” Nang subukan nitong paanakin ang unang kabayong nagle-labor ay hindi nito nakayanan iyon. Nagduduwal ito at muntik nang himatayin.

Simula noon ay si Sybill na ang nagtoka sa kanyang sarili sa pagpapaanak sa lahat ng kabayo roon at nasa sidelines na lamang si Leslie na nakaalalay sa kanya.
Apat na kabayo na ang nanganganak sa tatlong araw na pananatili ni Sybill dito at lahat ng iyon ay nagdaan sa mga kamay niya. Ang tatlo pang buntis na kabayo na mino-monitor nila ay isa-isa nang nagpapakita ng senyales ng pagle-labor.

Nagpapasalamat si Sybill na hindi niya nakikita si Keiran sa ilang araw na nagdaan. Kailangan niyang mag-concentrate mabuti sa trabaho at kung makikita niya ito’y madi-distract lamang siya. Pero inaamin niyang medyo disappointed din siya na hindi niya ito nakikita.

“Robert,” tawag ni Sybill sa isa sa tatlong assistant ni Leslie. “Ihatid mo muna si Leslie sa malaking bahay para makakain na siya at makapagpahinga. Mag-lunch ka na rin. Ako na ang bahala rito.” Ang dalawa pang assistant ay maya-maya pa darating.

“Sybill, maiiwan ka ritong mag-isa. Magpakuha na lang tayo ng pagkain kay Robert at sa likod na lang ako magpapahinga.” Protesta ni Leslie. Ang tinutukoy nitong pahingahan ay ang kubong ginagamit na storage room ng mga gamot.

“Hindi ka makakapagpahinga roon, amoy gamot roon. Makakasama iyon sa baby mo.”

“Pero..”

“Sige na, magpahatid ka na kay Robert. Siya na lang ang magdadala ng lunch ko.” Pagtataboy rito ni Sybill.

Nang maiwang mag-isa si Sybill ay siya na ang nagtuloy ng ginagawa ni Leslie. She made herself busy with everything that they would need for emergency. Pagkatapos niyang maiayos ang lahat ng dapat ayusin ay pinuntahan niya ang mga bagong panganak na kabayo upang i-check ang lagay ng mga ito.
Siniguro niyang maayos ang lagay ng mga ito bago niya tinurukan ng vitamins isa-isa. Sumunod niyang ch-in-eck ay ang dalawang bulo na nakahiwalay ng kuwadra. Binigyan rin niya ng vitamins ang mga ito. Ang huling bulo na nasa hiwalay ring kuwadra ang huli niyang nilapitan. Natutulog ang naturang bulo na binalutan niya ng blanket nang nagdaang gabi. Inilapit niya sa nguso nito ang hawak niyang maliit na bote ng gatas. Napangiti si Sybill nang isubo nito iyon at nagsimulang dumede.

Inaalis ni Sybill ang suot na rubber gloves nang bumukas ang pinto ng kuwadra at pumasok si Keiran na madilim ang mukha. Biglang sinalakay ng kaba ang dibdib ni Sybill. Pero hindi iyon sa takot bagkus ay tila tumatalon-talon ang puso niya sa excitement pagkakita sa binata.

Stop it, stupid heart!

“What do you think you're doing here alone?” galit na tanong nito.

“Ano sa tingin mo?” ganti niya rito.

Naningkit ang mga mata nito sa pagbalik-tanong niya. “Goodness. For once, sagutin mo naman akong mabuti. Bakit mag-isa ka lang rito?”

“Pinagpahinga ko muna si Leslie at nag-lunch si Robert. Masaya ka na?”

Marahas itong humugot ng buntong-hininga. “I thought that my absence would somehow mellow your sharp tongue. I guess I’m wrong. Pinagbigyan ko ang hiling mong huwag muna akong magpakita sa iyo nitong mga huling araw, but no more! Pinababayaan mo ang sarili mo rito.”

“Hindi ako nagpapabaya.”

Nasorpresa siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang sinunod nga nito ang sinabi niya kaya hindi niya ito nakikita.

“Oh, yeah? Bakit hindi ka umuwi kagabi sa bahay? Alalang-alala ako sa paghihintay sa pagdating mo pero hanggang umaga ay hindi ka dumating. Nalaman ko na lang mula kay Robert ngayon lang na dito ka nagpalipas ng gabi at hindi pa natutulog. God, nangako ako sa Mama mo na hindi kita pababayaan habang naririto ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa iyo habang nasa poder kita.”

Nakagat ni Sybill ang kanyang labi sa nakikitang pag-aalala nito. Confused na tinitigan niya ito. Si Keiran? Nag-aalala sa kanya? It made her heart ache because she knew it was not true. Subalit kahit ano’ng pigil niya sa kanyang sarili ay namalayan na lamang ni Sybill na nagpapaliwanag siya rito. It must be her lack of sleep.

“Kagabi, nagkalagnat ang isang bulo na inayawan ng ina nito pagkapanganak pa lamang sa kanya. Hindi ko gustong iwan sa mga assistant ang pag-aalaga roon kaya buong magdamag ko iyong binantayan. He was so tiny and weak, hindi rin ako makakatulog sa pag-aalala kung iiwan ko siya.” tumikhim si Sybill upang alisin ang bikig sa kanyang lalamunan.

Awang-awa siya sa naturang bulo dahil inayawan ito ng sariling ina. May mga cases talagang ganoon pero everytimr na nakaka-encounter si Sybill ng ganoon ay nagiging emosyonal siya.

Isang buntong-hininga ang pinawalan ni Keiran. Umangat ang isang kamay nito  papalapit sa kanyang pisngi subalit mabilis rin nito iyong ibinaba nang mapansin siguro nito ang ginawa.

"Kumusta na siya ngayon?” marahan na nitong tanong. Wala na ang bakas ng galit nito bagkus ay isang emosyong hindi niya kayang bigyan ng pangalan ang naroroon.

Iniwas ni Sybill ang kanyang paningin. “Mabuti-buti na ang lagay niya.” sagot niya. Hindi mapigilan ni Sybill ang pagsungaw ng isang ngiti sa kanyang mga labi nang hinayon ng kanyang mga mata ang kinaroroonan ng bulo.

“Dumede na rin siya kanina kaya sigurado na akong tuloy-tuloy na ang pagbuti ng lagay niya.”

She heard him suck his breath sharply kaya bigla siyang napalingon rito.

“I’m glad to hear that.” matipid itong ngumiti sa kanya.

Nakagat ni Sybill ang kanyang labi dahil sa ngiti nitong iyon.
It's the first time she saw that smile of his again. Just a smile and her heart hammered wildly on her chest. Ang defenses na itinayo niya sa kanyang puso ay unti-unting  nabubuwag sa bawat pagkakataong nakikita niya ito kaya upang itago iyon ay pinangingibabaw niya lagi ang galit niya rito na ngayon ay hindi na niya matagpuan.

Subalit sa mga sandaling ito, she felt vulnerable. Wala siyang renda sa emosyong gustong umapaw sa dibdib niya habang nakatitig siya rito. Ni hindi niya mabawi ang kanyang mga mata sa pagkakatingin sa mga mata nito. She was mesmerized by the play of lights on his dark gray eyes.

Dahan-dahang naglakbay ang mga mata niya sa mukha ni Keiran. She couldn’t stop herself from licking her suddenly dry lips when her eyes centered on his lips. The pair of lips that kissed the daylights out of her one night. Ganoon pa rin kaya ang lasa ng mga labi nito? She wondered as she again lick her lips.

“Oh, God. You are the death of me, sweetheart.” Nakapikit na ungol nito na nagdulot ng mainit na guhit sa kanyang katawan.

Hindi niya alam kung paano nangyari subalit natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakakulong sa mga bisig nito at magkalapat na ang kanilang mga labi. Ang mga labi nito’y mainit, nang-aangkin at nagde-demand na gayahin niya ang paggalaw niyon. Which she boldly followed.

She closed her eyes as sensations that flooded her almost blinded her.

Ang mga braso niya ay kusang gumapang patungo sa leeg nito at mahigpit na kumapit roon na tila ba siya ay nalulunod at ito lamang ang kanyang anchor.

Keiran’s kiss made her body felt like it’s not her own anymore. A moan escaped her lips when she felt her back against the wooden planks of the walls. A delicious shiver traveled down her body as she felt him press his hard and strong body against her.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon