Chapter 34

712 24 1
                                    


NAALIMPUNGATAN si Sybill na masakit ang ulo. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinilot ang kanyang sintido. Where’s my pain reliever? Dahan-dahan siyang bumangon at hinanap ang kanyang bag. May baon siyang isang bote ng pain reliever para sa migraine niya.

Nang makuha ang bote ay mabilis siyang kumuha ng isang tableta at isinubo. Humiga siyang muli at nakapikit na hinintay na umepekto ang gamot. Kumunot ang noo niya. Ano ba ang nangyari kagabi at sumakit ang ulo niya?

Naaalala niya ang pagpapaanak niya sa isang kabayo kagabi. Then, dumating si Keiran. Malabo pa rin sa isip niya ang naging pagtatalo nila. Ano ba ang pinagtalunan nila?

Kasabay ng unti-unting pagmaliw ng migraine niya ay ang unti-unti ring paglinaw ng isip niya sa naging usapan nila kagabi. Bigla siyang nagmulat ng mga mata nang tuluyan niyang naalala ang mga pangyayari kagabi.

Parang gusto uling sumakit ng ulo niya sa panlulumong naramdaman niya. Hinubad niya sa harap ni Keiran ang lahat ng emosyon niya at nakapagsalita ng mga salitang hindi niya balak sabihin rito. She just doomed herself in front of him.

“Hey, are you awake now?”

Napabalikwas ng bangon si Sybill. Nakatayo sa may paanan ng kama si Keiran. Hindi niya namalayang nakapasok na ito sa kuwarto niya. Kumunot ang noo niya nang mapansing tila nanlalalim ang mga mata nito, pagod, helplessness at weariness ang nababasa niyang emosyon doon. Napansin rin niya ang pangingitim ng mga stubbles nito sa panga.

Suot pa rin nito ang damit nito kagabi.

“Gusto sana kitang makausap. Kahit makinig ka lang sa sasabihin ko.” Pakiusap nito. He rocked back and forth on his heels as nervousness claimed him.

Bago pa napigilan ni Sybill ang sarili, naroon na agad ang maskara niya.

“Isn’t this interesting? Ngayon, ikaw ang nakikiusap na kausapin ko?” napayuko ito sa sinabi niya. Pain flickered on his face that made her heart ache. She sighed. It won’t do them any good kung isasara niya ang kanyang sarili rito tulad ng ginawa nito dati.

“Sorry, talk.” mahina niyang wika. Umisod siya sa gitna ng kama at niyakap ang kanyang mga binti.

He smiled gratefully as he sat on the edge of the bed.

“Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.” Hindi ito makatingin sa kanya. “Magdamag kong pinag-isipan ang mga sinabi mo kagabi sa akin. Nagkaroon ng linaw ang mga katanungan ko nitong mga nakalipas na taon.” He sighed heavily. “You see, I was devastated when you suddenly broke up with me. I suffered mild depression that I didn’t know what I was doing the whole time. Mechanical ang naging galaw ko. Everything was blank. Para akong robot na gumagalaw. Naka-program na kumain, matulog, mag-parktis ng basketball, etc.”

He laughed drily. “How pathetic was that? But deep inside I was screaming your name, begging you’d come back. Na hindi totoong nakipag-break ka sa akin. Na nananaginip lang ako at isang araw ay magigising ako at panaginip nga lang ang lahat. Noong dumating ang araw ng championship game ng basketball team, nananalangin ako na sana dumating ka. But you never came. Iyon ang panahon na nag-short circuit ang katawan ko.”

Hindi na namalayan ni Sybill na tumutulo na pala ang luha niya habang nakikinig rito. She wouldn’t dare interrupt him. Gusto niyang marinig nang buo ang side nito.

“Nang nasa ospital ako, ikaw ang unang-una kong hinanap nang magkamalay ako. Pero sabi nila, ni hindi ka daw sumilip kahit minsan. Umasam pa rin ako na dadalawin mo ako sa bahay pero sa bandang huli, ni anino mo, wala. It hurts like hell, Sybill.” Puno ng hinanakit ang tinig nito. “Doon ko napagtanto na wala na talaga akong halaga sa iyo. Kaya nang maaari na akong pumasok, ginawa ko ang lahat para iwasan ka. But when you suddenly didn’t came to school, nag-alala pa rin ako. Nagpunta ako sa bahay ninyo pero nakita ko kayo ni Jonas, magkayakap. Ang sabi nila, si Jonas ang ipinalit mo sa akin.”

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon