Chapter 33

672 28 2
                                    

HINDI na nagulat si Sybill nang mapagbuksan niya sa labas ng kanyang kuwarto si Jessica. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob ng kuwarto na tila susugod sa isang giyera. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa interogasyong ito.

“Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito. At dito ka pa sa tabi ng kuwarto ni Keiran tumitigil? Ano’ng balak mo? Inaakit mo ba siya? Slut!” tuloy-tuloy na litanya ni Jessica.

“Hinding-hindi ko gagawin iyan at huwag na huwag mo akong tatawaging ganyan.”

Inirapan siya nito. “Totoo naman ang sinabi ko. Truth hurts, Sybill.”

Nagpipigil na ikinuyom ni Sybill ang kanyang mga kamay. “It doesn’t, dahil hindi naman totoo.”

Nalukot ang mukha nito sa galit. “Sana hindi ka na nagbalik pa. Masaya na kami rito. Ano ba talaga ang gusto mo?”

“Sinabi naman na sa iyo ni Keiran kung bakit ako naririto, ‘di ba? O hindi mo naiintindihan iyon?”

“I really hate you.”

“So as I am with you.” Pinaikot ni Sybill ang mga mata.

Tumalim ang mga mata ni Jessica. “Hindi naman kailangang ikaw ang kunin niyang kasama ni Leslie. Maraming hamak na mas magaling kaysa sa iyo sa field na iyon.”

“Sabihin mo sa kanya iyan. Baka sakaling makinig siya sa iyo. Hindi kasi siya nakinig nang sabihin ko rin iyan sa kanya.”

“Talaga!” ngumiti ito nang nakakaloko. “Oh, yes. Makikinig siya sa akin. Pruweba na ang nangyari noon, ‘di ba? I really pitied you that time. Kahit ano’ng gawin mo, hindi siya nakikinig sa iyo. Oh, hindi ka nga pala niya binibigyang pansin, paano nga pala siyang makikinig sa iyo noon?”

Pinigilan ni Sybill ang mag-react kahit pakiramdam niya ay tila pinagsasampal siya sa katotohanang sinabi nito. She knew she’ll break down once she open her mouth to answer that. Wala siyang laban sa emotional attack na ito.

“Iayos mo na ang mga gamit mo because I want you out of our life permanently.”

“Pinagbabantaan mo ba ako?”

Ngumiti ito ng nakakaloko. “Perhaps.” Anitong naglakad na patungo sa pinto.

“Oh, and one more thing,” huminto ito sa pagpihit ng seradura ng pinto. Ang ngiti na ibinigay nito sa kanya ay nagdulot ng kaba sa kanyang dibdib. “Ang family dinner namin ngayon ay para pag-usapan ang pagpapakasal namin ni Keiran sa lalong madaling panahon.”

“AKALA ko ba, matutulog ka?” nagtatakang tanong ni Leslie nang mapasukan ito ni Sybill sa kuwadra. May hawak itong maliit na bote na tinitimplahan nito ng gatas.

“Nakapagpahinga na ako.” Sagot niya na inabot ang kanyang asul na lab coat na nakasabit sa isang sulok ng dingding.

Kumunot ang noo nito nang tumingin ito sa relong pambisig nito. “Isang oras? Ano’ng tulog ang ginawa mo?”

Hindi sinagot ni Sybill ang tanong nito. “Ako na ang mag-aasikaso kay Teddy.” Iyon ang ipinangalan nila sa nakahiwalay na bulo.

“Sybill, bumalik ka na muna sa malaking bahay para makapagpahinga.”

Umiling siya. “Hindi rin naman ako makatulog, mas mabuti pang dito na lang ako kaysa magbiling-baligtad lang sa higaan.”

“Kailangan mo ng pahinga.” Pilit nito.

“Kaya kong manatiling gising sa loob ng tatlong araw kaya huwag kang mag-alala. Pangako, magpapahinga ako sa sandaling maramdaman ko ang antok.”

Isang buntong-hininga ang pinawalan ni Leslie. “Ipapalabas ko ang papag na nasa storage room kina Jerry at ipapalagay ko rito para may pahingahan tayo. Huwag mo akong pipigilan kung hindi ako uuwi ngayon.”

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon