Chapter 26

574 24 0
                                    

“BAKIT natagalan ka yata?” tanong kay Sybill ng kanyang ina nang dumating siya.

“Na-meet ko po kasi sa supermarket ‘yung isang classmate ko. Nagkamustahan at nagkakuwentuhan ng konti. May binili akng melon para sa inyo rito.” Aniya nang ipatong niya sa kitchen island ang mga supot ng pinamili niya.

Kumuha ng plato at kutsilyo ang kanyang ina sa cabinet. “Sino ang classmate mong nakita mo?”

“Si Jonas po.” Sagot niya. Kinuha niya mula sa isang supot ang melon at iniabot sa kanyang ina. “Siya ‘yung editor dati ng school paper namin.”

“Hmm.. Ano naman ang napag-usapan ninyo?”

Huminto si Sybill sa pag-aayos ng mga de-lata sa cabinet at nilingon ang kanyang ina na abala sa paghihiwa ng melon. “Well, kung ano-ano lang naman. He catched me up on the latest news about everyone. Nabanggit din niya na nangangailangan ng tulong ang asawa ng kuya niya.”

“Tulong? Bakit daw?”

Kumuha si Sybill ng tinidor sa drawer at inilagay sa plato sa harap nito. “Veterinarian daw ang hipag niya at next week, may isang dosenang kabayo daw ang paanakin niya. Alam ninyo kung gaano kahirap magpaanak ng kabayo lalo pa at ganoon karami. Can I go? I really want to help.”

Ngumiti ang kanyang ina. “Of course.”

“Kukuha ako ng makakasama mo rito nang isang liggo.”

Umiling ang kanyang ina. “Anak, kaya ko ang sarili ko. Ikaw nga ang inaalala ko. Ilang araw ko nang napapansing matamlay ka. Mabuti siguro ang ”

“Pero, Ma. Isang linggo akong mawawala. Hindi ko kayo pwedeng hayaang mag-isa rito. Mainam na may makasama kayo na magmo-monitor sa inyo habang wala ako.”

Natatawang pinaikot ng kanyang ina ang mga mata nito. “Alright. Hanapan mo ako ng magbabantay sa akin. Gusto ko ng guwapo at macho, yung may six pack abs.”

“Ma!” naeeskadalong bulalas niya.

“What?” painosenteng wika ng kanyang ina. “Alright, alright. Ang kj mo, anak, Nagbibiro lang ako.”

“HI, I’m Leslie. Naikuwento ka na sa akin ni Jonas. Maraming salamat talaga at pumayag ka na tulungan ako.” Bati ng babaeng nagpakilalang hipag ni Jonas nang makipagkita siya rito upang kausapin ang may-ari ng rancho. Agad silang bumiyahe pa-Tagaytay.

“Hello, Leslie. Hindi pa naman official na ako na ang makakasama mo. Hindi pa natin alam kung papayag ang may-ari.” Aniya na ninanamnam ang preskong hatid ng hanging pumapasok mula sa nakabukas na bintana ng sinasakyan nilang Land Rover.

“Huwag kang mag-alala. Siguradong papayag iyon, isang tingin pa lang sa credentials mo siguradong wala siyang maipipintas.” Sabi ni Leslie. “Oh, we’re here. Pero fifteen minutes pa bago tayo makarating sa mismong bahay ni Boss.”

Napatingin si Sybill sa arkong pinasukan nila. Hindi niya gaanong nabasa ang pangalan ng rancho na nakapinta sa itaas ng arkong pinasukan nila dahil medyo faded na ang mga salitang nakasulat roon. Nagkibit-balikat na lamang siya at bumaling kay Leslie.

“Ano’ng pangalan ng ranchong ito? Hindi ko masyadong nabasa ‘yung nasa arko.”

“Rancho Sebastian ang nakasulat roon. Pero ang alam ko, papalitan na raw ang pangalan nito sabi ng bagong may-ari.”

“Bagong may-ari?”

“Yes. Actually, dalawang taon na niyang hawak ang ranchong ito pero dahil sa tagal ng proseso ng pag-apruba ng petisyon niyang baguhin ang pangalan nito, Rancho Sebastian pa rin ang tawag rito at hindi pa niya mapalitan ang bulok na arko na iyon.”

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon