Chapter 15

522 17 0
                                    

“VERY GOOD.” Puri ng guro nina Sybill at Keiran nang ipatawag sila nito para kausapin matapos ma-check ang kanilang ipinasang project nang araw na iyon. “This will be featured in your yearbooks so be proud.”

Nakahinga nang maluwag si Sybill dahil sa wakas, natapos na rin ang English project nila. Ilang linggo din siyang na-stress sa paggawa ng project kasama si Keiran. Torture sa puso niya ang mga oras na kasama niya ito kaya naman doble ang pagod na naramdaman niya sa durasyon ng paggawa nila ng project.

Paano naman kasi, kulang isang dipa lang ang layo nila sa paggawa. Buti nga at maayos pa ang pagkakagawa ng project nila. Hindi niya nga alam kung paano’ng ang gawa pa nila ang napili ng guro nila na ilagay sa yearbook ng batch nila.

Gusto na niyang ihiga ang katawan sa kanyang malambot na kama at matulog nang matulog. Hindi bumabanggit ng kahit na ano si Keiran ng tungkol sa nangyari sa library at tulad ng sinabi nito, tungkol lamang sa project nila ang topic kapag magkasama sila. Medyo napanatag ang loob niya at nagawa niya ng maayos ang parte niya.

“Salamat po, Sir.” Sabi nila nang i-dismiss na sila ng kanilang guro.

Paglabas na paglabas ay awtomatiko na siyang humakbang palayo kay Keiran pero hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay nahagip na nito ang braso niya. Napaigtad siya dahil tulad ng nangyari dati, para siyang nakuryente sa pagkakadikit ng balat nito sa kanya.

Pumalatak ito. “I can’t believe this. As soon as Sir James dismissed us, kulang na lang magtatakbo ka para lang makalayo sa akin. Huwag mong sabihing magtatago ka na naman?”

Hindi siya nakaimik. She must get away from him. The sooner, the better. Hindi maganda ang epekto ng presensya nito sa puso niya.

“Tapos na ang project natin. Uuwi na ako.”

“Like I will let you. Mayroon pa tayong dapat pag-usapan.”

Hinawakan na nito ang kanyang kamay at pinaghugpong. Nanlalaki ang mga matang napasinghap siya sa ginawa nito kaya hindi siya agad naka-react nang maglakad na ito.

“S-sandali. Saan mo ako dadalhin?” Napasunod na lang siya rito papalabas.
Hindi ito sumagot at tuluy-tuloy lang sa paglakad. Sa tingin niya ay daan papunta sa parking lot ang tinatahak nila.

Ang mga estudyanteng nadaraanan nila ay nagtatakang nakatingin sa kanila. Uwian na kaya maraming estudyante ang nagkalat. Natanaw na niya ang motorsiklo ni Keiran na nakaparada sa usual spot nito. Of course alam niya, she’s a frustrated stalker stalking him for four years.

“Keiran, saan ka pupunta? May practice pa ang team, ah.” Tawag dito ni Jorge na patakbong lumapit sa kanila. May dala itong bola at nakasabit sa balikat nito ang basketball shoes nito.

“Sorry, Jorge. I need your help, puwede bang ipagpaalam mo ako kay Coach?”

“Ha? Bakit? Sa Monday na ang qualifying games natin, ah.” nagtatakang lumipat ang tingin ni Jorge kay Sybill. “Hi, Sybill.”

“H-Hello, Jorge.” Ganting bati niya sa maliit na tinig. Nag-init lalo ang mga pisngi niya nang bumaba ang mata nito sa magkahawak na mga kamay nila ni Keiran.

“Keiran? Kayo na?” nanlalaki ang mga matang bulalas nito.

Natatarantang sumagot si Sybill. “T-teka, nagkakamali ka, Jorge-”

“Tama, nagkakamali ka.” Singit ni Keiran sa sinsabi niya. “Hindi pa kami. Magiging kami pa lang.”

Bigla ang baling niya kay Keiran. “What?! Ano ba ang sinasabi mo?”

“Magiging tayo pa lang.” Seryosong ulit nito. Pinisil nito ang kamay niyang hawak nito.
Manghang napakurap-kurap si Sybill nang mag-sink in sa kanya ang ibig sabihin ni Keiran.

OMG! OMG!

“Timeout! Teka nga muna.” Sabi ni Jorge. “Parang naiintindihan ko na ang sitwasyon ninyo at may nagbubulong sa isip ko na dapat ay umalis na ako. Sige, ako na ang bahala kay Coach, Keiran. Goodluck sa date ninyo.”
Tumatawa itong tumalikod pero hindi na nila pinansin pa iyon.

Party of Destiny, Hosted by Lolo Kupido: Sybill's Meant-To-Be (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon