PROLOGUE: An Eye for an Eye

2.1K 68 11
                                    

DISCLAIMER

This story is a work of fiction. Characters, places, names, and incidents are made up by the author's imagination. Any resemblance to actual people or event is purely coincidental.

Also, the story is not suitable for audiences below fifteen and sensitive minds. As it may contain the following trigger warnings: assault, blood, manipulation, explicit death, murder, graphic/extreme violence, power imbalance, poisoning, profanity (strong foul languages), public humiliation, trauma, war.

Please, be aware of the trigger warnings stated first before reading at your own risk and separate fiction from real life.

Thank you for understanding.

Yours truly,
     lovedifferences💕

🗡🗡🗡

KHANARIE

March 27, 19X2

"Nasaan na siya? Bilisan ninyo! Baka makatakas!" Sigaw ng isang kawal sa mga kapwa nito. Kumaripas ako ng takbo upang makatakas nang husto sa mga ito. May namataan akong isang puno na malapit sa bintana ng isang kwarto sa palasyo.

Umakyat ako roon upang magtago. Sa mga nagdidikitan na mga dahon ko siniksik ang sarili tapos tumapat sa isang bintana patungo sa isang silid. Dito ako papasok kapag nawala ko na ang mga kawal na humahabol sa akin.

"Ayan na sila!" Bungisngis ko sa mga 'to.

"Nahanap n'yo ba siya?" Tanong ng isang guwardiya.

"Dalian natin, baka may mangyari sa mga Wainwright."

"Hulihin ang hangal na taong naghimasok sa palasyo!"

Ang tanga naman ng mga ito! Sila ang hangal dito! Bwisit! Kanina magnanakaw ang tawag sa akin, ngayon naman isang hangal? Tss! "Nagtakas lang naman ako ng pagkain sa kusina." Naghalukipkip ako at sumimangot.

Nagugutom lang ako kaya sinubukan kong pumasok sa kusina kanina. Ayoko ang handa na mayroon sa selebrasyon ngayon sa grand hall. Walang matamis doon. Walang tsokolate!

"Mga bwisit! Patalsikin ko kayong lahat bukas sa mga trabaho ninyo!" Dagdag na reklamo ko sa mga ito.

"Baka armado pa iyon! Dalian na natin!" Sigaw ng isa.

Natawa na naman ako nang maalala kong hinagisan ko ng paring knife ang isang kawal dahil sa paghuli niya sa akin na kumakain sa kusina ng tsokolate. Ginulat ako nito, e. Hindi ko sinasadyang hagisan siya.

Tumayo ako ng dahan-dahan sa sanga at tumalon mula rito papunta sa kwarto na katapat nito. Mabilis akong nagtago sa likod ng pader at sumalampak sa sahig. Nakakapagod takbuhan ang mga kawal lalo na't naka-bestida ako na napakabigat. Animo'y ikakasal ako, e, hindi naman.

Munting pagtitipon lamang ang mayroon ngayon kaya ako nakadamit nang ganito. I tried to convince the maids to give me a lighter and comfortable dress to move with, but they nagged that this is an important celebration and a princess must wear a gown. They could at least lessen the petticoats. It is at least three to four layers of heat!

I grumble and ball my fist. This is all thanks to the boring engagement party of our older sister, Kimora Wainwright.

I honestly disagree with this engagement party, but tradition is tradition. Princesses in our period are used as accessories or tools for monarch controversy. Our family was taught that at the age of thirteen, we are arranged to marry another royalty – that's the setting my twin and I are facing. At the age of fifteen, we will meet our potential suitor – and that is what's happening to Ate Kimora today. After our coming-of-age, at the age of eighteen, we will get married. Regardless if the partner is two years older or twice our age.

The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon