CODHILLE
"Hello, little one?" Bati ko sa prinsesa nang maabutan kong naglalakad siya mag-isa sa palasyo patungo sa opisina ng kaniyang ate.
"Kuya Codhille!" Bati rin niya habang kumakaway.
"Anong nangyari sa iyo? Mukha kang may problema," nag-aalala kong saad sa kaniya.
"Wala naman po," naiiling niyang tugon sa akin.
Sumabay ako sa lakad nito dahil parehas naman kami ng pupuntahan na dalawa. Naaawa na ako sa magkakapatid na Wainwright, unti-unting nagbabago ang mga ito. Gaya na lang ni Kheilanie, sapilitan siyang pinagpanggap ni Haring Howard na maging Khanarie. Tapos dumagdag pa sa kalungkutan niya noong umalis si Kohlen.
Si Khally naman ay ginagabi na ng uwi. Ang dahilan niya ay gusto nitong malayo sa stress dahil sa sunod-sunod na mga problema sa palasyo. Habang si Viera naman ay napapadalas ang pagkakawala nito sa palasyo. Umuuwi naman siya, pero madalas ay wala ito sa palasyo ng ilang mga araw.
Pagkapasok naming dalawa sa opisina ni Khanarie—na ngayo'y ginagamit din ni Kheilanie na opisina niya—ay pinaupo ko muna ang bunso bago ako naupo sa tapat niya.
Both sisters smiled at each other and I am happy that they are both communicating with each other rather than living in one roof as complete strangers.
"I am sorry ngayon ko lang kayo makakausap na dalawa. Naigugol ko halos lahat ng atensyon ko sa pagpapanggap bilang Khanarie nitong nakaraang mga araw. Labas-pasok ako, I am at the People of the Monarch System as either myself or Khanarie. And I am sometines at Fah-zi Trrou training."
I shook my head. "You don't have to apologize, Kheilanie. Naiintindihan namin na hindi madali ang ginagawa mo ngayong para sa pamilya ninyo. Mahihintay ka naman namin ni Khally para magtulungan tayo rito sa palasyo."
Ngumiti naman siya sa akin at tumango. "Maraming salamat sa lahat, Codhille. Lalo na sa pananatili rito sa palasyo, sa pamilya namin, kahit magulo na."
I snicker. "It's what I do. I will do anything to help, in behalf of your sister, too."
Natuwa naman ang magkapatid saka na namin napag-usapan ang pag-iisang dibdib namin ni Khally.
Hindi ko mawari kung saan nila nakuha ang ideyang pakakasalan ko ang isang dalaga na katulad ni Khally, dahil parang isang kapatid ang turing ko sa kaniya.
She has so much potential in her than it meets the eye. And I'm to take her wonderful future away from her if we do not stop this wedding preparations.
"Khally, baby, gagawin natin ang lahat upang hindi matuloy ang kasal, okay?" Kheilanie starts to comfort her little sister.
"Ate, alam ko po. May tiwala po ako sa lahat ng tumutulong sa atin. Kaya Ate, ikaw po, dapat mag-ingat ka rin at magtiwala ka rin sa amin. Kung mabigat na ang trabaho sa papeles, sabihan mo si Kuya Dona para tulungan ka. Kung sa iyong training naman, pwede ka naman humingi ng tulong kila Kuya Hemington. Ate Khei, kung kailangan n'yo rin po ng pahinga, tawagin mo lang kami ni Ate Viera. Andito kami para sa iyo," pagpapaalala na naman ng bunso sa kaniyang ate.
This. I cannot have this. She's the purest soul I've ever met. And full of wisdom. It is not meant for me.
"Aww! My baby girl is so sweet!"
Kheilanie continued to gush all over her little sister. I tried to chime in and they gave me their attention.
"Khally, may gusto akong itanong."
"Ano ho 'yon?"
"Is Arizs still ignoring you?" Tanong ko rito at natigilan siya saglit. Tumango naman siya kaya napatakla ako nang patago.
BINABASA MO ANG
The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]
Historical FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE Cover design by: Ramen Arts Started: December 7, 2020 Ended: February 7, 2021 The stained hands she grew up from is enough to carry a crown. 🗡🗡🗡 Khanarie Wainwright, is one of the Wainwright pri...