VAGABOND 12: Town Prukkehiya (Trade)

442 28 4
                                    

KHANARIE

"Ano nga pala pangalan mo?" Baling ko sa babae.

"Aurora Moubray po. Anak ako ng lider ng Prukkehiya."

I stare at the little girl.

"The leader's daughter..." I mutter lightly.

I beamed to the young lady and bow my head a little. "It is nice to meet you—"

"Khanarie, look out!" Sinangga ko ang katawan ko para protektahan si Aurora. May dumaplis sa akin na palaso sa braso at mukhang natakot si Aurora dahil doon. "Get inside the house, Khanarie! Tell the guards to help me here!"

Tumango ako at hinila si Aurora papasok ng kanilang bahay. Pagkapasok namin sinara ko ang pinto at tinulak siya ng mahina. "Aurora, call your guards. I need to help Logan outside."

"Kayong dalawa lang?! Hindi n'yo kaya!"

"Trust me! I can help him as you call for reinforcements." Tinapik ko siya at kinindatan pa siya. Mabilis naman akong naglakad palabas ng bahay.

I sway the slit of my dress away to grab some shurikens hidden underneath the cloth. Pagkalabas ko, may lalaking nasa likod ni Heming kaya hinagis ko ang shuriken sa ulo n'on.

"Are you okay, Heming?!" Naghagis ulit ako pero sa likod ko naman.

"Thanks, Narie!"

"No problem!" Pinaghahagis ko na ang shuriken ko sa sunod-sunod na kalaban na dumarating. "I'm out of ammo, Heming!"

"Same here! Fuck! Nasa loob ng bahay ng lider ang glave ko!"

"Heming!" Dalawang pana ang tumama sa katawan niya bago pa ito makaiwas.

Tumama ang isang palaso sa kaniyang hita at ang isa ay sa braso. Lumapit ako kay Heming at tinulungan siyang tumayo.

"Umalis ka, Khanarie!" Umiling ako at pilit siyang tinulungan na tumayo. "You have to get out of here. I will be okay, Narie."

"I'm not leaving a friend behind, Heming." Umiling ako at sinubukan kong protektahan si Heming tuwing may nakakalapit na kalaban sa amin. Fuck this!

"PARIS!"

Before another arrow strikes, there was a swoosh sound on the air. A sword appeared on my peripheral vision. "Are you two okay?" Nag-aalalang tanong ni Paris at lumapit sa amin.

"We are. Thank you, Paris."

Umiling siya. "I'm glad you called." Ngumiti ako kay Paris na hinarang ang palaso na tatama sana sa akin.

Isinukbit ko ang braso ni Heming sa balikat ko at naglakad kami palayo kay Paris. Sumunod sila Prinston at Kuya Donatillo at iba pang kawal upang tulungan siya makipaglaban sa labas. Si Killio naman ay sinalubong kami upang tulungan ako na umakay kay Heming. Sinabihan ko ito na dalhin siya sa pagamutan at baka may lason pa ang palaso na nakatanim pa sa kaniyang katawan.

Dumako ang tingin ko kay Arizs. "Capture one assassin. I need him or her alive." Tumango siya saka naghabol ng maaari niyang dakipin.

Tumingin ako sa isang matanda na nais kong makilala. Tumindig ako nang makaharap siya at huminga nang malalim.

"Sir Ethan Moubray."

"Don't step foot on my property," he said coldly and I did not flinch. "Napakatahimik ng aming bayan simula noong mawala ang mga Unverferth, tapos sisirain n'yo lang na mga bunying katulad ninyo!?" Galit na sumbat nito.

"Maaari bang pag-usapan ito nang mahinahon? Hindi ko naman ginusto na mangyari ito sa inyo."

"I'm sorry, Khanarie Wainwright. Pagkakita ko pa lang sa 'yo, isa kang malas sa aming bayan. Pumayag lamang ako na magkausap tayo dahil inakala kong makabubuti ito sa ating dalawa, lalo na sa aking mga mamamayan. Ngunit nagdala ka ng mga kalaban sa aming teritoryo, kaya pagkatapos ninyo ay umalis na kayo," malamig at mariin niyang sumbat sa akin. Naikuyom ko ang kamao ko at lumapit sa kaniya. Tinutukan pa ako ng espada ng iba pero hindi ako nagpatinag.

The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon