VAGABOND 19: A Notice from Kimora

397 22 0
                                    

CODHILLE

Three days later, we were back to normal with our separate agendas.

And my top agenda is to find and talk to Khanarie. I haven't spoken to her after we returned her to the palace.

"Yo, Codhille! Mabuti na lang at nahanap na rin kita, may padala ako sa 'yo!" Bungad sa akin ni Prinston nang maabutan ko siya sa silya ng palasyo. "A love letter for you!"

"Burn it," matiim na ani ko sa kaniya.

I have no time for this ridiculous child's play. The only love letter I would accept is from Khanarie even though it is impossible to receive one from her.

Nilagpasan ko siya pero hinila niya ako pabalik. "Bakit?"

Ngumisi siya at pinatong sa kamay ko ang sobre. "Nagbibiro lang naman, pare! Galing kay Reyna Wainwright-Hadfield itong sulat. Tss! Isumbong ko kayo ni Narie sa reyna, e. Hilig ninyong magsayang ng effort ng mga tao."

Bumaba ang tingin ko sa sobre na hawak niya. Inabot ko iyon.

"Sige, alis na ako, Codhille! May lakad kami ng heneral ngayon," paalam niya.

"Take care of her," I commanded.

"Malamang!" Sagot niya.

Pumunta naman ako sakwarto ko upang basahin ang pinadalang sulat ni Kimora Wainwright sa akin.Nakakabahala ang padala niyang sulat dahil naka-royal seal pa ito. Binuksan ko ang sobre atsinimulan na basahin ang sulat sa akin ng reyna.


Codhille Sotello,

Good day, Codhille!

I hope this letter finds you well, and not create a strife in any sort of relation extending from our friendship.

Please, take care of Khana. She may be stubborn, but she is a sweet woman. Sana makita mo 'yon katulad ko. Dahil noong andiyan pa ako sa palasiyo, ay napapansin ko ang kakaibang pagtingin mo sa kaniya. And I give you my blessing if you ever find to love her so. Because it is love that I see in your eyes for her.

However, I regret what I have done right now. Lalo na kung nahuli itong sulat ko na dumating sa'yo. 

Remember this: noon pa man ay nakatakda si Kohlen kay Kheilanie na ikasal. Subalit, hindi ko lubos na maintindihan kung bakit nag-iba ang desisyon ni Papá at pinagkasundo na si Kohlen kay Khanarie ngayon. Ang tanging alam ko lamang ay konektado ito sa trono ng Wainwright na dapat maipasa kay Khana.

Codhille, please save my sister. Save her heart! Please, save yourselves.

Nilakumos ko ang sulat niya nang maalala ko na naman usapan namin noong pumunta kasi sa rest house nila.

🗡🗡🗡

"Papá, may problema ba?"

Umiling siya at nilagpasan kami. Bumalik ang tingin niya sa akin na nangangahulugan na kailangan naming mag-usap ngayon.

"Excuse me, General Wainwright. May nalimutan pala ako sa rest house. Huwag mo akong hahanapin, okay?" I joke to her. Her cheeks blush bright pink and bicker back.

Parang ayoko na sundan ang hari. This general is tempting me to stay. Tinulak ko na lang ang ideyang manatili sa tabi niya at sumunod kay Haring Howard. Hindi ko aatrasan ang tingin niya sa akin kanina. Pumasok ako sa rest house at nagkibit-balikat na hinarap siya.

"King Howard," I called him.

He jerks his head and looks at me. "You really don't know how to respect me, boy."

The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon