Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.
🗡🗡🗡
KHANARIE
Nahanap na namin ang main base ng Ylli noong nakaraang taon.
Pabalik na kami sa Southwest noon, dahil napabagsak namin ang Hiphinst at Quire sa paglalakbay nila sa dagat. Nakahingi ako ng tulong sa kapwa kong heneral sa Southwest, sila ang naghimasok sa maliit nilang kampo nang matagpuan namin iyon. Nang pabalik kami, at ibibigay paalam sana sa kaniya kung saan taguan ng Ylli.
Hindi kami nagtagumpay. Hindi namin nasabi sa kapwa kong heneral kung saan ba nagtatago ang mga ito. Dahil napadpad kami sa ibang bansa nang ilang buwan.
🗡🗡🗡
Nabitawan ko ang cellphone ni Prinston nang may sumaksak sa aking hita. Dali ko siyang binawian at pa ika-ikang pinuntahan sila Prinston.
Biglang bumugso ang malakas na ulan at hindi ko makita nang maayos ang mga kalaban namin na dumarating sa aming barko. Pinapalibutan na ang tatlong kasamahan ko.
Before I could help them, I was attacked from behind again and was tossed towards my comrades like a piece of trash.
"Narie!"
Tinulungan ako ni Paris na tumayo pero hindi ko talaga kinaya. Nanghina na ako.
"Prinston! Take Narie away from here!" Pagpasa ni Paris sa akin kay Prinston.
"Anong gagawin mo, Paris?!" Bulyaw ko sa kaniya pero ngumiti ito. Sumugod siya sa mga kalaban. Sumunod din si Killio sa kaniya. Lalong napunit ang puso ko dahil sinasakripisyo nila ang kanilang buhay para sa akin.
"I'll be back, Khanarie." Prinston left, too.
Gusto kong abutin kamay niya, pero hindi ko magawa. Pilit akong tumayo pero unti-unting humihina na ang katawan ko. Wala akong magawa kundi umiyak.
Wala akong maitulong sa mga kasama ko. Sunod-sunod ang bawat pag-atake sa kanila ng mga kalaban nang hindi nila nakikita. Ang tubig ng ulan na umaabot sa aming barko ay nagiging dugo. Ang kulog ng bagyo ay parang hiyaw ko.
Sino tutulong sa amin kung kami lang ang natitira para sa isa't isa? Paanong magkakaroon ng milagro kung kami dapat ang gumagawa ng paraan upang magkaroon?
"Stop crying, Narie!" Inipon ko ang buong lakas ko at tumayo muli. Kahit iika-ika ako, lalaban pa rin ako. Tao lang din sila. Kaya ko rin sila talunin. Hindi ako magpapatalo at hahayaan ang mga 'to na tapusin ang buhay namin! My trainings cannot go to waste because of this.
I am not sacrificing my time to lose to a puny cruise battle! Uuwi pa kami. Uuwi kaming buhay sa pamilya namin!
Our group is our family.
The Wainwright Family are our family.
Codhille... Codhille is family.
Inilabas ko ang dalawang glave knife ko saka pinagsasaksak ang mga malalapit sa akin na mga kalaban. Minabuti kong nakatutok ang sandata ko sa kanilang tiyan o leeg. Nang mabawasan ko ang mga nakapalibot sa mga kasama ko, bumangon ulit sila at lumaban.
Nagsuka ako ng dugo dahil binigla ko ang katawan ko. Bumagsak ulit ako at tuloy-tuloy ang pagsusuka ko ng dugo. I can hear more footsteps boarding oour ship. I can't guarantee my safety since I can't move a muscle anymore.
BINABASA MO ANG
The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]
Historical FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE Cover design by: Ramen Arts Started: December 7, 2020 Ended: February 7, 2021 The stained hands she grew up from is enough to carry a crown. 🗡🗡🗡 Khanarie Wainwright, is one of the Wainwright pri...