PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE
Cover design by: Ramen Arts
Started: December 7, 2020
Ended: February 7, 2021
The stained hands she grew up from is enough to carry a crown.
🗡🗡🗡
Khanarie Wainwright, is one of the Wainwright pri...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.
🗡🗡🗡
CODHILLE
I stayed in my room for two days, remembering Prinston's story.
🗡🗡🗡
"Anong sumunod na nangyari?"
Tumawa siya habang pinagmamasdan ang dagat. "Masama kaming damo na pito! Hahaha! Nabuhay pa kami pagkatapos ng misyon na 'yon. Ang napuruhan sa aming lahat ay sina Narie at Paris. Gaya nga ng sinabi ko kanina, ginamit ni Narie ang katawan niya upang protektahan ang sugatan na Paris. Nakakainggit tuloy si Paris."
Binatukan ko naman siya. "Sugatan na nga 'yung mga 'yon, kinaiinggitan mo pa?!"
"Walang batukan!" Binawian niya ako.
Napahaplos naman ako sa likod ng ulo ko. "Tuloy mo na iyong kwento kung paano kayo nabuo na grupo."
Kumulisap siya na parang babae at patuloy ang kaniyang pagmasid sa dagat. "Nang naipagamot kami, bago bumalik sa palasyo ng Wainwright, nagkaroon kami ng sumpaan sa isa't isa."
"Iyon na ang naging dahilan para maging isang grupo kayo?"
Tumango siya. "Iyon lang ang maaari kong ikwento sa iyo." After telling me his story and the other pillars, he pointed out that I am a prince without hesitation.
"Palubog na ang araw. Gusto mong uminom muna, Codhille? Libre ko!" Aya ni Prinston sa akin.
"Yeah, sure thing," sang-ayon ko naman.
I thought the scars of Khanarie Wainwright came from punishments, but it came from a dangerous mission. Kaya pala hindi nawala ang mga 'yon dahil malalim ang mga sugat nito, at kahit ilang taon na ang lumipas hindi nawala ang mga 'yon.
"I presume Khanarie was only eighteen during that time."
Kung ako noon ay muntik mamatay dahil sapaglason sa akin ng mga dumakip sa amin ni Kohlen, si Khanarie naman ay muntiknang mamatay dahil sa pagprotekta ng isang kasamahan.
🗡🗡🗡
She really deserves her title. She deserves a throne more. But she doesn't deserve to be miserable.
"Dammit, KingHoward!"
🗡🗡🗡
Nakabalik na ang lahat sa palasyo maliban kay Khanarie na naiwan sa daungan na nagmumuni hanggang sa abutin ito ng gabi. Pinatawag kami ni Kohlen sa opisina ni Haring Howard.
Nauna akong pumasok sa opisina habang nakasunod sa likod ko si Kohlen. Bumaling ang tingin ko kay Kohlen kung may ideya ba ito kung bakit kami pinatawag. Umiling siya.