VAGABOND 37: Breaking Down Walls

386 23 2
                                    

KHANARIE

Bago pa ako makipagkita kay Papá, pinuntahan ko muna ang kwarto ni Khei.

"Khei, natapos na ba 'yung pinapagawa kong damit?" Tanong ko sa kaniya.

"Tapos na!" Masaya niyang sambit sa akin.

"Nasaan?"

Lumawak ang kaniyang ngiti at hinila ako sa isang sulok ng kaniyang opisina. May puting tela na nakatakip doon. Ang ngiti ko ay napawi pagkatanggal niya ng tela.

"That's not the kind of suit I am asking for, Khei," I said disappointingly.

"It is the perfect suit in the wedding day. Ang mga palamuti niyan at disenyo ay tulad sa isang bestidang pangkasal." Hihilain niya sana ito palapit sa akin pero tinapik ko ang balikat niya at ako na mismo naghila. "Move aside. I'll carry it," pagtaboy ko rito.

Buntis si Khei at ayoko naman mahirapan ang kapatid ko.

"I asked for a general's suit, not a woman's fashion wardrobe or whatever you did with this."

Kakaiba kasi ang disenyo nito. It is a jumpsuit composed of a long capped style on the back of the shoulder (can be misunderstood for a veil), and its bottom part is wide leg. At dahil maluwang sa bandang paa mapagkakamalan itong bestida sa malayo.

"It is still a suit."

"Jumpsuit!"

"Still a suit."

Hinampas naman niya ako saka umupo sa kanilang kama. Seeing their bed right now made me jealous and envious. Curses!

"Is this how married life is? All lovey-dovey?" I ask her out of the blue.

Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kamay niya sa akin. Inabot ko naman iyon at hinila niya ako paupo sa tabi niya.

"Dear sister, this is a married life. And that is why I made you that suit for the wedding."

"Really?"

"Oo!"

"B-but how did you make this? I mean, err, wala akong specific design na binigay sa 'yo."

"I just made that out of instinct. At may use naman kaya make a scene at the wedding day, Khana."

Natawa naman ako sa sinabi ni Khei at nakipag-apir ako sa kaniya.

Well said, my twin.

Pumunta naman ako sa kwarto ni Khally para kumustahin ito. Papá scared her and almost hit her. I wanna know how she's handling the situation.

Saka gusto ko rin ibigay paalam sa kaniya na hindi ako makakapayag sa kasal nila ni Codhille. Dahil sa mga kuwento ng mga mutsatsa rito sa palasyo ay may nalaman ako. She doesn't like Codhille, but has somebody else in her heart. Kaya naman tutulungan ko silang magkatuluyan.

"Khally~? Oops!" Parang ang init ng pisngi ko sa naririnig ko sa kabila nitong pinto ni Khally.

"Arizs, mag-ingat kayo ni Ate Khana. Walang kasal na mangyayari, promise! May plano kami ni Kuya Codhille pero gusto kong mag-iingat kayo. Please?" Nag-aalalang sabi nitong si Khally.

"Oo naman," sagot ni Arizs.

"Huwag kayong—"

Pinutol naman ni Arizs ang sasabihin ng kapatid. "Khally, may tiwala ka ba sa akin?"

Ang tahimik. Walang sumagot. Kaya naman unti-unti kong binuksan ang pinto. Napakabait talaga ng kapatid ko. Hindi siya nagsasara ng pinto. Kaya madaling mahuli, e.

The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon