KHANARIE
Nakarating kami sa Town Suie nang madaling araw gaya ng napagplanuhan namin. Mabilis ang barko na pinagamit sa amin ni Kuya Caliber. Gawa sa mekaniko ang barko kaya kahit natagalan kami nang kaunti sa Town Tanakki dahil sa kapatid ko ay nakarating pa rin kami agad.
Sumalubong naman sa amin sa daungan si General Nahitrae, kasama rin ang mahigit isang daan na mga kawal. Binati ko ito at nakipagkamay.
"General Nahitrae, nagkita tayo muli."
"Ikinagagalak kong makita ka muli, General Wainwright. Akala ko ay hindi na kami makakarinig mula sa iyo. Mahigit anim na buwan kayong nawala."
"Pasensiya na, General Nahitrae. Hindi ko lubos na ginustong mawala nang komunikasyon sa inyo."
Umiling siya. "Hindi mo kailangan na humingi ng patawad, General Wainwright. Naiintindihan ka namin."
"Maraming salamat." Lumingon ako sa mga kasama ko at sinenyasan silang lumapit sa amin. "General Nahitrae, makakasama mo si Killio, ang kapatid ni Donatillo Souliere, papunta sa base ng Ylli gaya nang nabanggit namin kagabi. Prinston naman ay mangagnailangan ng tatlumpong tauhan, habang sa amin ni Paris ay dalawampung katao. Ang matitira ay makakasama ninyo, General Nahitrae."
"Masusunod, General Wainwright."
Daling umalis ang panig nina Killio at General Nahitrae. Sumunod din ang kanila Prinston upang makapwesto sila malapit sa merkado.
Bumaling ako ng tingin kay Paris. Umiling naman siya at wala pang signal upang lusubin ang merkado. A few minutes later, Paris spotted the signal.
Sabay-sabay kaming pumosisyon at nilusob ang merkado papunta sa headquarters ng Ylli. Wala pang sampung minuto ay may mga humarang sa aming mga grupo ng kalalakihan. Buhat ng mga ito ang mga armas na nakita ko noong nasa Town Ili-jea kami. Sumenyas ako na ihanda ng mga kasama ko ang kanilang kalasag.
Umabante ako sa mga kalaban ngunit naalarma ang kabilang panig at daling humarang sa akin si Paris. Tinapik ko ang balikat niya upang tumabi ito.
He was hesitant to move for a minute. Then he let me walk past him in three steps.
"Pakitigil ang pakikipag-alyansa ninyo sa mga Unverferth na nasa kanluran. Wala kayong mapapala sa kanila dahil sira na ang mga armas nila at alam na namin kung saan matatagpuan ang mga ito. Kaya ibaba na ninyo ang mga armas ninyo at sumuko—"
"PATAYIN SI KHANARIE WAINWRIGHT!"
Napaatras ako nang itututok na sa amin ang mga baril na hawak nila.
No weapon will scare us now.
Not when the odds are with us.
"Fire," bulong ko sa hangin.
Sumenyas ako na magtago ang mga kasamahan ko sa likod ng kanilang kalasag. Ako naman ay pinanunod ang pag-ulan ng baril sa mga kalaban namin.
It was brutal. War cries echo around us. A lullaby of terror.
Nang wala na akong marinig na hiyawan, tumigil na rin ang pagputok ng mga baril.
"Defense, forward! Guns, set back!" Nauna naman sa amin ang mga kasama namin at naiwan ako sa kanilang likod kasama si Paris. Binilisan ko ang paglalakad para makasabayan ang iba.
Muli naming nilusob ang merkado nang may bomba na sumabog malapit sa amin. Napaatras ang iba habang ang mga nasa harap ay natamaan.
"Sub the frontiers! Others, hold your pose!" Lumapit ako sa ibang natamaan ng bomba at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi sila napuruhan nang husto. Mabilis na kumilos ang aming mga kasama, inilayo nila ang mga nasugatan habang kami ay umabante upang mapalitan sila.
BINABASA MO ANG
The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]
Historical FictionPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE Cover design by: Ramen Arts Started: December 7, 2020 Ended: February 7, 2021 The stained hands she grew up from is enough to carry a crown. 🗡🗡🗡 Khanarie Wainwright, is one of the Wainwright pri...