VAGABOND 40: Crown or Sword (Both)

434 25 5
                                    

Credits to the original owner of the photo above. Photo is used for reference of the story.

🗡🗡🗡

KHANARIE

I pulled Codhille's hand and excuse ourselves. "Bye, Papá! I need to discuss this with my husband."

Nang makalabas kami ng opisina ay bumitaw ako kamay ni Codhille. "Why did you let go of my hand?" He asked.

"Oh, I didn't mean to." Hahawak na ako muli sa kamay niya nang umiwas siya at umakbay sa akin.

"I don't mean to worry you. I was only asking. So, let's go?"

"To where?"

He shrug, "I don't know. Pero may pag-uusapan pa tayo. Right, wife?"

I nodded and pulled him. "Let's talk about the decision I have in mind."

He only followed me without hesitating. I ordered a knight to get us a carriage that I spotted when we got out of the palace. It took at least three to five minutes when the carriage arrived. I got on it and so did Codhille.

"Town Awi, kuya," I instructed the driver.

"Aanhin natin sa bayan?" Tanong ni Codhille.

"Mag-uusap!" masagana kong sagot sa kaniya.

"Really?' Tinaasan niya ako ng isang kilay. "May problema ka ba? Pwede naman siguro tayo mag-usap sa palasyo tungkol sa pakay mo, Khana."

"Wala naman akong problema," iling kong sagot sa kaniya. "Gusto ko lang makasama kang maglakad sa bayan. Magliwaliw kumbaga," saad ko sa kaniya tapos hinintay na makarating kami sa bayan.

Naabutan na naming papalubog na ang araw. Isa-isa na binubuksan ng mga gusali ang kanilang mga ilaw. Nang makarating na kami sa bayan ay dali akong bumaba tapos nagkibit-balikat.

It is a peaceful night for everyone. I'm relieve to see that our people can sleep at peace and not worry about war anymore. The children can come out and play. While the adults can find more opportunities to give to their family.

Nagtungo kami sa daungan at doon nanatili upang mag-usap. I don't know why I chose this spot, but I guess it all started at this place

"Bakit pala hindi kita nakikita sa Sotello Palace, Codhille?" Usisa ko sa kaniya.

Ngumiti ito ng tipid habang nakatingin sa mapayapang dagat. "Hindi mo naman ako pinapansin, e."

"Ha!? Hindi nga kita nakikita roon, paanong hindi kita pinapansin?"

"Aba, malay ko sa 'yo. Lagi akong nakabuntot sa'yo, pero wala ka pa ring pansin sa presensya ko. O meron naman. Sadyang wala kang pake sa akin noon. Ugali mo kasi noon ay huwag mamansin ng mga lalaki. Kapwa heneral o kaya mga prinsipe na sumusulpot sa palasyo at sinusuyo ka ay binabalewala mo. Hanggang sa dumating ang panahon na natakot na ang iba sa iyo dahil literal mong pinapatumba ang mga ito."

Maaari bang tumalon rito sa daungan? Tapos paanod ko katawan ko sa dagat? Isang malaking kahihiyan naman ang dinulot ko sa reputasyon ko bilang heneral!

"Walang araw na wala kang sinasamaan ng tingin tuwing may tititig sa 'yong mga lalaki. Para mo silang dinudukutan ng kaluluwa. Bansag nga sa 'yo sa palasyo ko na 'Medusa Queen' o 'Heneral na Basag-ulo'. Mga gano'n na bagay." Tumawa pa ito na parang isang interesanteng topic iyon.

Maaari bang si Codhille na lang pala itulak ko sa dagat? Tapos anurin ang katawan niya? Sa kaniya na ako naiinis ulit! Nakakainsulto mga sinasabi niya. Parang anino lang niya ako rito at hindi asawa.

The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon