KHANARIE
Pagkarating ko ng Town Awi ay kinagagalak akong binati ng mga mamamayan dito. I'm so happy meeting our people healthy and in high spirits.
"Maligayang pagbabalik po!"
"Maligayang pagbabalik!"
Mukhang may selebrasyon din kaya sila ganito ngayon. "Ano na ang ganap dito ngayon? Mukhang magkakaroon ng piyesta."
"Wala ho! Masaya lang ang buong bayan dahil sa pagbabalik ho ninyo. Halina't makisabay kayo sa munting pagsasalo na mayroon dito sa ating bayan, Heneral Wainwright," aya sa akin ng isang mamamayan ng bayan namin.
All of this positivity is for me? They are so sweet.
Ngumiti naman ako at magalang na tumanggi. "Maraming salamat, pero sa susunod na lang ho. Gusto kong maglibot muna rito sa bayan dahil tatlong taon na ako nawala. Titignan ko kung may pinagbago nga ba."
"Ay! Sige ho, Heneral Wainwright. Walang problema sa amin iyon. Pero kung may oras pa naman ho sana kayo, sumama rin kayo sa selebrasyon namin."
"Sige ho. Tingnan ko kung makakaabot ako. Maraming salamat sa pag-imbita. Una na muna ako," paalam ko sa kaniya.
Yumuko siya at ginawaran ko rin iyon. Nilibot ko ang maaaring libutin sa bayan. Lalong gumanda rito. Tiyak pinahalagahan ng mga tauhan ko na bantayan ang aming mga bayan. Pumunta ako sa mga samu't saring mga pamilihan dito at muntik na tumili sa sobrang kilig. Nakabili rin kasi ako ng mga pagkain sa mga tindahang dati kong kilala. Ang iba roong tinda nila ay mga paborito ko.
"Ang sarap ng pagkain! I miss this!" Puri ko sa isang ensaymada na kinakain ko. Isusubo ko na sana ulit ang tinapay ko when I saw beggars down the streets being kicked over and hated by some citizens.
I lower my gaze on my food. Sometimes, I cannot blame the people to be cruel. I don't know what they have been through to do such actions against the beggars. But I do not condone their behavior. Those beggars are still humans, not pieces of trashes for them to kick about.
Lumapit ako sa kanila noong umalis ang mga taong nang-aabuso sa kanila. Iniwan ko ang isang supot ng pagkain sa kanilang tabi. "Pasensiya na kayo, pero sa ngayon ay lumipat na muna kayo ng ibang pwesto na kung saan hindi kayo mapapansin ng ibang tao. Baka saktan na naman ho kayo," bilin ko sa kanila. "Ako na rin ho bahala sa mga taong iyon na nanakit sa inyo."
Kumislap ang mga mata niya sa biyayang natanggap niya. "Maraming salamat, iha!" Sabi ng matandang lalaki. Isinama niya ang mga bata at nagtago para makakain. I smile watching them leave, trying to survive from society's cruel nature. I'll remind Prinston to find them again and help them find shelter and work. Also, those men who hurt these poor people.
Sunod kong ginawa ay dumaan sa mga inuman na mayroon dito sa bayan. Kaswal akong pumasok sa isang bar habang ang mga sandata ko ay tumutunog sa tagiliran ko dahil nagtatama ang mga ito.
"Dalawang alak," order ko sa nagsasalin ng alak na barista sa isa pang customer dito.
Nanlaki saglit ang kaniyang mga mata at ngumiti nang bahagya. "Sige po!"
Tumango ako at pinanuod ang mga nagsasayawan na kababaihan sa entablado. Maiiksi ang kanilang suot saka halos makita na ang kanilang kaluluwa na roon. I feel bad for them. But it isn't my place to tell them off.
I think our homeland needs more improvement for the livelihood of our people. I should talk to the People of the Monarch System about this in the next budget hearing. Or I would discuss this with Kuya Donatillo and Papá to relay my implementation plan.
BINABASA MO ANG
The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]
Tiểu thuyết Lịch sửPUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE Cover design by: Ramen Arts Started: December 7, 2020 Ended: February 7, 2021 The stained hands she grew up from is enough to carry a crown. 🗡🗡🗡 Khanarie Wainwright, is one of the Wainwright pri...