VAGABOND 1: Not A Princess

1K 54 1
                                    

KHANARIE

Seven years later.

I just finished my mission at the Northern palaces and got home here at the Wainwright Palace. I am so tired of traveling, but I had to report to the King.

I casually walk inside the halls of the palace, only the sound of my squeaky shoes echoed all over the place.

Ang tahimik. Asan na ang mga tao rito? Kahit ang mga kawal man lang sana.

Nagtungo na muna ako sa aking kwarto at naligo. Nang matapos ay isinuot ko ang aking itim na high waist shorts at dark blue na turtleneck na short sleeves. Isinuot ko rin ang itim kong boots. I brush my wavy dark brown hair, kinuha ko naman ang aking throwing knives at isinukbit sa magkabilaang beywang ko. Tapos ang dalawang glave knives ay sa likod ko.

Pagkatapos n'on saka ako lumabas ng aking kwarto.

The palace feels much boring than before. Although I'm not expecting for a warm welcome party, but the atmosphere is eerie today. Did something happened while I was away?

Gusto kong umalis ulit. Gusto kong maging malaya sa lugar na ito. Para akong nakakulong sa isang magarbong hawla ulit.

I walk to my father's office to report my three-year long mission. I wish I could've stayed longer at the cold continent. The commodities are good there, even the ambiance. Except for some things gaya ng mga malalanding prinsipe roon na ginagambala ako tuwing may trabaho ako. Gagawa sila ng paraan upang makuha ang atensyon ko. Subalit walang kwenta ang mga paraan nila na pag-aaya sa akin na kumain sa labas, pati na rin ang hamunin akong labanan ng swordsmanship.

Ang hihina nila. Hindi nila ako matalo o kaya hindi marunong lumaban, pero ang tataas ng pangarap nilang ligawan ako't gawing asawa nila kuno.Wala akong panahon sa gano'n. Lalo na kung sa isang prinsipe ako mapupunta.

Naikuyom ko ang aking kamao ng maalala ko ang nangyari noon kay Alora, sa pagbitaw ko sa titulong pangalawang prinsesa ng Wainwright, at pagiging reyna.

🗡🗡🗡

"An eye for an eye," Sabay naming sabi ni Papá.

Tinanggal ko ang espada sa sikmura ni Giancarlo saka humarap sa buong pamilya niya. I pulled his head and pointed the sword at his neck. One slash is all it takes to kill him for good.

"Khanarie, maawa ka!" Pagmamakaawa muli ng kapatid ko.

Tumingin ako nang malamig sa kambal kong si Kheilanie. Nakuha niya ang nais kong iparating, kaya naman nag-utos siya sa mga kawal na ilayo si Kimora dito. Ang mga nakababata naman naming mga kapatid, sina Viera at Khally, ay kinuha ng mga mutsatsa at dinala sa kani-kanilang mga silid.

Nang wala na sila ay pinagpatuloy na namin ang nais naming gawin ni Papá sa pamilyang Unverferth.

"HOWARD! PAPATAYIN NG PRINSESA ANG ANAK NAMIN! LUMALABAG KAYO SA BATAS NA MANAKIT NG KAPWA NINYONG MONARKIYA!" Sigaw ng hari ng Unverferth sa amin.

Hinila ko buhok ni Giancarlo habang nakatutok pa rin ang espada sa kaniyang leeg. Nangangati na ang kamay ko. I want to thrust my sword in his throat, but I waited for Papá's order.

"Ama! Ina! Tulungan n'yo ako!" Paghingi niya ng saklolo sa mga magulang niya. Hinimatay na ang asawa ni Haring Connor. Ang ibang anak nila ay nanlilisik ang kanilang mga mata sa akin.

Pinadaan ko ang patalim ng espada sa leeg ni Giancarlo para iparamdam sa kaniya kung gaano ko na gustong bawiin ang buhay nito.

"My daughter is doing what is right. Harming – no! Killing one of the princesses of the Wainwrights by any royal family will be killed by us. That is the absolute law!" Pagpapaalala ni Papá sa pamilyang Unverferth.

The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon