VAGABOND 20: First Burn

412 23 0
                                    

KHANARIE

I received a mail from Kimora, but have not opened it yet. It was too sudden. Nakatatamad itong basahin, pero curious ako sa nilalaman ng liham na ito.

Hindi mahilig sumulat si Kimora, kahit noong nagtatrabaho ako sa Northern. Tanging mga sulat na matatanggap ko ay manggagaling kay Kheilanie. That is why I feel weird receiving a letter from her.

Bumuntonghininga ako. Bahala na nga riyan, may kailangan pa kaming gawin ng mga kasama ko ngayon. The letter can wait. Naghintay kami sa labas ng karwahe para kina Prinston at Heming. Tinago ko ang sobre sa bulsa ng aking pantalon at nagkibit-balikat.

I can't filter out this ominous feeling I have right now. Something big is happening. I hope it have nothing to do with my family.

"Tara na!" Aya ni Prinston pagkabalik niya.

Inutusan ko kasi itong ibigay kay Codhille ang sulat na galing din kay Kimora. Another weird thing I discovered. Why did she write for Codhille, too?

Umiling ako at iwinaksi ang katanungan na iyon.

"Wala pa si Hemington—nevermind. Andito na pala siya." Umalog ang sinasandalan kong karwahe at may lumantad na lalaki sa harapan namin na sugatan, buhay pa naman siya. "Saan mo siya nahanap? At ilan sila?"

"There were six of them stationing near the palace. I already alerted the head of the knights of the palace to secure the premises." Suminghap ako at tumango sa lahat. Dinala ni Hemington sa isang kawal ang nahuli niyang assassin tapos bumalik sa amin.

"Let's get going. We have much to work on."

Dalawang karwahe ang nakahanda para sa amin. Sa unang karwahe magkasama sina Prinston, Hemington, at Arizs. Sa pangalawa naman ay para sa amin nina Paris, Kuya Donatillo at Killio.

"Sa Town Ili-jea tayo, Paris," utos ko sa kaniya dahil siya ang magmamaneho sa karwaheng sasakyan namin.

"Okay!" Bumilis ang takbo ng karwahe at napasubsob ako sa dibdib ni Killio. He helped me to my seat and I apologized (even though it was Paris's fault).

Patuloy ang mabilis na pagpaptakbo ni Paris sa karwahe nang biglang lumandog ang sasakyan ulit namin. At first, I understood our bumpy ride, because our shortcut towards Ili-jea is rocky. Ngunit sinasadya na ata ni Paris na pabilisin ang pagpapatakbo sa kabayo niya habang kami rito sa loob ng karwahe ay nasasaktan na. Doon na rin nabwisit si Killio.

"KUNG BALAK MO TAYONG PATAYIN, ISARILI MO NA LANG, KUYA PARIS! MARAMI PA TAYONG MISYON TAPOS PAPATAYIN MO TAYO SA PAGMAMANEHO MO NG KARWAHE?!" Bulyaw niya mula rito sa loob.

"IKAW KAYA MAGMANEHO RITO!? BATO-BATO KASI NADADAANAN NATIN, E!" Sagot pa ni Paris.

"NANGHAHAMON KA PA?!"

"SYEMPRE!"

"Kuya Donatillo?" Tawag ko sa kaniya at daling itinikom ko ang aking bibig dahil nahahalata ko na ang kaniyang ugat na umuukit sa kaniyang noo. Nandidilim na rin ang kaniyang mukha.

Tiis ka na lang din, Narie. Their quarrelingwill stop soon.

🗡🗡🗡

Inayos ko ang itim kong roba kagaya nila Kuya Donatillo. Napakapa rin ako sa aking bulsa at nilabas ulit ang sobre.

The letter is very tempting. I guess I would read it right now before proceeding with our agenda.

"Kuya," I signal to him.

Mabilis siyang bumaba at sumunod din si Killio. I remain silent inside the carriage and waited for the commotion to end outside. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang buong paligid ko and waited for Paris's signal.

The Vagabond Princess [Wainwright Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon