Kabanata 35

73.5K 2.6K 611
                                    

This is the last chapter. Thank you for loving the characters of Dashiel and Dreya. May this story teach you that overthinking ruins us. Ruins the situation, twists things around, makes us worry and makes just everything much worst than it actually is. Don't let insecurity ruin the beauty you were born with.

Ps: You are beautiful! :)




Kabanata 35

"Ma'am Dreya, mao ba ni akong gihimo?"

Mula sa panonood ng mga nagsasayawang dahon sa labas ng bintana, naagaw ni Amie ang atensyon ko dahilan para mahinto ang pagbabalik tanaw ko sa aking nakaraan isang taon na ang nakalilipas.

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang puting papel na iniabot niya sa akin. Pinagmasdan ko ang isang bahay na nakaguhit, sa tabi nito ay naroon ang pamilya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. She looks hopeful yet nervous while staring at me. Iniisip niya marahil na baka hindi ko magustuhan ang ginawa niya.

Ibinigay ko ang papel pabalik sa kanya at mas nilawakan pa ang ngiti sa labi ko.

"Kailan ko ba hindi nagustuhan ang bawat ginagawa mo, Amie?"

Agad nawala ang pag-aalala sa mga mata niya. Napalitan ito ng ngiti at tumalon-talon pa.

"Salamat, Ma'am Dreya. Kinabahan ako na baka hindi mo magustuhan."

"Lahat ng ginawa at gagawin niyo pa lang, magugustuhan ko dahil alam kong pinaghirapan ninyo iyon. Hindi ninyo kailangan matakot sa akin. Narito ako para turuan kayo, hindi para kagalitan kapag may pagkakamali kayo."

Hindi ko inasahan ang pagyakap niya sa akin dahilan para mag-tinginan ang ilang estudyante niya. Natawa ako at agad rin siyang niyakap pabalik.

"Mahal talaga kita, Ma'am Dreya. Sana ay ikaw na lang ang maging guro ko hanggang sa makatapos ako."

Tanging ngiti na lang ang isinagot ko at hinaplos ang likuran niya.

"Sige na. Bumalik ka na sa upuan mo. Mamaya lang ay matatapos na rin ang klase."

Sunod-sunod ang naging pagtango nito at patakbong bumalik sa upuan niya. Muli siyang ngumiti sa akin. I repayed her with a warm smile, too.

Iginala ko ang paningin sa kabuan ng silid aralan na ilang buwan ko na rin pinapasukan. Hindi ko akalain na abot kamay ko na ang pangarap na minsan ko nang inakala na imposible pagkatapos ng mga nangyari sa akin. Alam kong malayo ito sa una kong inasam noon na sa Maynila mag-trabaho pero kuntento na ako dito. Masaya akong magturo sa mga bata dito sa probinsya. Lalo pa at malapit lang ako kela nanay at tatay. 

Akala ko ay habang buhay na akong babalutin ng dilim at hindi na makakakita pa pero mabait ang langit sa akin. Hindi Niya ako pinabayaan kahit na halos sumuko na ako.

"I want you to take care of your eyes, Dreya. That's what matters the most."

Hindi ako nagawang sagutin ni Ma'am Cheska kung nasaan si Dashiel. It didn't help to stop the bad thoughts from running through my mind.

Bakit hindi niya ako sagutin? May masama bang nangyari kay Dashiel? Hindi naman siya ang nagbigay sa akin ng mga cornea, hindi ba? Imposible. Hindi niya iyon kayang gawin.

"Si D-Dashiel po? S-Siya po ba ang d-donor?" nanginginig at basag ang boses na tanong ko. "Hindi naman po siya, hindi ba?"

I didn't hear any answer from her. Instead, it's her deep breathing that played in my ears.

"He wanted, too. But fortunately, he came up to his senses. He realized that he still has so many plans to do," she uttered that loosened the tie from my throat. "Your donor is Lauren's late friend."

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon