Kabanata 32

61.5K 2.3K 315
                                    

Kabanata 32

Idinilat ko ang aking mga mata — umaasang bangungot lang ang lahat ng nangyari sa akin ilang buwan na ang mga nakalipas.

Ngunit hindi. Madilim pa rin ang mundo ko. Ilang umaga na akong nagigising na hindi nasisilayan ang sikat ng araw. Nararamdaman ngunit hindi na kailanman makikita.

Gusto ko nang umabante at tanggapin na ito na ang kapalaran ko. Na hindi na ako makakakita pa. Hindi na maaabot ang pangarap at mananatili na lang kulang habang nabubuhay.

Pero paano ko ba sisimulan?

Pinahid ko ang patak ng luha sa aking pisngi at huminga ng malalim. Sa tuwing sasapit na lang ang bawat araw ay ganito ako. Napakaraming tanong sa sarili na hindi naman nasasagot.

"Adrestia, anak. Ari na diri, kumpleto na ang tanan." boses iyon ni nanay.

"Muanha ra ako, nay!"

Kinapa-kapa ko ang gilid kung saan ko ipinatong ang tungkod na kahoy na ginawa pa ni Tatay. Nang mahawakan iyon ay marahan akong tumayo mula sa damuhan na kinasasadlakan ko.

Tuwing umaga ay dito ako nauupo sa lugar na ito. Hindi ko alam ang eksaktong ayos dahil lumipat na kami ng tirahan ayon kay Nanay. Pero ang sabi niya, ito raw ang pinaka-maaliwalas at safe na parte ng bahay na ito.

Nasa Argao pa rin kami pero wala na sa lupa ng mga Monasterio. Ang sabi nila ay nasa karatig lugar lang naman.

Hindi ko alam kung bakit naisipan nila ang lumipat ng bahay. Siguro ay para maiiwas ako sa usapan na maaaring maganap oras na bumalik ako roon na wala na ang paningin. Kung ako ang papipiliin ay hindi ko na rin gusto pa ang manirahan doon. Hindi dahil takot akong mapagusapan, kung hindi dahil ayoko ng magkaroon ng kuneksyon pa sa kanya.

Mahal ko pa rin si Dashiel, hindi ko itatanggi ang bagay na iyon. It's not that easy to fall out of love with someone who became a huge part of your life. He was my first in everything and I'm happy that for once in this lifetime, he was mine.

Kaya lang ay hindi para sa amin ang habang buhay na ito. Ang daming pagsubok ang dumating sa amin. Sinikap ko ang maging matatag. Pinilit kong maging matapang dahil literal na lagpas sa pang unawa ko ang pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Pero tao lang rin ako, napapagod at nanghihina.

Pakiramdam ko, sa dami ng pagsubok na dumating sa amin, siya na lang ang natirang matapang. At ako, tuluyan nang sumuko.

"Sana, makahanap ka ng babaeng nararapat para sa'yo. Ako ang pinakamagiging masaya oras na mahanap mo siya. Kahit masakit para sa akin, magiging masaya pa rin ako."

Natawa ako sa sarili. Kung maririnig ako ni Nanay na sinabi iyon ay siguradong maguguluhan na naman siya sa akin. Palagi niya sinasabi na mahal na mahal ako ni Dashiel. Na handa itong alagaan ako kahit pa may kapansanan ako. Ako lang talaga ang nagtulak sa kanya palayo sa akin.

Bakit hindi? Magiging pabigat lang ako sa kanya. Isa pa, kung ipagpapatuloy pa rin namin ang relasyon namin ay patuloy lang maghihimutok si Lauren sa akin. Ayokong dumating ang araw na ako mismo ang magpapapili sa kaniya sa aming dalawa ng kaibigan niya.

Suminghap ako ng sariwang hangin. Kumunot ang noo ko nang makaamoy ng kakaiba. Para bang isang mamahaling pabango.

"Saan naman galing 'yon?" bulong ko sa sarili. "Marahil ay dala lang rin ng hangin."

Nagsimula akong tuntunin ang daan gamit ang tungkod. Naramdaman ko si Browny sa aking tabi na tila inaalalayan ako sa paglalakad. Ngumiti ako nang maramdaman ko ang pag-ikot niya sa mga paa ko.

"Browny, dahan-dahan ka lang. Baka madapa ako." sabi ko at nagpatuloy sa mabagal na paglalakad.

Ilang beses na tumahol si Browny. Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pangangapa ng daan gamit ang tungkod. It's just weird that the smell of perfume doesn't go away like someone's just near me.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon