Kabanata 34

64.5K 2.2K 598
                                    

Kabanata 34

Hanggang sa paglapag ng eroplanong sinasakyan namin sa Maynila, hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino ang maaaring nag-donate sa akin ng mga cornea. Simula nang sabihin ni nanay ang magandang balita na 'yon, agad rin kaming ipinasundo ni Ma'am Cheska sa probinsya sa isang tauhan nila.

Sa totoo lang ay nawalan na ako ng pag-asa pagdating sa bagay na ito. I never hope that I would be one of those blinds who will have the chance to see the light again. Hindi na ako umasa dahil natatakot akong ma-dismaya sa huli. But Ma'am Cheska kept her promise.

"Dito po tayo sa itim na kotse sasakay. Didiretso na po tayo sa mansyon ng mga Monasterio." dinig kong wika ng lalaking sumundo sa amin.

Umahon ang kaba sa dibdib ko. Kung doon kami didiretso, maaaring naroon si Dashiel. Magkukrus muli ang landas namin makalipas ang ilang buwan simula nang maghiwalay kami. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko oras na malaman kong nasa harapan ko siya.

Aaminin kong sa mga oras na ito ay nagpapasalamat ako na hindi ako nakakakita. I won't be able to see his reaction just in case he see me. Maaaring galit siya sa akin. I broke up with him with nothing but my explanation that I'm already tired.

O, maaaring wala na siyang pakielam sa akin at may iba ng karelasyon. Siguradong hindi niya aaksayin ang oras niya sa isang bulag na kagaya ko. Kaya nga wala na akong narinig pa sa kanya nung araw na makipaghiwalay ako. Maybe he really wanted to get rid of me. He just didn't know how to do it without hurting me.

"Narito na po tayo sa mansyon nila..." imporma ng lalaki makalipas ang isang oras.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni nanay. She gripped it back and I know that she already knew what I'm feeling right now.

"Nasa tabi mo kami, Dreya. Hindi ka namin pababayaan ng tatay mo." bulong ni nanay sa akin, nagpapakalma.

Simpleng tango lang ang ginawa ko. Inalalayan akong bumaba nila nanay at tatay. Hindi nagtagal nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ng mga bulaklak ni Ma'am Cheska. The smell of it brought me back to the times I was still staying here.

"Dreya!"

Natigilan ako matapos marinig ang pamilyar na boses na 'yon ni Ma'am Cheska. Naramdaman ko ang paghinto namin sa paghakbang. It's then I was suddenly attacked by a hug.

"Good to see you again!" she said between our embrace.

Tipid akong ngumiti at niyakap siya pabalik.

"Kamusta po, Ma'am Cheska."

"I'm fine. Ikaw? Kamusta ka na? Pasensya na at natagalan tayo sa bagay na ito."

"Ayos lang po. Maaari ko po bang malaman kung sino ang eye donor ko?"

Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya sa akin. I even heard her deep breathing. Kumunot ang noo ko nang nanatili siyang tahimik.

"I have your rooms prepared. You have to stay here for the mean time before they perform the transplant. You're always welcome here by the way so please feel at home." sagot niya, malayo sa tinatanong ko.

Hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka pribado ang impormasyon na gusto kong malaman. Sa pagkakaalam ko, bago makapag-donate ng cornea ang isang tao ay kailangan munang mamatay nito. Gusto ko sanang pasalamatan kahit ang pamilya nito.

"Maraming-maraming salamat po, Ma'am Cheska dahil hindi ninyo pa rin pinabayaan ang anak namin kahit pa... wala na sila ni Sir Dashiel." si Nanay.

Lumunok ako nang mabanggit iyon ni nanay. Si Dashiel? Narito rin ba siya ngayon sa harapan ko pero hindi lang nagsasalita? Kung narito man ay nakakahiyang sinabi pa ni nanay ang tungkol sa bagay na 'yon.

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon