Kabanata 33

62.4K 2.2K 466
                                    

Kabanata 33

Gamit ang aking tungkod, dahan-dahan akong humahakbang patungo sa damuhan na palagi kong inuupuan tuwing sasapit ang lilim. Gusto pa sana akong tulungan ni nanay na magpunta roon pero sinabi kong kailangan kong masanay nang walang gumagabay sa akin.

Sa bawat paghakbang ko, doble ang pag-iingat ko. Ngunit minsan, hindi talaga maiiwasan ang bumagsak lalo pa at wala namang ibang nakikita kung hindi ang dilim.

Tatlong magkakasunod na tahol ang pinakawalan ni Browny nang sumadlak ako sa lupa. Agad kong kinapa ang tungkod at pinulot ito. Itinuon ko ito sa lupa at mabagal na tumayo. Matapos pagpagin ang puwetan ay nagpatuloy akong muli sa paghakbang.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na akong nahulog. Pero madalas sa mga panahon na iyon, lagi akong nagagawang tulungan nila nanay at tatay. Minsan naman ay wala talaga at sarili ko lang.

Nang pakiramdam ko ay nasa tamang lugar na ako, naupo ako roon at saka itinabi ang tungkod sa akin. Maging si Browny ay naramdaman ko sa tabi ko. Idinantay ko ang kamay sa katawan niya at niyakap siya. Ngumiti ako.

In this silence, I can hear the wind whispering around. It has become my lullaby that usually put me to sleep. It can help me calm and become stress free even for a short period of time.

Minsan, iniisip ko na kailangan ko na makuntento sa kung anong sitwasyon ang mayroon ako ngayon. That I should accept from now on that I would never see the sun shines and sets again. Na kailangan ko nang masanay sa dilim dahil iyon na ang bago kong mundo.

Maybe there's still life could offer me. Naniniwala akong sa kabila ng kapansanan kong ito, magkakaroon pa rin ako ng silbi. I know I can still be productive. For the meantime, I have to accept that things will never go back to what it was before.

Kung hindi pa gumalaw-galaw si Browny, hindi pa ako magigising mula sa pagkaidlip. Umalis ako sa pagkakasandal sa ulo niya nang marinig ko ang sunod-sunod niyang pagtahol.

"Browny," tawag ko ngunit patuloy lang siya sa pagtahol.

A sweet scent of perfume suddenly attacked my nostril. Napaayos ako ng upo, bigla ay naging alerto.

"Sinong nariyan?" tanong ko dahil hindi pa rin natigil si Browny mula sa pagtahol. "May tao ba diyan?"

"Dreya..." A soft, female voice played in my ears that made my senses become active.

"S-Sino ka?"

"This is Lauren."

Nanglaki ang mga mata ko, ang tibok ng puso ay literal na nag-doble.

"A-Anong ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong ko. "Nay, Tay!'"

"Dreya, anak, narito ako." si nanay na tila ba nasa likuran ko lang.

"Nay, narito iyong taong naging dahilan b-bakit ako nabulag!"

Kinapa ko ang tungkod at astang tatayo nang maramdaman ko ang paghaplos sa mga balikat ko.

"Narito ako, anak. Alam ko rin na nasa tabi mo siya. Nakiusap siya sa amin na gusto ka niyang kausapin—"

"Nay, ayoko! Baka kung anong gawin niya ulit sa—"

"Puwede tayong bantayan ng mga magulang mo kung talagang nag-aalala kang may gagawin ako sa'yo..." putol ni Lauren. "I'm just really here for a quick talk."

Monasterio Series #4: A Romance Blossomed In SiraoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon