03

161 26 8
                                    

Maaga ulit kaming pumasok ni Allisandra sa school. Hindi pa kasi kami nakakapag libot libot. Kaya napagpasiyahan namin na ngayong araw ay pumasyal kami sa school.

"Hoy bakit ang tahimik mo?" Sabi ni Allisandra. Bwisit naman kumakain na nga lahat lahat. Hindi pa tumahimik.

"Ikaw? Bat ang ingay mo?" Tanong ko. Kanina pa siya kwento ng kwento tungkol dun sa lalaking nakabanggaan niya.

"Alam mo biglang bumilis tibok ng puso ko nung ing follow niya ko sa Instagram." Sabi ni Allisandra. Nakatuon yung paningin niya sa cellphone niya.

"Nako! Tapos kapag nasaktan ka sakin ka lalapit" Sabi ko sabay kuha ng phone ko. Bigla na lang kasing nag vibrate.

Nakita ko si kuya na nagchat sa messenger. Ano na naman kayang kelangan ng langaw nato!

Binasa ko yung message niya. Bakit di mo sinabing si Sabrina pala ang teacher niyo!? Wow! Parang lumabas na ako pa ang may kasalanan. Bakit di niya kasi tinanong!?

"Hoy! Kinakausap kita mukang dika naman nakikinig" Sabi ni Allisandra. Parang nagtatampo ang boses ni Allisandra. Grabe naman kanina pa kasi kwento ng kwento eh.

"Nakikinig ako! Tanga ka lang!" Sabi ko.

"Maka tanga! Pero nako ikaw talaga. Kapag nain love ka. Huwag kang lalapit sakin at hihingi ng advice. Tatawanan lang kita!" Sabi ni Allisandra.

"Wow! Coming from you! Baka mas mauna ka pa nga saking mabuntis!" Pangaasar ko sa kaniya.

"Ahm!, Pwede rin na ako ang maunang mag asawa sating dalawa. Wala ka namang crush asawa pa kaya!" Pangaasar niya din.

Madami kaya kong asawa sila Donny Pangilinan and 99others.

"Alam mo ikaw kumain kana lang masyado kang makuda!" Sabi ko.

Habang inaantay ko siya na matapos sa kinakain niya. Napahinto ako sa pagce cellphone ng makita ko yung lalaking nabangga ko. Alam kong di ko siya namukaan. Pero malakas ang pakiramdam ko na siya yun. Bakit parang kinakabahan ako? Bakit felling ko ambilis ng tibok ng puso ko? Ganito ba yung felling ng sinasabi ni Allisandra. Diko naman siya kilala bakit ko siya magiging gusto!

"Tara na tapos kana bang kumain?" Tanong ko kay Allisandra. Tumingin kasi sa gawi namin yung nabangga ko!

"H-ha? Sig-ge tara n-a" Nauutal na sabi ni Allisandra.

Kaya naman naglakad na kami paalis. Nilalamig kamay ko! Felling ko nakatingin pa din samin si kuyang nabangga ko!

"Hoy! Bakit nilalamig kamay mo?" Tanong ni Allisandra ng makalayo layo na kami.

"N-nakita ko kasi yung nabangga ko!" Kinakabahan na sabi ko. Kahit na malayo na kami sa court  parang may nakatingin pa din samin.

Karma ko na atta to! Jusko lord diko po sinasadya na banggain si kuya.

"Hala ka! Wee? Ayy sabi ko na nga ba siya yung nasa court kanina eh! Lagot ka! Binalikan ka nun para maghiganti!" Nakangising sabi ni Allisandra.

"Balikan niya! Di naman ako natatakot sa kaniya!" Joke lang!

"Asus! Parang bangkay na nga yang kamay mo ang lamig" Sabi ni Allisandra.

Inagaw ko yung kamay ko sa kaniya. Oo nga parang pinasok sa freezer ng isang taon yung kamay ko.

"T-tara na nga p-pasok na tayo b-aka ma late tayo sa klase natin!" Bakit nauutal ako? Jusko! Hindi naman aswang yun eh! Tao yun tao!

"Tara na nga para kang nakakita ng multo. Malay mo kidnappin ka lang nun. Tapos gagahasain ka then para di ka maka pag  sumbong sa mga pulis. Papatayin ka niya!" Sabi ni Allisandra.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon