02

198 28 23
                                    

"This is it!" Sigaw ko sabay tayo sa higaan.

Yes namern! First day of school. I'm so excited! Kung kahapon hindi ako excited ngayon mas gusto ko pang mauna sa may hawak ng susi ng U.S.T.

Pano ba naman ako hindi magiging excited. May lecture agad para sa Flight Attendant.

4am palang. Pero gusto ko ng pumasok agad! Grabe malala nako!

I went straight to the cabinet to take out my uniform. Putcha ang ganda! When I got my uniform, I went to the mirror to see if he really suited me.

I heard a knock on the door. So I first lower my uniform to my bed.

"Yes?"  I asked Allisandra when I opened the door.

"Siraulo! English english kapa diyan. Sapakin kitay. Nakaahin na yung umagahan natin. Alam ko namang excited kapa sakin eh" Allisandra said.

"Nagta try na nga kong mag english" Sabi ko sabay upo sa katapat niyang upuan.

"Matutu tunan mo rin yan. Habang nag training sa Flight Attendant gaga!" Sabi ni Allisandra sabay subo ng sinangag.

Bahala na mamaya. Basta mas magandang prepared ka. Para kapag nag training na. May alam nako sa english english na yan!

"Ayy teka nga pala. Pano kapag nakita mo si kuyang nabangga mo mamaya?" Tanong ni Allisandra.

Putek! Ewan ko basta kapag nakita ko siya. Magso sorry ako.
"Malay ko! Basta pag nakita ko na lang siya."

"Sana makita mo mamaya" Nakakaloko yung ngiti ni Allisandra.

Inirapan ko lang siya at nagtuloy nako sa pagkain. Masyadong maganda ang gising ko. Hindi ako papayag na masira lang yun ng pinsan ko.

Pagkayaring kumain syempre dumiretso nako sa kwarto ko. Daig kopa yung binigyan ng five thousand ni kuya will.

Pangarap ko talaga maging flight attendant bata pa lang ako. Kaya ngayon magsisikap ako na maabot ang pangarap ko!

Then when I take a bath of course, I put on my uniform. Shit I was so excited to go to school.

Pagkayari kong ayusin sarili ko. Lumabas nako ng kwarto ko. Nakita ko si Allisandra na nasa sofa at nagce cellphone.

"Alli tara na!" Sigaw ko sa kaniya. Tumayo naman siya pero nagce cellphone padin.
"Ano bayan?" Sabi ko sa kaniya sabay agaw ng phone niya.

"Akin na yan!" Sabi ni Allisandra. Sabay agaw ng cellphone niya.

"Sino ba yan? At parang adik na adik ka diya." Naiiritang sabi ko.

"Si Donny Pangilinan. Yung baklang hinahabol ng mga puso" Sagot ni Allisandra.

"Adik na adik ah" Pangaasar ko sabay nagpakaunang lumabas.

"Mas adik ka sakin dito." Sagot ni Allisandra. Atleast aminado ako.

Naglakad na kami papuntang school. Malapit lang naman sa condo yung school kaya kayang kayang maglakad. Sayang pamasahe kung magta taxi pa.

"Sana makita mo si kuyang nabangga mo" Sabi ni Allisandra.

Putek ah ah. Kinakabahan na naman ako. Sana naman hindi ko siya makita. Diko alam sasabihin ko kapag nakita ko siya.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon