11

106 19 14
                                    

"Happy Birthday Addi" Sigaw namin sa kaniya. Kaya pala nag set ng gala kasi birthday ni addi. Grabe ambilis ng panahon di ko namalayan na birthday niya ngayon buti na lang pina alala ni it's really hurts girl for short si Allisandra.

"Emfort naman!" Natatawang sabi ni Addi.

"Addison Blare Montero wish..." Sigaw din ni Allisha.

"Bunganga mo naman!" Reklamo ni addi.

"Nakakabit" pamimilosopo ni Allisha.

"Tanga. Wish ko sana... Secret ma issue kayo eh" Pambibitin ni Addi.

"Parayaw... Ayusin muna arte arte kapa diyan." Sarcastic na sabi Allisha.

"Sige ikaw na may birthday ikaw na!" Matapang na sagot ni Addi.
Antapang ng mga to! Away away sa harap nila mommy at nila tito at tita.

"Tumigil nga kayong dalawa. Kayo talaga ang halimbawa ng aso at pusa na hinde pwedeng pagsamahin." Singit ni ate.

"Sige na sarilihin muna lang yang wish mo. Kain na kain" Sigaw ni mommy sila daddy at tito naman nag aayos na ng iinumin nila. Sila Bryanna naman pagdating palang namin sa real star beach resort sa Quezon City. Kumuha sila ng patago ng mga alak na like vodka brands, hennessy, whiskey, glenfiddich basta yun lang alam kung mga brand ng alak na kinuha nila.

"Aray!" Reklamo ko ng suntukin ni Addi yung balikat ko.

"Awray... Arte arte mo." Pangiinis niya kaya binato ko siya ng isang tipak ng yelo.

"Wowoy malamig!" Sigaw niya ng tumama yung yelo sa dibdib niya tapos dumausus pababa. Butinga!

"Hoy addi" Sigaw ni Allisha may hawak pa na hotdog na may marshmallow. Antakaw mabilaukan ka sana!

"Hoy shasha" Sigaw din ni Addi. Punyeta kalalapit lang ng kausap nagsisigawan pa.

"Sino yun?" Tanong ni Allisha sabay turo dun sa grupo ng mga kalalakihan na kasama ni Addi kanina.

"Si bryan bakit type mo?" Tanong ni Addi kay Allisha. Sige na Allisha landiin muna ng hinde ka puro wattpad lang. Para may bebe time kana.

"Single ba?" Tanong ni Allisha tutok na tutok dun sa Bryan. Ambagal dipa nga landiin at. Pag naunahan ka bala ka.

"Bryan..." Sigaw ni Addi kaya tumakbo papasok ng hotel si Allisha. Tanga tanga talaga ay magpapakilala na nga para maging magka close silay! Engot!

"Oy pre bakit?" Tanong nung Bryan nung pagkalapit. Maitsura naman pero diko siya type. Kumuha na lang ako ng barbeque na kaluluto lang ni tita. 
Mas masarap kumain kesa makipag tsismisan.

"Eto pinsan ko si Aviana ivana medjo magkatunong pero hinde siya si ivana kase malayo." Pagpapakilala ni Addi. Hindeng hinde talaga ako magiging si ivana ayaw ko dun. Maganda ang tingin ko sa sarili ko kaya confident ako.

"Gago! Aviana Montero you can call me via for short btw i'm taken." I said before turning away from the two of them. Wow english. Naks naman self galeng natin ah.

Dumiretso ako sa buhanginan apalaya ata kung tawagin nila. Umupo ako dun sa malinis na part hindi din ako masyadong nagpakalayo layo dahil gabi na mawala pako diko pa naman alam tong lugar nato.

Kinuha ko cellphone ko dahil feeling ko may text or tawag na si langaw Jake. Simula kanina di pako nakakapag cellphone buti na lang pala at naisipan kung pumunta dito para nakapag pahinga ako ng kaunti ang fresh ng hangin eh.

Jake langaw: Yow love kamusta? Kumain kana? Madaya ka di moko sinama sa gala niyo pero okay lang love family bonding niyo yan eh. Kung iinom ka man huwag kang masyadong magiinom baka dimo kaya.

Bakit pag si langaw Jake tumatawag ng love kinikilig ako. Diko lang pinapahalata. Kala ko dati sa Wattpad na lang ako kikiligin.

Viangot: Kumain lang ako ng barbeque and not nail hungry. Daig english yun.

Jake langaw: Mali naman english english pa.

Viangot: Pake mo ba! Basta nakapag english ako tapos HAHAHA.

Jake langaw: Dika tatanggapin sa Cebe Pacific at Fly Asia kung mali mali english mo.

Viangot: Sirain ko mga eroplano nila pag nila ko tinanggap HAHAHA.

"Via!" Sigaw ni Allisandra kaya tumayo nako sa pagkakaupo ko at lumapit  sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya.

"Arat na" Sabi niya sabay hila sakin papasok sa hotel.

Pagpasok namin sa hotel room naming apat nakahanda na yung mga sari saring alak. Putek di ako sanay uminom eh! Good luck self mga pinsan mo kasama mo self di ka niyan papabayaan. Basta bahala na si batman mamaya.

"Inuman na!' Sigaw nung dalawa na si Allisandra at Allisha. Mga uhaw sa alak tong mga kasama ko. Bala sila mamaya kapag nalasing sila.

Nagsalin nako ng akin dahil mga nagiinuman na sila malakas lang akong mamulutan eh hinde uminom ng alak.

Habang nagiinom kami nanonood kami ng My Ex and Whys ng lizquen.

Kapalit palit bako?

Panget bako?

Panget ba ang katawan ko?

Pero bakit moko nagawang lokohin!?

Nice galing umakting ng lizquen. Mayayari na yung movie na pinapanood namin. Nahihilo narin ako yung mga kasama ko wala na unti na lang bagsak natong mga to. Paubos nadin yung mga iniinom namin. Tatlo na lang natira may bawas pa lahat.

"Laro tayo truth or dare papaikutin yung bote sa gitna." Suggest ni Bryanna. May tama nadin to papikit pikit na rin eh! Ang hina pa naming uminom ng alak.

"Sige ba game na!" Sigaw ni Allisha at Allisandra. Iba talaga epekto ng alak sa katawan.

Pinaikot na nila yung bote at boom kay Allisha tumapat. Kala mo ah takbo takbo kapa kanina. Manda ka ngayon.

"Truth or Dare?" Tanong ni Bryanna.

"Dare! Ayusin niyo pag dare niyo sasapakin ko kayo!" Nakabusangot na sabi ni Allisha.

"Ako mag dare sa kaniya!" Sigaw ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Allisha. Good luck shasha! Kapalan muna ang mukha mo.

"I dare you... Mag hi ka kay Bryan." BWAHAHAH hinde mahirap dare ko mag hi lang siya.

"E-eh hi amputa!" Reklamo niya.

"Dare is a dare!" Sigaw nung dalawa kaya tumayo na siya at lumabas. BWAHAHAH goodluck shasha mahal na mahal ka namin.

Tumakbo kami papuntang balcony ng hotel room namin para makita namin kung gagawin ba ni Allisha yung dare.

Nakita nga namin na lumapit si Allisha kay Bryan. Nakita namin kung pano magulat yung mga kaibigan ni Addi.

"BWHAHAHA HAHAHAH BWHAAHAH HAHAHAH BWHAHAH HAAHAH BWAHAHAH HAAHAH BWAHAHAH HAHAHAHAAH" Tawa naming tatlo nung hiyang hiya na si Allisha.

Napatingin din samin sila tita sa lakas ng tawa namin. Pero happy kami eh bakit ba!

"Wowoy! Magsitulog na kayo na mga lasing na kayo!" Sigaw ni Addi samin si Allisha dumiretso sa mga pagkain kukuha ata ng mga pulutan.

"Hinde kami lasing!" Sigaw ni Allisandra. Jusko bala kayo diyan basta ako inaantok nako.

Hskhskhskhskhsksk

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon