28

122 16 11
                                    

"Via! Bumaba kana bilis!" Kanina pa ako kinukulit ni Bryanna na gumising na daw ako.

"Five Minutes!" Sigaw ko sa kaniya dahil akoy tinatamad na bumangon.

"Ulol ka! Five Minutes! Kanina kapa five Minutes ng five minutes anong oras na!"  Sabi niya kinalampag pa yung pintuan ng tinutulugan kong kwarto.

"Oo na! Eto na nga baba na!" Inis na sabi ko at nag ayos ng muka sa banyo.

Paglabas ko tinuktukan niya ako ng sandok sa ulo.

"Aray naman!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Kanina pa kita ginigising ngayon ka lang bumangon!"

"Alam mo naman na pagod ako diba! Tsk! Tabi nga diyan! Harang harang sa daan." Inis na sabi ko sa kaniya.

"May bwisita ka! Andoon sa sala!" Sigaw niya at tumakbo papunta sa kusina dahil nasusunog na daw yung niluluto niya.

Sino naman kaya bisita ko?

"Good morning Tita Avi!" Sabi ni Zachna at hinalikan ako sa pisngi.

"Sino bisita ni Tita?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Yung asawa mo po." Sabi ni Zachdri. Ha? May asawa bako?

"Asawa? Wala pa akong asawa Zachdri Kyle." Sabi ko sa kaniya kaya nagulat sila pareho.

"W-wala p-pa p-po? Eh sino po yung nasa wallpaper mo sa cellphone mo?" Tanong ni Zachna. Ha? Hakdog! Eh si Jake tsaka ako wallpaper ko ih. Hindi naman ako nagbura ng mga pictures namin noon.

"Hindi niyo pa maiintindihan ngayon kapag sinabi ko. Pag malaki na kayo ipapaliwanag ni Tita sa inyo." Nakangiting sabi ko sa kanila at iniwan silang mag kapatid na naglalaro.

"Jake?"

"Hm. Kanina pa kita inaantay." Tipid na sabi niya at uminom ng kape.

"Ikaw ba bisita ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Maybe." Tipid na sabi niya. Kingina neto! Tinatanong ng maayos engot sumagot!

"Pumunta ka dito para mag kape?" Tanong ko sa kaniya dahil naiinip nako.

"Hinde."

"Eh ano?"

"Makiki kain." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Malamang susunduin ka."

"Bakit?"

"Tsk! Daming tanong. Birthday ni Edlaine ngayon. Gusto ka niyang makita." Sabi niya at inubos yung kape niya.

"May shanghai?"

"Tsk! Meron!" Tipid na sabi niya.

"Madami?"

"Ewan ko hindi naman ako nagluto." Walang ganang sagot niya.

"Sino nag luto?"

"Katulong namin." Tipid padin na sabi niya.

"Madaming bisita?"

"Isa pang tanong!" Inis na sabi niya kaya umakyat nako sa kwarto ko dahil naiinis na siya.

After 09826286217 magbibihis na sana kaso may kumatok.

"Sino yan?"

"Buksan mo yung pinto may bibigay ako." Sabi ni Jake kaya nagtapis muna ako ng twalya bago ko buksan yung pinto.

"Ano yun?"

"Oh!" Sabi niya at inabot sakin yung paper bag.

"Ano to?" Tanong ko sa kaniya pero tinalikuran na ako ng loko! Bastos!

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon