21

101 13 10
                                    

"Bugtong Bugtong masakit
pero masarap?" Tanong ni Addison samin naglalaro kasi kami ng bugtong bugtong.

"Private part of boy?" Sagot ni buntis HAHAHA!

"Hinde! Muka ka namang ano diyan!" Natatawang sabi ni Addi.

"Ano yun?" Takang tanong ni Allisandra. Masakit pero masarap?

"Tattoo?" Takang sagot ko ewan ko yun pumasok sa isip ko kasi totoo naman eh masakit mag pa tattoo pero masarap. Ha? Nako ewan.

"Tama! Yan tularan si via hinde puro ano ang nasa isip!" Pagpapa rinig ni Addison kay Buntis.

"Shut up! Pasalamat ka wala dito si Allisha!" Mataray na sabi ni buntis. Ganyan ba pag buntis?

"Tsk! Busy yung babae nayun huwag mo ng banggitin at baka samain yung babae nayun sana nga!"  Sagot naman ni Addi pero hindi niya alam na nasa likod na niya si Allisha kadadating dating lang.

"Aray!" Reklamo ni Addison dahil binatukan siya ni Allisha.

"Kaya pala amoy bangkay dito samin dahil andito ka na naman!" Singhal ni Allisha sa kaniya.

"Kaya pala amoy imbornal kasi andito ka!" Singhal din pabalik ni Addison sa kaniya.

"Hoy! Anong imbornal ka diyan! Kahit maligo kapa ng sandamak mak na pabango mabaho ka pa din!" Pasigaw na sabi ni Allisha.

"Wow! Hiyang hiya naman ako sa'yo! Kahit mag skincare ka pa rin pangit ka pa din!" Pasigaw nasabi ni Addison.

"Doon nga kayo sa labas ang iingay niyo!" Inis na sabi ni buntis.

"Game na laro na ulit." Singit ni Allisandra dahil tapos na siyang mag search sa google ng ipapahula niya.

"Sino na ba?" Tanong ni buntis kaya tinuro namin si Allisandra.

"Game! Mahaba't matigas ng isubo'y makatas." Sabi ni Allisandra at tumawa ng malakas.

"Ka bastos naman ng mga
pinapa hula mo!" Inis na sabi ni Allisha.

"Felling Innocent! Pero alam ko yan ice candy?" Sagot ni Addison kaya tumango naman si Allisandra.

"Ako naman! Malaki at maumbok hinihimas bago ipasok." Tanong samin ni Allisha at tumawa din siya ng malakas.

"Ang laswa!" Sagot ko dahil iba na isip ko!

"Green Minded!" Pang aasar nila sakin. Eh masisi niyo bako? Iba pumasok sa isip ko! HAHAHAHA!

"Ano siret na kayo?" Tanong niya samin tumango kami pareho pareho dahil wala naman akong ideya. "Door knob!" Ha? Loh anlayo ng na isip ko kanina HAHAHA!

"Ako naman kanina pa kayo! Bugtong bugtong anong salita ang hindi na hawakan pero pwedeng panghawakan." Tanong ko sa kanila mahirap yun kaya sure akong hindi nila alam.

"Ang hirap naman!" Reklamo ni Allisandra.

"Parang pamilyar sa akin!" Sagot naman ni buntis. Malamang proven and tested muna yan HAHAHA!

"Hindi nahahawakan pero pwedeng panghawakan? Ano yun? Ang hirap naman!" Reklamo din ni Addison.

"Siret?" Tanong ko sa kanila dahil halatang hirap na hirap na sila. "Pangako!" Nakangiting sagot ko sa kanila. Pero ang mga loko hinde ata masaya sa sinagot ko.

"Pangako? Hinahawakan pero pwedeng panghawakan? Ay oo nga!" Pagsang-ayon ni buntis sa sinabi ko.

"Parang pinagdaanan mo ah!" Pangiinis ni Addi.

"Ang lalim nun ah." Dagdag ni Allisha.

"Edi sisirin mo malalim pala eh!" Pang aasar niya kaya nagkakagulo na naman.

Kamusta na kaya si Love?

"Lalim ng iniisip natin diyan ah" Hinde ko napansin na sumunod pala sakin si Addison sa terrace hinde ko napansin.

"Sisidin mo!" Pamimilosopo ko sa kaniya.

"Siraulo! Ano kamusta?" Tanong niya at nag alok ng beer on car pero tumanggi ako.

"Ayos lang naman kayo ba?" Tanong ko sa kaniya felling ko may problema siya kaya nakipag usap siya sakin ng matino.

"Ayos lang din naman kami pero alam mo ang hirap ipaglaban ng isang taong parang ayaw ka ring ilaban in short ang hirap kapag sa isang relationship isa lang ang lumalaban." Sabi niya at sinandal ang ulo sa balikat ko tapos pumikit.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko kasi gusto kong makatulong or mapagaan man lang yung loob niya kahit konte.

"Kasi nakita ko uli sila ni Zach Monteverde yung naka buntis kay Bryanna kaya nga nung nalaman ko yun via gusto kong sugudin yung hayup nayun!" Sabi niya at napipi yung beer on can dahil sa sobrang panggigil niya. "Gusto kong ipaglaban kung ano yung sakin kaso pano? Kung ako ang nauna pero siya ang naging wakas." Sabi niya at may pumatak na isang luha sa kanang mata niya.

"Sige lang andito lang ako makikinig ako kapag may problema ka kayo lagi akong nandito. Basta mag paka tatag ka lang ah. Kasi ginusto mo yan kaya panindigan mo." Sabi ko sa kaniya at sinuklay suklay ko yung buhok niya gamit yung kamay ko.

"Kami din andito rin kami kapag wala kang mapagsabihin na iba. Makikinig din kami." Sabi nila Allisandra, Allisha at Bryanna tumabi din sila samin ni Addison.

"Sino sino pa bang magtutulungan eh tayo tayo rin naman!" Malakas na sabi ni Allisha kaya nagtawanan kami.

"Pero ayos ka lang ba?" Tanong ni Addison kay Buntis.

"Oo naman kung saan masaya si Zach duon ako kahit na ikaka durog pa ng puso ko." Nakangiting sabi niya pero halata padin yung sakit sa mga mata niya.

"Basta kaming bahala sa mga gastusin ng baby mo." Sabi ko sa kaniya niyakap naman ako ng gaga.

"Salamat sa inyo sa totoo lang totoo siguro sinabi ni mommy na ipalaglag ko na lang daw tong bata kasi hindi daw ako makaka pag graduate kung hahayaan ko siyang lumaki. " Malungkot na sabi ni buntis alam na kasi ng parents niya na buntis siya pero hinde natuwa sila tita kung ano ano payung mga masasakit na salita na sinabi sa kaniya. Kaya kinuha na lang namin siya at dito siya pinag stay sa bahay na inuupaahan namin.

"Hoy Gaga! Kasalan ang kumitil ng buhay ng iba! Hayaan mo nga si Tita mukha namang pera yun tsaka bad influence yun huwag kang makikinig dun. " Sabi ni Allisandra at may pairap irap pa.

"Tsaka kahit walang ama yan pag silang mo andito naman kami kaya naming tumayong ama para sa baby mo!" Nakangiting sabi ni Allisha.

Biglang nag ring yung phone ko kaya nagpaalam ako sa kanila na sasagutin ko lang yung tumawag.

"Hi love! Kamusta? Naligo kana ba? At kung hinde pa maligo ka muna!"

"Hoy tanga! Nakaligo nako kanina pa! Baka ikaw di kapa naliligo umaalingasawa kasi dito yung baho mo!" Pambabarda ko sa kaniya dahil nang iinis na naman amp.

"Love mamaya na lang. Tatawagan uli kita. Bye. Iloveyouu!" Sabi niya at binaba yung tawag. Parangg may narining akong tumatawag sa kaniya na boses babae pero binalewa ko na lang yun.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon