22

99 14 5
                                    

"Ano bang meron kasi!?" Iritang tanong ko kay Allisandra gusto niya daw kasi akong makausap sabi niya importante daw.

"Basta! Umuwi ka na lang! Bilis! Bagal bagal!" Hayup nato madali ng madali.

"Oo sige sige na babye na!" Iritang sabi ko.

"Ate sa susunod na lang tayo mag usap!" Sabi ko kay ate at kinuha yung cellphone ko at nagtatakbo na papalabas sa bahay nila mommy may usapan kasi kami ni ate na magkikita kami pero naudlot yun dahil tumawag si Allisandra at kinulit kulit ako. Kesyo may sasabihin daw siyang importante. Tsk! Narinig ko pa yung tawag ni ate sakin pero diko na yun pinansin at dumiretso nako sa kotse ko.

Pagpasok ko sa kotse ko nag drive agad ako dahil tumatawag na naman si kinginang Allisandra.

After 729191626years eh nakadating nako ng ligtas sa bahay namin.

"Buti naman dumating ka nang kutong lupa ka!" Bungad sakin ni Allisandra.

"Gago ka! Hingal na hingal ako kaka madali!" Sigaw ko sa kaniya at dumiretso sa kusina nanguha ako ng tubig sa refrigerator.

"Kasi naman ka bagal bagal mo!" Sigaw niya sakin.

"Wow! Parang ang lapit ng bahay nila mommy sa bahay natin ah!" Sarcastic na sabi ko.

"Okay! Tama na! Tama na!" Sabi niya at nakataas pa ang kamay. "May itatanong ako sayo." Sabi niya at may pinakita na picture sa cellphone niya. "Sino yang babae na yan?" Tanong niya napatitig ako sa cellphone ni Allisandra dahil nakita ko sa story ni Kim Nadja na mag kasama sila ni Jake sa Amo Yamie.

"Ex ni Jake tsaka siya." Sabi ko sa kaniya.

"Oh alam mo naman pa lang ex eh bakit pumapayag kang mag sama sila!" Iritang sabi niya. Kaya pala niya ko pinag mamadali para makita ko toh.

"Hinde naman ako pumayag." Nakangiting sabi ko. "Anong magagawa ko kung gusto ni lang makita ang isat isa. Okay lang naman sakin may tiwala ako sa kaniya." Nakangiting paring sabi ko. Pero deep inside nasaktan talaga ako. Kaya pala hindi siya tumatawag sakin kasi busy siya sa iba.

"Pero pano ka kapag nahulog ulit sila sa isat isa?" Tanong niya halatang nagaalala na siya. Pero dapat hindi ako magpa halata na nasasaktan nako.

"Edi papalayain ko siya kahit masakit para sakin. Magiging masaya ako para sa kanila kahit ikaka durog ko pa. Mahirap labanan ang itinadhana." Nakangiting sabi ko pero sa totoo lang gusto kong umiyak pero ayaw kong ipakita sa kanila na nasasaktan ako kasi feeling ko ang hina hina ko.

"Hinde ko alam kung paano ako maga advice sayo pero kasi may karapatan ka. Girlfriend ka! Ex lang siya. Kahit saan mo tignan mas may karapatan ka kasi ikaw yung girlfriend niya ikaw yung kasintahan eh siya? eh si kim? ex na siya. Past na siya. Nakaraan na siya! Nakaraan!" Sabi ni Allisandra at pumasok sa kwarto niya.

Ex siya. Girlfriend ako eh anong magagawa ko? Girlfriend lang ako.

Pumasok ako sa kwarto ko dahil felling ko bubuhos na yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Ano ba Aviana! Kaya mo yan!" Pagpapakalma ko sa sarili ko. Kahit nasasaktan nako talaga.
Biglang nag ring cellphone ko kaya sinagot ko yun si Allisha kasi tumatawag.

"Bakit?"

"Can we talk?" Tanong niya.

"Okay sure. Where ba?" Tanong ko sa kaniya wala naman akong gagawin ngayon.

"Sa bahay na lang natin tinawagan ko na rin si Addi na pumunta diyan malapit na rin naman nako eh. Nasa elevator nako. Bye!"

After 8372719years dumating din siya sabi niya kanina nasa elevator na daw siya pero mas nauna pa sa kaniya si Addison.

"Oh buti dumating ka pa!" Sabi ni Addi naka uniform pa ng La Salle.

"Sorry!" Sabi niya at umupo sa harap naming apat. "Nag file ng  arranged marriage sila mommy at daddy." Malungkot na sabi niya. Shit! Wtf!

"Ano!?" Hinde makapani walang sabi ni buntis.

"Wtf! Dude!" Singhal ni Addison.

"Eh? Kanino? Gwapo ba? May abs?" Sunod sunod na tanong ni Allisandra.

"Seryoso ako! At yung lalaking kina iinisan ko pa yung ipapa kasal sakin!" Malungkot na sabi niya.

"Sino ba yung lalaking kinaiinisan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Ivan Oxford!" Eh? Dakilang playboy yun ng UP! "Ayaw kong masaktan si Bryan kaya nung malaman ko kanina. Hindi ko masabi sa kaniya kanina kahit na magkasama kami. Kasi natatakot ako. Natatakot ako na layuan niya ko." Umiiyak na sabi niya.

"Maiintindihan ka niya kapag sinabi  mo sa kaniya agad. Mas maganda na ikaw mismo ang magsasabi kesa sa iba niya pa malaman. " Sabi ni Addison pero totoo sinabi ni Addi mas maganda ikaw mismo ang magsasabi sa kaniya kasi masakit kapag sa iba niya pa nalaman.

"Tama kaya kung ako sayo puntahan mo siya ngayon din dahil dadalaw tayo sa puntod nila lola bukas." Sabi ni Allisandra habang tinutulak palabas ng bahay si Allisha.

"Anong oras tayo bukas?" Tanong ni buntis dahil every week pumupunta siya sa ospital to check her baby.

"Mga nine ng umaga or one ng tanghali. I don't know basta magkita kita na lang tayo dun bukas." Sabi ni Allisandra at pumasok sa kwarto niya.

"Ikaw sasama ka bukas?" Tanong ko sa kaniya dahil palaki na ng palaki ang tiyan niya.

"Oo naman syempre gusto ko yun! Baka mamaya may gwapo dun sayang!" Sabi niya kaya binato ko siyang unan. Kalandi landi magka kaanak na lahat lahat ay lalaki padin ang inaatupag.

"Ingat naman! Pag ako nakunan papalitan moto!" Sigaw niya sakin syempre mabait ako pinagba bato ko siyang unan.

"Oh ano naka usap mona?" Tanong ni Allisandra.

"Hinde." Simpleng sagot ko at nakatikim ako ng batok.

"Eh gago ka pala eh!" Singhal niya sakin. "Pag nakita ko talaga yang babaeng yan kakalbuhin ko yan!" Nanggi gigil na sabi niya.

"Kalma! Ikaw ba yung jowa?"

"Hinde! Pero nako ikaw talaga pag yung kim nayun ginamitan ng gayuma boyfriend mo iyak ka!" Natatawang sabi niya.

"Edi gamitan niya pake ko sa kaniya!"

Kamusta kaya yung dalawang yun? Sobrang saya siguro nila kasi hindi man lang ako maalalang tawagan. Naks! Pakyu sila pareho!

Are you ready?

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon