25

108 14 16
                                    

"Let's go!"

Sabi niya ng hindi man lang lumilingon sakin. Yeah i understand my pass kami.

"Tara na!" Sabi ni Allisandra na siniko pako.

"Narinig ko!" Inis na sabi ko sa kaniya. Kairita! Hindi pa kasi mah resign at maging isang architect na lang!

"Ambango bango ni Captain Smith." Kinikilig na sabi ni Gay Cedrick.

"Oo nga!" Sabi din ni Fairy at Nicole na mga kinikilig.

"Shhhh!" Inis na sita ni Jennie.

Nakarating kami sa eroplano na hindi man lang nagtitingan.

Inalalayan namin yung mga pasahero na sumasakay. Kaderder yung dalawang arabo na hinihingi yung number ko.

"Good afternoon passenger. This is you're Captain Jake Smith speaking." Rinig kong simpleng sabi niya. Kaya umayos na kami.

"Good afternoon daw!" Pang aasar ni Allisandra.

"Manahimik ka nga! Oras ng trabaho walang personalan!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Asus! Oras ng trabaho walang personalan!" Panggagaya niya sa sinabi ko.

"PUKINGINAMO!" Sabi ko sa kaniya pero kami lang dalawa ang nakarinig.

Nag ayos ayos muna ako ng pagkain na ibibigay sa mga pasahero. Parang gusto ko ngang lasunin yung dalawang bwisit na arabo na yun. Nanggigil ako!

"Hoy!" Sigaw ni Fairy sakin kaya muntikan ko na siyang mabato ng tray.

"Ano ba! Hindi kaba marunong kumatok!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Marunong! Alam mo ikaw kanina ka pa masungit." Sabi niya at tinulungan akong mag ayos ayos.

"Kanina? Ngayon lang ako nag sungit!" Inis na sabi ko. Ewan ko ang weird ko lang kasi kanina pako naiinis wala namang dahilan.

"Ngayon lang? Narinig ko nga pinag usapan niyo ni Allisandra." Sabi niya bigla kaya napatingin ako ng wala sa oras. "Ikaw ah." Pang aasar niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Shut up!" Iritang sabi ko. Ayaw ko ng ungkatin yung nangyari nung nakaraan!

"Sana all ex!" Pang aasar niya pero hindi ko siya pinakinggan.

"Pero alam mo sayang kayo." Biglang sabi niya. "Kasi diba? Ilang years nga kayo?" Tanong niya.

"Mag dadalawang taon lang." Matipid na sabi ko.

"Lang! Siraulo! Nila lang mo yun! Sayang yun tongok! Kung ako yun hindi ko na papakawalan yang ganyang kagwapo na lalaki." Kinikilig na sabi niya.

"Pero hindi naman ikaw siya!" Biglang sabi ni Allisandra.

"Oo nga no. Pero sayang talaga gurl." Sabi niya at umakto na parang nanghihinayang talaga.

"Manahimik ka nga! Puro ka kalokohan." Inis na sabi ni Allisandra.

"Ikaw Allisandra? Kelan ka lilipat sa pagiging architect?" Tanong ko sa kaniya para maiba naman yung usapan.

"Tatlong byahe na lang ako. Diba ngayon sa Paris tayo tapos sunod sa Japan at South Korea yun na lang schedule ko bago ako umalis." Simpleng sabi niya at hindi man lang siya na lungkot kahit ka unti.

"Hindi ka nalulungkot?" Tanong ni Jennie.

"Hindi." Tipid na sagot ni Allisandra.

"Weh?" Tanong ko sa kaniya.

"Tsk! Oo mami miss ko kayo! Malamang nakasama ko kayo ng matagal." Nakangiting sabi niya.

"Asus! Pakipot ka pang gaga ka! Mami miss mo rin pala kami!" Natatawang sabi ni Fairy.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon