27

125 13 15
                                    

"Good morning sir." Nakangiting bati namin sa mga pasahero. Pauwi na kami ngayon dahil isang araw lang naman kami sa Paris. Kainis nga eh kasi isang araw lang kami dun pero hindi ko pa nasulit.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong sakin ni Allisandra pero sa totoo lang masama talaga pakiramdam ko kagabi pa.

"Namumutla ka bhie. Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Gay Cedrick.

"Oo naman bakit Naman ako hindi magiging okay." Nakangiting sabi ko sa kanila pero ramdam ko na nahihilo ako.

"Sigurado ka?" Tanong din ni Ethan kaya tumango na lang ako.

"Banyo lang ako." Paalam ko sa kanila dahil sobrang nahihilo na talaga ako.

Nasa hallway nako ng makitang makakasalubong ko si Jake pero hindi ko siya pinansin. Dahil felling ko matutumba ako ng wala sa oras.

"Hey! Are you okay?" Tanong niya at hinarangan yung dinadaanan ko.

"Yes i'm okay." Tipid na sagot ko.

"Tsk! You're not okay." Tipid din na sabi niya at kinapa yung leeg at noo ko." Mainit ka. Uminom kana ba ng gamot?" Tanong niya.

"Bakit ako iinom ng gamot wala naman akong sakit." Sabi ko sa kaniya pero tinuktukan niya ko sa noo. Bakit ganon na naman pakiramdam? Bakit bumabalik sa dati?

"Tsk! May lagnat ka. Tanga!" Inis na sabi niya at hinatak ako papunta sa may kwarto namin dito sa eroplano.

"Maka tanga ka naman!" Inis na sabi ko din sa kaniya.

"Inumin mo yan at mag pahinga ka muna." Sabi niya at binigay sakin ang isang tablet ng paracetamol at isang basong tubig.

"Pero wala akong lagnat at hindi ako iinom ng gamot." Sabi ko sa kaniya kahit na hindi talaga ako okay.

"Huwag kang mag panggap na okay ka. Kung sila mauuto mo ako hinde." Sabi niya na diretsong nakatingin sakin. "Alam ko kapag okay ka o hindi. Kaya huwag kang matigas ang ulo. Inumin mo na yan."

"Akina!" Inis na sabi ko sa kaniya. Tsk! Bakit bako natatakot sa lalaking kapre nato!?

"Sa susunod huwag kang masyadong magpaka pagod para di ka nagkaka sakit. Magpahinga kana para gumaling ka agad." Tipid na sabi niya at umalis.

Bakit concern na concern siya?

"Kamusta ka naman na?" Tanong ni Jennie at humiga sa katapat kong higaan.

"Okay nako kaya ko ng mag trabaho."

"Ang tigas ng ulo mo. Magpahinga ka na nga muna. Kaya na namin yun." Sabi niya at nagpaalan na siya na aalis muna para tumulong dun sa mga nasa labas.

"Matulog ka muna!" Sabi ni Captain Vince na nakasilip sa pinto tumango naman ako at isinara na niya yung pinto.

Sinunod ko utos nila natulog nga ako. Bahala sila sa buhay nila basta ako naka takas sa trabaho ko.

After 09305318935 nagising ako dahil parang may umaalog sa balikat ko.

"Via! Gising na!" Sabi ni Allisandra kaya tumayo nako.

"Nasaan na ba tayo?" Tanong ko sa kaniya dahil lalong sumama pakiramdam ko.

"Andito na tayo sa pilipinas dude!" Sabi niya at inayos ang maleta niya. Inayos ko na rin yung akin dahil akoy nahihilo padin.

"May lagnat ka pala tapos sabi mo ayos ka lang! Tanga mo!" Mataray na sabi sakin ni Jennie at binatukan pa nga ako.

"Oy bhie! Hindi ka sasabay samin. Ihahatid ka ni Captain Smith." Sabi ni Gay Cedrick.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon