Ashhh! Ano ba yan isa ko lang na uuwi. Bakit ko pa kasi pinauna si Alli yan tuloy wala akong kasabay. Baka mamaya makasalubong ko pa yung nakabanggaan ko! Huwag naman sana!
NO CHOICE! naglakad na ko kasi baka abutin pako ng gabi kakatunga nga ko.
Habang naglalakad ako felling ko may nakatingin sakin or nakasunod. Wala namang kikidnap siguro sakin aber. Wala akong pera. Tsaka maaga pa. Kaya chill lang.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kahit felling ko padin may nakatingin sakin. Feelingera lang siguro ko!
Pagkadating ko sa bahay. Naabutan ko si Allisandra na may kausap sa cellphone niya. Kaya di ko muna siya guguluhin. Mamaya na lang...
Pagpasok ko sa kwarto ko nagpalit agad ako ng pantulog. Simpleng panjama at t-shirt na blue lang yung suot ko.
At dahil nga abala si Allisandra. Cup noddles na lang ang kakainin ko. Tinatamad din akong magluto eh.
Pagkayari kong kumain dumiretso nako ule sa kwarto ko. Ayaw kong tumambay sa sala mag iingay lang ako kapag nanuod ako ng t.v.
Dumiretso ako sa study table ko dito sa loob ng kwarto ko. May ire review pako sa mga fvcking subject sa school.
I will first review the history and then the other subjects.
Ng makaramdam ako ng antok. Humiga nako sa kama ko at nagdasal bago matulog. Inayos kudin yung alarm ko para bukas maaga akong magising.
"Goodluck bukas!" Sigaw ko bago matulog...
"Kring... Kring..."
Nagising ako tunog ng alarm ko. Bitin tulog ko. Ang ganda ng panaginip koy...
Tumayo na ko at dumiretso sa banyo kahit na tinatamad pako.
Naligo ako kahit na tinatamad ako. Pagka yari kong maligo dumiretso nako palabas ng kwarto.Paglabas ko may pagkain na sa lamesa at si Allisandra na man ay busy sa pagce cellphone ano kayang pinagkaka abalahan ng kumag nato. Siguro ka chat yung naka bungguan niya. Iwzzz...
"Hoy! Kumain kana?" Sigaw na tanong ko sa kaniya.
"Ah oo kanina pa!" Pasigaw din na sagot niya.
"Sino yang swerte na lalaki na pinag ka ka abalahan mo?" Tanong ko sabay kain.
"Sino pa edi si Andrei!" Sagot niya. Sinong Andrei? Oo na lang kahit diko kilala!
Pagkayari kong kumain pumasok agad ako. Ayaw kong kasabay si Allisandra at nayayamot ako don busy sa pagce cellphone. Nako! Pag yun talaga nain love sa Andrei na yan bala siya. Madami pa namang MANLOLOKO sa MUNDO!
Nasa tapat nako ng school ng may makita akong lalaki na naka uniform na pang pilot. Ka edad ko lang siya!
B...bakit bumibilis yung tibok ng puso ko! Sino ba tong lalaki nato! Bakit kinakabahan ako na ewan!
Biglang tumingin sa gawi ko yung lalaking naka naka uniform na pilot kaya umiwas ako ng tingin at nagdire diretso papasok sa school. Nang mapadaan ako sa court ng school madaming upuan na hile hilera ang nakalagay. Anong meron?
"Via!" Napatingin ako sa may hagdan paakyat sa room namin ng may tumawag sa pangalan ko.
Ah si Shame ang president ng classroom namin."Bakit?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya.
"Wala... nakatingin kasi si Jake sayo eh" Sagot ni Shame. Sinong Jake?
"Jake? Sino yun?" Tanong ko.
"Ayun oh!" Tinuro niya kaya tinignan ko. Napatalikod agad ako. Kasi si kuyang naka uniform na pang pilot pala yung tinutukoy niya. Nice name Jake.
BINABASA MO ANG
Love At First Flight (Love Series#1)
Roman d'amourAviana Nicole Montero a simple girl who dream to be a Flight Attendant and Jake Smith a boy who love's and drive airplane since childhood.