12

100 19 16
                                    

"Ang pasko ay sumapit. Tayo ay magsi awit ng magagandang himig. Dahil sa diyos ay pag ibig..." Nagising ako sa kanta sa labas ng tinutulugan kung kwarto. Impaktong hilaw! Ang aga aga pa. Kaiingay na! Anlayo layo pa ng pasko. Magju july pa lang!

"Woy! Kung ayaw niyong matulog mag patulog kayo!" Rinig kong sigaw ni Allisandra. Nabulabog din ata ang gago. Sino ba kasi yung engot na yan na kumanta ampanget panget na nga ng boses kanta kanta pa!

"Diko kayang tanggapin na mawawala kana sa akin..." Punyeta naman! Nananadyaa ata yung bwisit nayun! Okay lang sana kung maganda yung boses eh kaso kala mo kinakatay na kambing.

"Sayang na sayang talaga... Dating pag ibig na alay sa iyo. Sayang na sayang talaga..." Ano ba yan hinde kaba titigil na bwisit na kambing ka!

"Punyeta may natutulog pa! Para kang aso na nauulol sa boses mo!" Sigaw ni Allisha mukang pati siya nabulabog nang bwisit na kambing nayun.

"Sasayang mga araw na kasama kita... Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa..." Hinde ba mapagsabihan yang kambing nayan! Nakakairita na!

"Hayup nayan! Ayusin mo muna boses mo bago ka kumanta kanta diyan! Ampanget panget nang boses mo. Para kang si Xander Ford punyeta ka!" Sigaw din ni Allisandra inis na inis nadin ata ang gaga.

Tatayo na sana kaso boom ang sakit ng ulo ko. Shit ah ah may hangover ako! Bugok ka via inom pa sige. Andami ko nga ata naimon kaya sumakit ulo ko.

"You're my pangga huu... Mag siging na kayo tanghali na!" Ano bayan punyeta naman! Tangina mo Addi! Manda ka sakin mamayang impaktong hilaw na kambing ka!

"Putangina mo Addison Blare Montero!" Sigaw ni Allisha. Anlutong parang chicharon. Manda ka sakin mamaya Addi tinatamad pakong tumayo kaya mamaya na lang.

"Nice nice nice to know you yeah let's do it again..." Kanta pa ni Addi pero lalong niyang nilakas tapos may papokpok pokpok pa siya na lalong nagpaingay. Nananadya ang impaktong hilaw na kambing! Mamaya ka talaga sakin.

"Addi ano ba! Pabayaan mo muna kaming matulog please lang!" Pakiusap ni Bryanna.

"Goods can goods... Ano kayo chicks ako maaga agang ginising tapos kayo ang sarap sarap ng tulog niyo. Walang ganon madaya kayo!" Sigaw ni Addi tapos nagingay ule. Panong aga? Tao kami di kami manok!

Pinilit kung tumayo kahit na masakit ang aking ulo. Dumiretso ako sa banyo at naligo pagkayari kung mag ayos lumabsas agad ako.

"Woy ayaw niyong turon?" Tanong ni Addi paglabas ko nakatalikod siya kaya sinipa ko yung likod ng tuhod niya. Kaya beng napaluhod siya. Gutom ay..

"Aray naman..." Reklamo sabay tayo. Kinuha ko yung takip ng kaserola na pinapaingay niya kanina tapos pinukpok ko sa ulo niya.

"Nakakailan kana ah! Napag utusan lang naman ako eh" Reklamo na naman niya. Biglang lumabas ng kwarto niya si Allisha nakabusangot ang mukha at halatang halata na kulang sa tulog. Hinde naman ako ganyan kanina pagka gising ko ah bakit siya parang lamog na orange.

"Ano puyat kano? Gabing gabi na kasi kayo nagusap eh. Pwede naman sanang ngayon na lang" Sabi ni Addi sabay kain ng
turon. Nagusap? Bakit saan ba galing si Allisha?

"Tanga ka kasi kung hindi ka nag ingay edi sana tulog pa kami hanggang ngayon!" Sigaw ni Allisha kay Addi anlapit lapit lang naman nila nagsisigawan pa. Pag sila talaga magkasama nako hindi mawawala ang away.

"San kaba galing kagabi Shasha?" Tanong ni Bryanna na kalalabas lang din ng kwarto niya.

"Naglakad lakad lang." Sabi ni Allisha at umiwas ng tingin.

"Naglakad lakad lang ba talaga?" Nakangising sabi ni Addi.

"Manahimik nga kayo! Naglakad lakad lang ako yun nayun!" Inid na sabi niya. Defensive ang gaga. Halatang may tinatago.

"Bat ka nagagalit kung wala." Giit ko naman. Binato niya ko ng tinidor pero nailagaan ko. Mukang nag usap siguro sila ni Bryan. Ayaw padaw sabihin kunyari.

"Bala kayo diyan." Biglang tumunog cellphone ni Addi kaya lumabas muna siya sa balcony ng hotel room namin. Hala baka tumawag na si love... Si Jake langaw pala di nako nakapag reply sa kaniya kagabi. Baka nagaalala nayun.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko tapos hinanap ko yung cellphone ko. Pagbukas ko 115 calls 148 text. Ngi andami.

Tinawagan ko agad siya ng makita ko yung mga text at calls niya na diko nasagot.

"Love..." Pagtawag ko sa kaniya pero hindi siya sumasagot.

"Huy sorry na nakalimutan ko kasi kagabi nakainom kasi ako ng marami kaya hindi na Kita natawagan sorry na..." Pag amin ko sa kaniya. Totoo naman lasing ako kagabi... Kahit tanong niya pa kila mommy.

"Okay lang." Tipid na sagot niya. Nagtatampo ang loko. Hindi pa naman ako marunong manuyo.

"Woy love sorry na talaga." Pagmamakaawa ko hindi talaga ako marunong manuyo eh!

"Okay nga lang love... Alam ko naman na nakaimon ka kagabi sinabi na ni ate mo." Sagot niya sa kabilang linya. l-love? T-tinawag niya k-kong love? Hala bumibilis na naman yung tibok ng puso ko.

"Woy viangot okay ka lang?" Tanong niya kaya natauhan ako.

"Sorry talaga hindi ko nasagot mga tawag at text mo babawi na lang ako pag uwi namin diyan." Sabi ko para naman hindi na siya magtampo.

"Okay nga lang. Kamusta tulog mo?" Tanong niya.

"Okay lang naman. Ikaw ba? Kumain kana ba?" Tanong ko din.

"Kayayari ko lang kumain. Kumain kana rin sure ako kagigising mo lang kaya tawagan mo na lang ako kapag naka uwi  na kayo ah" Sunod sunod na sabi niya pinatay niya na din agad yung tawag kaya lumabas na lang muna ko ng kwarto namin. Nagpaalam ako sa mga tanga kong pinsan dahil meron daw mga souvenir na nabibili sa baba.

Pagkababa ko ng hotel naglakad lakad ako sa may buhanginan tapos may nga nakita akong mga nagtitinda ng mga souvenir. May nakita akong langaw na manika. Bagay yun kay Jake! HAHAHA.

"Magkano po dito sa manika" Tanong ko kay ate muslim ata so ate nakataklob yung sa part ng ulo niya eh.

"200 pesos ganda." Sagot ni ate. Maganda na poko dati pa. Nambola pa nga.

"Sige po pabili po niyan. May paper bag po ba kayo?" Tanong ko kay ate para naman maayos tignan yung manika hindi yung naka plastic lang.

"Meron sige saglit lang ah... Oh eto na ganda." Abot sakin ni ate naka paper bag na nga na blue yung manika okay nadin yung blue kesa naman sa pink.

"Eto na po bayad. Thank you po" Pagkayari kung mamili. Naabutan ko silang nasa sasakyan na kaya sumakay nadin ako iwan pako ng mga to. Mawala pa sila ng magandang pinsan...

A/N: Sorry nabitin kayo tinamad ako eh. Pero sana nagustuhan niyo.

Btw comment lang kayo kapag may gusto kayong itanong sasagutin ko kayo este sasagutin ko yung tanong niyo.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon