16

110 15 13
                                    

"Happy Birthday!" Sigaw namin nila Tita ng makauwi na si Jake. Yehey! Label is coming...

"Wow! I didn't expect na may surprise kayong ganito" Sabi ni Jake hinimas himas pa yung noo niya. Asus gusto din naman!

"Ayieee... Si kuya maarte pa gusto din naman! HAHAHA!" Sabi ni Edlaine at tinawanan namin siya.

"Ikaw bata ka umayos ka may kasalanan kapa sakin" Nakangising sabi ni Jake at tumamihik naman si Edlaine. Under!

"Kayong dalawa manahimik kayo ahh. Pumasok na nga kayo at kumain na tayo andami mo nang bisita na nag aantay sayo sa garden. Tara na tara na" Sabi ni  Tita at nagpakauna una ng maglakad.

Madaming kakilala si Jake kaya madami siyang bisita. Puro mga mukhang gangster or halatang kasali sa flaternity?

"Happy birthday love!" Sabi ko sa kaniya ng kami na lang yung maiwan sa sala.

"Thank you love!" Sabi niya and give me a soft kiss on lips.

"Sorry love wala kong regalo eh. Pero..." Binitin ko talaga yung sasabihinn ko dahil halatang nagaantay siya.

"Pero..." Panggagaya niya.

"Pero... Babawi ako promise! I swear!" Sabi ko sa kaniya at nanumpa kunyari.

"Alam mo love kahit yung sarili mo lang ibalot mo sa malaking kahon okay nako." Natatawang sabi niya kaya natawa din ako. Sinabayan ko lang tawa niya kahit gusto ko na siyang sapakin!

"Kelangan pang ibalon ehh pwede namang ganto na lang. Arte mo pa HAHAHA!" Sabi ko sa kaniya niyakap naman ako ng loko. Grabe nakaka miss yung yakap niya diko na matandaan kung kelan ko huli siyang nayakap.

"EHEM! EHEM! Barado lalamunan ko pre!" Rinig kong parinig nila James. Kaya bumitaw agad ako.

"Oo nga pre sakin din eh may nakabara. EHEM EHEM! ohh diba may nakabara EHEM!" Sabi naman ni Mark.

"Ako daw try ko daw. EHEM EHEM EHEM EHEM EHEM! Gagi pre kadiri akin may plema pa atang kasama ehh" Singit naman ni David.

Kumuha naman ng pillow si Jake at pinagbabato sa kanila kaya mga nagkaripasan ng takbo yung mga loko.

"Nadumihan tuloy yung pillow." Sabi ko sa kaniya. Puti pa naman hirap pa namang tanggalin ng dumi pag puti. Palibhasa di naglalaba!

"Yaan mona yan love hindi naman tayo yung naglalaba." Sabi niya at Kinawit yung braso niya sa bewang ko at naglakad papuntang garden. Oh diba walang pakealam palibhasa richkid!

Pag punta namin sa garden yung iba mga lasing na. Gabi naman kaya okay lang na maglasing sila basta kaya nila mag drive pauwi baka mamaya  madisgrasiya pa sila. Edi putinga mga lasinggero at lasinggera kasi!

"Punta ka muna sa mga tropa mong mukang unggoy" Sabi ko sa kaniya tinawanan niya muna ko bago naglakad papunta dun. Wala akong gagawin kaya tutulong na lang ako mag serve ng mga food at alcohol.

"Tequila please..." Sabi nila Allisandra ng mapadaan ako sa table nila. Mga lasing na ang mga gaga!

"Hoy gaga lasing kana umuwi kana!" Sabi ko sa kaniya at piningot siya kaya sinamaan ako ng tingin ng gaga. Durutin ko mata niyan eh! Tanggal yan!

"Sige na mag serve kana sa ibang table. Para mamaya kapag napagod ka padilig kana" Natatawang sabi ni Allisha.

"Pakyu!" Sabi ko sa kanila at nagserve serve uli sa mga table table. Bago ko umalis narinig kopa yung tawa ng mga gaga.

"Miss pengenge wine." Sabi nung lalaki na malapit sa table na madilim.

"Oh!" Padabog na sabi ko at nilapag sa table nila yung apat na wine. Ugh! Inaantok nako! Umakyat ako sa taas ng bahay nila Jake at duon umupo sa may terrace tanaw ko lahat ng bisita ni Jake.

"Hey love! Are you okay?" Rinig kong tanong ni Jake sa likod ko. Haharap na sana ko ng bigla niya kong yakapin patalikod.

"Okay lang medjo inaantok lang ako ng slight" Sagot ko sa kaniya at hiniga yung ulo ko sa may dibdib niya.

"Medjo? Tapos slight? May ganon love?" Natatawang sabi ni Jake.

"Oo may ganon kasasabi ko lang diba" Pagtataray ko kunyari. Meganon love!? Epal nang langaw nato!

"Ows kalma love--" Hindi natapos ni Jake yung sasabihinn niya ng may narinig kami sa likod namin na parang may tao.

"Y-yeah i-i g-guess i-i w-want too sleep." Rinig kong sabi ni Bryanna. May nakaalalay sa kaniya na lalaki? Lalaki bato o bakla? Tirador na ata toh ng bakla ngayon.

"Yow yow via! Magpadilig kana!" Sigaw ni Allisha diko siya napansin na nasa likod nila Bryanna.

"Oo nga naman. Hoy Jake! Diligan mo na yang pinakamaganda naming pinsan lanta na lanta na yan!" Dugtong naman ni Allisandra. Punyeta nakakahiya!

"Tsk! Sige mamaya!" Napatingin ako kay Jake ng sabihin niya yun. Seryoso? Nakangisi si Jake at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Kaya hinampas ko siya sa balikat at pinandilatan ng mata. Gago neto! Kahit nga magpahawak sa ibang lalaki diring diri nako eh! Magpadilig pa kaya!

"HAHAHA! Finally madidiligan nadin ang pinakamamahal naming pinsan. Babush na guys!" Sigaw ni Allisha lasing na lasing na sila at wala na sa katinuan. Mamaya tanggal lasing niyan kapag nasa kama na sila ni Bryan. Yuck! Ayokong mangyari sakin yun. Grrrr...

"Love kumain kana ba?" Tanong ni Jake sakin tumango nalang ako kahit hindi pa naman talaga ako kumakain. Ayy teka oo nga pala may sasabihinn pako sa kaniya. Pero... Matutuwa kaya siya?

"Jake!..." Tawag ko sa kaniya alam kong seryoso yung pagkasabi ko nun kaya okay nayun para mas maganda yung magiging takbo ng usapan namin.

"Bakit love? May sasabihinn kaba?" Halata sa mukha niya yung kaba. Gustong kong matawa kasi kaiba talaga mukha niya!

"May sasabihinn ako! Diba two months kana nanliligaw sakin. Since wala akong gift sayo. OO na  yung sagot ko sa panliligaw mo!" Nakangiting sabi ko pero kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya kaya tinignan ko siya mas lalo akong nagpigil ng tawa kasi laughtrip yung mukha niya HAHAHA!

"S-seryoso ka? Sinasagot muna ko?" Tanong niya ule kaya tumango ako. Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin. Kaya napangiti ako kasi feeling ko nawala na yung parang mabigat na ewan basta diko mapaliwanag.

Basta masaya ako na sinagot kona siya! Kaya bilang girlfriend niya ngayon aalagaan ko siya at mamahalin katulad ng ginagawa ng mga girlfriend nila sa boyfriend nila.

A/N: Sorry ngayon lang ako nakapag update busy kasi ako ng mga few days. Wews English HAHAHA! Malapit na pasukan magiging busy na tayo lahat. Keep safe lagi.

Umamin na yung mga TORPE diyan. Baka maunahan pa kayo kapag babagal bagal kayo!

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon