29

119 12 18
                                    

"Mommy!"

"Yes baby?" Tanong ni Kim sa anak niya.

"Mommy nagugutom na po ako." Sabi nung bata at nag pout. Ang cute sana kaso mukang tinapa yung nanay.

"Aviana! Tara duon muna tayo." Sabi ni Allisandra andito din pala ang babaita.

"Sama muna ako sa kaniya." Paalam ko sa mama ni jake at sa kaniya narin. Ayaw ko kasing masira family bonding nila ngayon.

"Ikaw umayas ayos ka ah!" Biglang sabi ni Allisandra sakin.

"Gago ka? Inaano kita?"

"Mahal mo pa?" Tanong niya bigla at hinarang yung waiter. "Penge ako! Huwag kang madamot! Isungalngal ko sayo yan!" Sigaw niya sa may waiter.

"Tarantado ka talaga!" Sabi ko sa kaniya at hinatak siya palayo dun sa waiter nakakahiya!

"Madamot kasi!" Reklamo niya at tinungga yung isang basong alak.

"Napa pano kaba?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Wala pero hindi ako okay!" Sabi niya at tumawa tawa.

"Jusmiyo! Hinahantay na ata itong bababeng ito sa mental hospital." Bulong ko sa sarili.

"Via!" Tawag niya sakin at umiyak.

"Naaning kaba? Kanina tumatawa ka tapos ngayon umiiyak ka."

"Via! I'll pretend that im okay! You know why!? Because the gravity of the lungs!" Sigaw niya sakin at tumawa na naman.

"Nakakatawa yun?" Iritang sabi ko sa kaniya at uminom din ng alak.

"Hey ate via!" Tawag ni Edlaine.

"Hey Edlaine! Bakit?" Tanong ko sa kaniya dahil si Allisandra ay sumama sa ex niya. Baby let's talk daw muna sila.

"Ate pwede po ba tayong mag usap?"

"Oh sure why not." Sabi ko at sumunod sa kaniya sa medjo walang tao.

"Ate hindi ko alam kung paano ko sisimulan." Sabi niya bigla pagkaupo namin sa bench ng garden. "Palagi po tayong nagkikita pero wala po akong lakas ng loob. Si kuya po gusto niya rin sabihin sayo yung dahilan kung bakit hindi ka niya pinili ng mga time na pinapapili mo siya."

"Kelan ko na bang malaman lahat?"

"Opo ate. Kelangan niyong malaman lahat! lahat! Dahil patuloy lang kayong masasaktan kapag hindi pa namin sinabi ang dahilan." Sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko ng sobrang higpit. " Hindi si kuya ang ama ng anak ni ate Kim."

"H-ha? P-paanong h-hinde?"

"Nung time na nag celebrate kayo ni kuya ng anniversary niyo yun yung muling pagkikita nila ni ate kim sa museum. Tapos pagkayari nun nag bar silang magtotropa nalasing sila nun tapos nagkita uli si kuya at ate kim sa bar sa sobrang lasing ni kuya Hindi na niya alam ginagawa niya. Then next day nagising si kuya na parehas silang walang saplot ni ate kim."

"Tapos?"

"Pinalabas ko na may nangyari samin." Biglang sabi ni kim at tumabi samin ni Edlaine.

"That time buntis nako nun. Nakita ko siya sa bar na lasing na lasing. Nalaman ko din na buntis ako nun kaya naisipan kong palabasin na siya ang ama ng anak ko. Dinala ko siya sa hotel at hinubadan ko siya pero nung hinubadan ko siya sinasabi niya na huwag! huwag mokong hubadan! Magagalit si love! Mahal na mahal ko yun! Sinisigaw niya yun nung hinubadan ko siya." Kwento niya at umiyak.

"Oh tapos?"

"Tinuloy ko pa din yung plano ko kahit alam kung ikaw yung mahal niya. Oo aminado akong iniwan ko siya noon pero kala ko pagbalik ko ako padin mahal niya nagkamali ako." Umiiling na sabi niya.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon