A week later... Hatid sundo ako ni langaw! Ngayon inaantay ko na lang siyang sunduin ako. Sabado na bukas kaya walang pasok bukas! Makakapag pahinga na din sa wakas!
"Pippip... Pippip..." Nakarinig nako ng busina kaya lumabas nako ng bahay. Andito ako ngayon sa bahay nila mommy may sakit kasi si mommy. Kaya dito muna ko natulog. Pero mamaya babalik nako ule sa bahay namin ni insan. Ano na kayang balita sa babae nayun. Nag asawa na kaya!?
"Kamusta si mommy? Este tita pala" Tanong ni langaw nung maka labas ako ng bahay.
"Okay na si mommy. At ikaw nakiki mommy mommy kapa diyan. Tadyakan kitay!" Sabi ko sabay nag paka una unang pumasok sa kotse niya.
"Sungit ah! Hmm... Sanay naman nako sa KASUNGITAN MO!" Pinakadiin diin niya pa talaga yung pagkaka sabi ng kasungitan mo! Ewan koba kung bakit ko napag titisan pagmumuka ng busit nato!
"Mag drive kana ma late pa tayo!" Inis na sabi ko.
"Woy!... Walang tayo!" Sabi niya bago mag drive. Kingina neto! Masasapak kona unti na lang!
Sa isang linggo naming magkasama until unti ko na rin siyang nakikilala. Nagaaral siya Ateneo at ako naman sa U.S.T. Mahilig siya kumain ng mga street foods parang ako. Ayaw niya sa maalikabok tapos ang arte niya sa mga gamit. Gusto niya laging malinis. Para siyang babae kaya nga minsan napagka kamalan ko siyang bakla HAHAHA!
"Woy!" Sigaw niya. Ano ba tong lalaki nato! Sigaw ng sigaw.
"Ano!" Sigaw ko din pabalik.
Kala mo papatalo ako sa sigawan ah! Hmm! Montero ho ito Montero!"Nandito na tayo sa school niyo ah ah" Sabi niya kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Sabi ko nga andito na!
"Sige salamat" Akmang baba nako ng pigilin niya yung kaliwang braso ko.
"Bakit?" Tanong ko sabay sandal ule sa upuan.
"H-ha w-ala..." Nauutal na Sabi niya. Sirauloo!
"Ano nga?" Tanong ko ule. Feeling ko may problema to nahihiya lang magsabi.
"Wala nga. Baba ka na ma late ka pa eh" Sabi niya habang hinihimas yung batok niya.
"Di ako baba." Pagmamatigas ko. Baba lang ako kapag sinabi na niya problema niya.
"Wala nga kong problema malate kana oh" Sagot niya.
"Isa! Sabihan mona hindi kita papansinin ng isang linggo. Kapag di mo sinabi." Pananakot ko sa kaniya.
"Si mommy kasi gusto kang mameet." Sabi niya sabay iwas ng tingin. Ako? Gusto mameet ng mama niya? Bakit?
"Para saan daw?" Tanong ko. Wala naman kaming relasyon ng anak niya.
"Malay ko ako ba si mommy ha? Ako ba?" Tanong niya. Wala naman akong sinabi na siya at si mommy niya ay iisa. Tanga lang!
"Whatever! Bala ka diyan." Sabi ko sabay baba.
"Babye viangot" Sabi niya with nakakalokong ngiti sa labi.
"Babye langaw!" Sabi ko din at ngumiti. Umalis naman na din si epal na langaw. Baka malate pa yun ako payung masisi.
Pumasok nako sa loob ng school. Baka ako payung malate eh. Salip na siya.
Pagpasok ko sa room mga nagkaka gulo pa yung mga kumag kong kaklase. Sanay nako sa mga yan. Mga mababait kunyare pag first day of school pero nung second day na ayan na sobrang iingay na!
BINABASA MO ANG
Love At First Flight (Love Series#1)
RomanceAviana Nicole Montero a simple girl who dream to be a Flight Attendant and Jake Smith a boy who love's and drive airplane since childhood.