26

117 14 6
                                    

"Yo yo yow! Gising na gising na gising na!" Sigaw ni Fairy na nakapag pagising sakin.

"Maaga pa!" Sigaw ni Jennie.

"Hoy ateng! Anong maaga ka diyan! Alas diyes na ho!" Sigaw uli ni Fairy kaya tumayo nako at dumiretso sa banyo.

Pagkayari kong mag ayos ng sarili ko lumabas nako at naabutan ko sila sa sala na kanya kanyang ayos ng sarali. Ako naman simpleng dress na yellow at may design na mga sunflower ang sinuot ko.

"Oh ayan na pala si Via. Tara na!" Masiglang sabi ni Nicole.

"Sakto nagugutom na rin ako!" Sabi ni Allisandra at kumapit sa balikat ko.

"Hoy via anong nangyari dun sa dalawang arabo?" Natatawang tanong ni Fairy.

"Ah duon? Ganto kasi yun nung paakyat palang sila sa eroplano nagulat ako dahil hinihingi nila agad number ko. Tapos hanggang sa kinulit kulit na nila ako. Edi ako naman eto binigay yung number." Paliwanag ko sa kanila.

"Luh gago ka? Kaninong number binigay mo?" Tanong ni Allisandra.

"Kay Manang Goreng." Nakangiting sabi ko at tinawanan naman ako ng baliw.

"Siraulo ka! Pati katulong niyo na nanahimik ginambala mo!" Natatawang sabi ni Jennie.

"Eh ang swerte naman nila kapag binigay ko sa kanila number ko." Natatawa ring sabi ko.

"Ulol ka!" Sigaw nilang apat sakin.

Sumakay kami ng elevator dahil sa baba ng hotel kami kakain ng umagahan. Nag aantay narin yung iba naming kasama dun.

Pagdating namin dun nakahanda na yung mga pagkain at kami na lang na lima ang kulang.

"Good morning mga bhie!" Sigaw samin ni Gay Cedrick at pinagyayakap kami.

"Kalma! Kagabi mo lang kami hindi nakita!" Inis na sabi ni Fairy dahil nagulo yung ayos ng buhok niya pati narin yung suot niya

"Arte mo naman bhie!" Sabi ni Gay Cedrick.

Yayakapin niya sana ako kaso umupo agad ako sa upuan na katabi ni Allisandra. Okay na sana kaso katapat ko si Jake.

"Kumain kana!" Bulong sakin ni Allisandra kaya nagsandok nako ng pagkain ko baguette lang kinuha ko dahil hindi naman ako gutom.

"Diba yung Paris City of Love?" Tanong ni Nicole bigla.

"Oo!" Sagot ni Ethan.

"Eh diba dapat nagmamahalan tayo! Hindi nagtiti tigan lang!" Sabi ni Captain Vince Enrique. Tsk! Masama kutob ko hindi
maganda to!

"Oo nga!" Dagdag ni Allisandra.

"Kaya mamaya kanya kanya tayong gala ah! Magkita kita na lang tayo sa mga kwarto natin!" Excited na sabi ni Fairy.

"Pwede rin yang naisip mo. Diba via?." Tanong ni Jennie sakin.

"Oo." Hindi! Tipid na sabi ko.

"Yun naman pala eh. Basta magkasama kami ni fafa Vince mamaya." Nakangiting sabi ni Gay Cedrick at tumataas taas pa yung dalawang kilay.

"Kabaklaan pinapairal na naman." Bulong sakin ni Nicole.

Pagkayari naming kumain gumalaa agad kami.

"Pano ba yan? Kanya kanya na." Nakangiting sabi ni Allisandra.

"Oo nga magkasama kami ni fafa Vince." Sabi ni Gay Cedrick at umalis sunod sunod nadin silangg umalis and then ako at si Jake na lang natitira.

"Ahm. Pupunta ako sa Eiffel Tower." Sabi ko sa kaniya dahil baka kasi mamaya may puntahan siyang iba na ayaw niya kong makasama.

"Samahan na kita." Sabi niya at nagpakaunang mag lakad. Ang lalaki ng hakbang niya! Madaba ka sana!

Sinusundan ko mga yabag ng paa niya pero bigla siyang huminto kaya naumpog ako sa likod niya.

"Aww!" Sabi ko at sabay himas na noo ko. Tsk! Katanga naman kasi bakit ba kasi huminto!

"Sino ba kasing may Sabi na sundan mo lahat ng tinatapakan ko?" Tanong niya kaya pinanlakihan ko siyang mata at nagpakaunang maglakad.

"Bwisit kang kapre ka!" Bulong ko sa sarili ko. Gusto kong isigaw sa buong paris na naiinis ako sa lalaking kasama ko!

"Saan ka nga ulit pupunta?" Tanong niya kaya tinignan ko siya.

"Sa Eiffel Tower!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Naiinis padin ako! Gusto ko sa kaniyang ibato yung Eiffel Tower!

"Sa Eiffel Tower? Eh bakit lalampas kapa kung sa Eiffel Tower ka pala pupunta." Naka cross arm na sabi niya. And yeah tama siya nasa Eiffel Tower na kami diko na napasin. Thanks to him pero naiinis padin ako sa kaniya!

Hindi ko siya pinansin at pinagmasdan yung Eiffel Tower. Dati sa picture ko lang siya nakikita pero ngayon nasa harap kona. Pag sa picture mas malaki ako sa kaniya pag dating sa personal talampakan niya lang ako.

Sayang HAHA pangarap namin dati ni Jake na pumunta dito ng kami pa! Pero nagpunta kami wala na.

"Sayang." Bulong ko sa sarili ko at nagpicture picture na lang ako para may remembrance.

"Via!" Napatingin ako sa kanan ko dahil narinig ko yung boses ni Allisandra at Nicole.

"Oy!?" Sabi ko sa kanila pero nawala yung ngiti ko nung makita ko na magka usap si Fairy at Jake.

Bakit? Bakit ganun parang nasasaktan parin ako? Bakit parang bumabalik yung dati?

"Huy! Baka matunaw!" Sabi ni Nicole pero inirapan ko lang siya nawalan ako bigla ng gana.

"Hala! Lagot ka!" Rinig kong sabi ni Allisandra

"Napano ba yun? Bigla na lang gumanon?" Tanong ni Nicole.

Nakita ko din na nagdatingan na yung iba naming kasama pero tinatamad akong kausapin sila. Kaya nagdiretso diretso lang ako ng lakad.

"Via!" Sigaw ni Gay Cedrick kaya huminto ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya nakitingin sakin mga kasama ko pero wala akong pake. Tingin tingin niyo diyan?

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin.

"Babalik sa hotel. Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Pero maggagala pa tayo diba?" Tanong ni Fairy kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Tayo? Sino ba nagsabi na gusto kitang kasama?" Tanong ko sa kaniya nakita ko yung pagka gulat sa mga muka nila pero wala akong pake!

"Masakit ulo ko. Kayo na lang" Sabi ko sa kanila at naglakad na para mabilis akong makapunta sa hotel.

Bakit biglang nag iba mood ko?
Bakit? Bakit parang nasasaktan pa talaga ako?

Mahal ko ba siya?

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon