07

101 22 11
                                    

"KRING... KRING... KRING..." Nagising ako sa tunog ng alarm ko.

Kahit na tinatamad pakong bumangon bumangon padin ako. Baka mamaya andiyan na sa sala si langaw mainip pa yun sa maiit na apartment namin ni insan.

Dumiretso nako sa banyo para maligo malamang alangang magluto ako dun char.

Pagkayari kong maligo pinili kung susuutin ko is yung dress kung peach na may design na mga cherry bagay kasi sa balat ko kaya yun na lang.

Pagkayari kung magasyos ng sarili lumabas nako ng kwarto ko. Nakita ko si Allisandra na nagce cellphone sa sala. Simula ng nagkabungguan sila ni Andrei lagi na lang magka text yung dalawa or magkatawagan kung hindi naman nagte text at tumatawag. Palaging magka sama. Wala din naman akong time sa kaniya may bebe din ako. Ay wala pala.

Dumiretso ako sa kusina para manguha ng fresh milk. Kumukulo na tiyan ko eh. Nagugutom nako HAHAHA!

"Hoy!" Sigaw ni Allisandra pero syempre mataas pride ko. Hindi ko siya nilingon nagtatampo ako kunyari bala siya. Bebe time kapa sigi...

"Via may sasabihin ako sayo" Sigaw niya ule. Bala ka mangawit kakasigaw mo diyan.

"Aviana Montero!" Sigaw niya ule pero mas malakas na kesa sa nauna. Sige lang sigaw kapa!

"Bakit ba!" Sigaw ko din pagkayari kung inumin yung fresh milk na kinuha ko sa refrigerator.

"Bakit ka sumisigaw" Mataray na sagot niya. Aba! Ako pa ngayon yung nagmumukang masama! Siraulo pala ng hinayupak nato!

"Tanga kaba!? Tatawag tawagin mo ko tapos sasabihin mo bakit ako sumisigaw" Mataray na sagot ko din. Kala mo papatalo ako sayong hinayupak ka!

"Kalma... Aalis ka?" Tanong niya mahinahon nayung boses niya hindi katulad kanina maka sigaw sigaw kala mo wala ng bukas...

"Halata naman diba!" Mataray na sagot ko. Impakto ka ha! Sige tinarayan moko ha!

"Ehdiwow taraytot!" Mapanginis na sabi niya sabay diretso sa kwarto niya. Kala mo makakaya mo katarayan ko huh!

Kumuha uli ako ng fresh milk sa refrigerator para inumin nagugutom pako eh.

Pagkayari kung magmuni muni sa kusina pumasok uli ako sa kwarto ko. Dumiretso ako sa salamin para makita yung buo kung itsura. Bagay na bagay sakin yung dress. Pero wala namang jowa HAHAHA hakdog!

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko yun nag text yung teacher namin sa History kaya binasa ko yung text niya.

"Wala namang kwenta char." Sabi ko sa sarili ko pagkayari kung basahin text ni ma'am.

Nagmuni muni lang ako sa kwarto ko ng marinig ko yung sigaw ni Allisandra. Its already 9a.m. Ano na naman kayang problema ng bwisit nato!

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon