24

104 14 18
                                    

Day 6.

Wala akong ganang kumain.

Wala akong ganang pumasok.

Wala akong ganang makipagusap.

Wala akong gana sa lahat.

"Good morning!" Masiglang bati ni Allisha sakin. Pero wala akong ganang mag salita.

"Via Kain na oh masarap tong omelette. Diba favorite moto?" Tanong sakin ni buntis pero tinignan ko lang yun. Kasi wala akong ganang kumain.

"Via!" Tawag sakin ni Allisandra pero tinignan ko lang siya.

Ewan ko kung bakit ako ganito? Basta ang sakit lang kasi.

"Via! Mag usap kayo! Hinde yung ganyan!" Sabi ni buntis at halatang mauubusan na siya ng pasensiya pero wala akong pake.

"Aviana! Baka mapano ka niyan sa ginagawa mo. Kagabi kapa hindi kumakain. Wala kading kibo kapag kinakausap ka namin. Nag aalala din naman kami!" Sermon ni Allisha.

"Masamang intindihin na ayaw ko?" Tanong ko sa kanila. "Masamang bang maging selfish ako kahit ngayon lang?" Tanong ko uli sa kanila.

"Support kami sa gusto mo. Pero huwag sa ganitong paraan." Mahinahong sabi ni buntis.

Biglang bumukas yung pinto at bumungad samin si Addi.

"Anong nangyari diyan sa labi mo?" Tanong ko dahil may sugat tapos may mga dugo din yung t shirt niya.

"Ha? Wala to dude!" Sabi niya.

"Huwag ka nga munang sumingit  amoy patay na pabango!" Inis na sabi ni Allisha. "Tawagan mo si Jake at sabihin mo na magkita kayo dito sa bahay aalis muna kami dahil sasamahan namin si buntis sa ospital." Sabi ni Allisha at tumango tango lang ako.

"Pag may nangyari na hindi maganda tawagan mo agad kami!" Sabi ni Addi tumango lang din ako sa kanila. Pinanood ko silang umalis bago ko sinara yung pinto.

Pagkasara ko ng pinto napaupo ako at napasandal sa pinto dahil nanghi hina ako dahil sa hindi ko makayang nararamdaman ko.

Ang sakit sakit!
Hanggang ngayon hindi ko tanggap na! Anim na araw!
Hindi niya ako kinakausap kung kakausapin niya naman ako sobrang saglit lang.
Palagi ko silang nakikita na magkasama. Pero okay lang sakin kahit ang sakit sakit na!
Tinitiis ko lahat kasi mahal ko siya! Mahal! Mahal ko siya!

Pumasok ako sa kwarto ko dahil tama sila. Kausapin ko na si Jake. Itigil na namin to.

"Jake." Sabi ko dahil sinagot niya agad.

"Love? May problema ba?" Tanong niya.

"Pwede ba tayong mag usap. Kahit saglit lang."

"Sige love. Diyan na lang tayo sa inyo. Bye. Iloveyou." Sabi niya at binaba yung tawag.

Nag ayos ayos muna ko sa bahay dahil ang kalat.

After 7292817years. Dumating na rin siya.

"Love." Sabi niya at niyakap ako pero hindi ko siya niyakap pabalik.

"Jake." Tawag ko sa kaniya. Pinipigilan kong tumulo yung luha ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Love? May problema ba?" Sunod sunod na tanong niya.

"Jake. Madaming problema. Sobrang dami." Sabi ko sa kaniya pero yung luha ko madaya.

"Love. Sabihin mo sakin. Makikinig ako. Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Sinong nagpa iyak sayo? Bubugbugin ko!" Sunod sunod na sabi niya. Parang hindi ko kayang mawala tong lalaking nasa harapan ko.

"Jake kasi hindi mo naiintindihan!" Sigaw ko sa kaniya. "Ayaw ko na." Napayuko at napahilamos sa mukha ko.

"L-love? A-anong a-yaw m-una?" Nauutal na sabi niya.

"Jake. Ayaw kona. Pagod nako. Nahihirapan nako mang limos ng oras at atensyon mo." Sabi ko sa kaniya. Umiwas ako ng tingin dahil may namumuo ng luha sa mga mata niya.

"Love." Tawag niya sakin at nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Love hindi ko kaya. Huwag love! Ayaw ko! Hindi ako papayag!" Umiiyak na sabi niya. Gusto ko siyang itulak paalis pero wala akong lakas.

"Pero parehas lang tayong masasaktan kapag hindi tayo bumitaw." Sabi ko habang hindi tumitingin sa kaniya. "Kasi Jake. Ako yung girlfriend mo! Pero sa iba mo binibigay atensyon mo! Ano bang meron kay Kim na wala ako!" Sigaw ko sa kaniya.

"Love. Huwag nadin idamay si Kim." Sabi niya kaya hinablot ko yung kamay ko sa kaniya at lumayo ako sa kaniya.

"Huwag? Eh siya nga dahilan kung bakit ako makipag hiwalay sayo!" Sigaw ko sa kaniya. "Jake! Ako! Ako! Ako yung dapat na pinagtatanggol mo! Dahil ako yung girlfriend mo! Ako! Hindi siya! Ex mo lang siya! Ex!" Sigaw ko sa kaniya.

"Love. Oo ex ko siya pero kelangan niya ako." Umiiyak na sabi niya.

"Kelangan? Tangina naman Jake! Ako nga kelangan kita pero hindi ka pumunta! Pero siya! Siya isang tawag niya lang andoon ka agad! Jake! Alam mo! Sana ako na lang siya! Para priority mo! Para mahalaga sayo!" Umiiyak na sigaw ko sa kaniya.

"Love. Mahal kita alam mo yan! Pero parehas kayong priority ko. Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo yung dahilan kasi hindi pa kami sigurado. Pero love akala ko naiintindihan moko! Kasi nasasaktan din ako. Tinitiis kung hindi ka makita kasi kelangan. Mahal na mahal kita Aviana! Pero irerespeto ko kung ano yung desisyon mo." Sabi niya at tumayo. "Ipaglalaban ko pa sana kaso mahirap ipaglaban ang isang relasyon kung ayaw na ng isa." Umiiyak na sabi niya.

"Nasasaktan na kasi tayo pareho."

"Oo nasasaktan tayo pareho pero paano mga pangarap natin sa isat isa? Ganon ganon na lang yun? Itatapon na lang natin pareho?" Tanong niya.

"Jake. Alam mo mahal na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko! Pero kasi ayaw kona. Maybe some day mare realize ko na bakit kita pinakawalan. Pero kasi hindi ko na kaya. Let's end this." Umiiyak na sabi ko.

"Let's end this." Umiiyak na usal niya. "Pero bago yun pwede bang payakap ng mahigpitt kasi baka pagkayari nitong mga oras nato. Hindi na kita makita ulit." Umiiyak na sabi niya.

Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng sobrang sobrang mahigpit na yakap.

"Love. Lagi kang magiingat. Lagi mong aalagaan sarili mo. Pag may nahanap ka ng bago sana mahalin mo siya at alagaan higit pa sa pagmamahal na binigay mo sakin. Iloveyou." Umiiyak na sabi ko habang nakayakap sa kaniya.
Parang ayaw ko na siyang bitawan pero kelangan naming palayain mga sarili namin.

"Love. Lagi mong tatandaan na susuportahan kita sa lahat ng gusto mo. Iloveyou too." Sabi niya at bumitaw sa pagkakayakap sakin.

"Hanggang dito na lang tayo. Bye love." Sabi niya at naglakad na palabas ng bahay. "Sana kapag ganap  ka ng Flight Attendant sana magka room ng pagkakataon na magkasama tayo." Sabi niya at pinanood ko siyang lumabas ng bahay.

Maybe some day magki kita uli tayo love.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon