23

99 14 23
                                    

"Happy Halloween!" Masiglang bati ni Buntis.

"Happy Halloween!" Inaantok na sabi ko. Pano kaba hinde magigising eh mas malakas pa sa speacker bunganga ni Allisha at Addison.

"Eh tanga ka nga kasi!" Sigaw ni Allisha kay Addi.

"Mas tanga ka! Bobo! Engot! Mulala! Panget!" Sigaw ni Addi at may hawak pang takip ng kaladero.

"Ang aga aga mga bunganga niyo naman! Mahiya kayo sa kapitbahay! Mga hindot kayo!" Sigaw ko sa kanilang dalawa dahil sobrang sakit sa tenga mga sigawan nila.

"Ikaw naman kasi Aviana mag bihis kana kasi ng makalayas na tayo!" Inis na sabi sakin ni Allisandra.

"Nyenyenyenyenyenye! Aga aga pa eh!" Pagdadabog ko. Dahil nakakatamad naman kasi talaga!

"Dabog pa more!" Rinig kong sigaw ni Allisandra.

After 8262617years nayari din akong mag bihis.

"Buti nayari kapa." Sarcastic na sabi ni buntis kaya inirapan ko siya.

"Bakit antagal tagal niyo bang mag bihis na mga babae?" Inis na sabi ni Addi.

"Kasi matagal kami! Tsk! Tara na nga!" Sabi ni Allisha.

"Tara na!" Masayang sabi ko dahil nae excite ako mada dalaw ko na uli sila lola at lolo.

Paglabas namin ng bahay sumakay kami sa Mercedes ni Pareng Addison.

"Alam mo masaya kaya sila lola at lolo na magkaka apo na sila sa tuhod sakin?" Tanong bigla ni buntis habang nakatingin sa bintana.

"Syempre oo naman! Sabi nga nila bago sila mawala diba masaya sila kung ano man ang mga mangyayari satin." Nakangiting sabi ni Allisha at nakatingin din sa labas ng bintana.

Sayang Jake.

"Hoy bakit tulala ka diyan?" Tanong sakin ni Allisandra.

"Wala may iniisip lang ako." Nakangiting sabi ko.

"We? Kilala kita kapag ganyan ka via" Sabi niya. Hays masyado bakong halata?

"Wala nga! Ayos lang ako tungek manahimik ka na lang diyan." Sabi ko sa kaniya at tumingin sa bintana.

Sana masaya ka ngayon love.

After 3728276years nakarating din kami sa sementeryo. Pero bigla akong kinabahan hinde ko alam kung bakit? Pero? Felling ko may hinde magandang mangyayari.

Pagbaba namin ng sasakyan dahil nag park muna si Addi sa may gilid ng sementeryo may napansin akong kotse na parang familiar sakin.

"Hoy! Ano yung tinitignan mo diyan!" Sabi bigla ni Allisandra muntikan nakong masubsob sa may halamanan.

"Ano ba! Bigla bigla ka na lang nagsa salita!" Inis na sabi ko sa kaniya. Alam kona kung kaninong sasakyan yun nakita kong familiar sakin.

"Tara na!" Sabi ni Addi na may dala dalang bulaklak para kay lola at lolo.

"Sige una na kayo!" Sabi ni Allisandra at bigla akong hinatak palayo kila Addi.

"Yan dito muna tayo napapagod nako eh." Sabi niya at umupo sa ilalim ng puno. Kaya umupo din ako pero...

Parang nawala yung pagod ko nung nakita ko si Jake at si? Si Kim?

"Ano? Masakit diba?" Sabi bigla ni Allisandra habang nakatingin dun sa dalawa. "Ikaw dapat yun via." Ako nga dapat pero? paano? Siya naman ang nauna eh.

Nagulat ako nung biglang yakapin ni Jake si Kim at hinalikan pa sa noo!

Bakit ganon? Mas masaya siya kapag kasama si Kim! Ganon?

Ibang iba yung pinapa kita niyang ngiti sakin kapag ako yung kasama niya!

"Balik na tayo." Sabi ko dahil hinde kona kaya yung nakikita ko! Nasasaktan nako!

"Hinde. Mas mahalagang makita mo lahat!" Sabi ni Allisandra halata sa mukha niya na konti na lang sasabog na siya sa galit.

"Kim andito lang ako ano man ang mangyari. Handa akong ipaglaban ka." Sabi ni Jake na diretsong nakatingin sa mata ni Kim. Nakayakap pa nga!

"Thank you Babe." Nakangiting sabi ni Kim at dinampian ng halik si Jake.

Tumakbo nako palayo dahil hinde ko na kaya! Sobrang nasasaktan nako! Dapat ako yun! Hinde siya!

"Via!" Sigaw nila Allisha sakin hindi ko napansin na malapit na pala ako sa puntod nila lola at lolo.

"Oy?" Nakangiting sabi ko. Buti na lang sa pagtakbo ko natuyo yung luha na hindi ko na pigilan kanina.

"Saan ba kayo galing?" Tanong ni Addi samin.

"Diyan lang sa tabi." Nakangiting sabi ko.

"Diyan lang sa tabi tabi! May nakita pa nga kaming hinde namin inaasahan eh! " May diin na sabi ni Allisandra.

"Ano naman yun?" Usisa ni Allisha.

"Pag tsismis mabilis bilis ka pero nung inuutusan kitang kunin yung kandila sa sasakyan ayaw mo!" Singhal ni Addi kay Allisha at sinindihan yung kandila.

"Alam mo Lola at Lolo magkaka apo na kayo sakin." Sabi ni buntis at hinawakan ang lapida nila lola at lolo.

"Oo nga Lolo at Lola at alam niyo ba magiging successful doctor nako." Sabi naman ni Addi at umupo sa tabi ni buntis.

"Ako din Lola at Lolo magiging isang ganap nakong Architect! Oh diba amtaray la! Architect. Allisha Caroline Montero!" Mayabang na sabi ni Allisha.

"Kami naman ni Via la at lo magiging flight attendant na kami!" Sabi ni Allisandra.

"Oo nga lo at la. Sayang kung buhay pa sana kayo. Kayo sana aakyat samin sa stage para mag sabit samin ng medalya." Nakangiting sabi ni Allisha.

"La ganito ba talaga sila Mommy?" Sabi bigla ni Allisha kaya natahimik kami. "Bakit hanggang ngayon hindi parin nila ako tanggap? Ganon ba nila ako kinamumuhian?" May tumulong luha na sinabi ni Allisha.

"Oo nga Lola at Lolo?" Singit ni buntis. "Ilang years na yung nakakalipas ng mapanganak si Allisha. Hanggang ngayon ba? Ganoon padin?" Sabi ni buntis.

Sayang...

"La... Lo... Sana andito pa kayo. Sana kasama pa namin kayo. Mas the best yung pagmamahal niyo kesa kila mommy at daddy." Sabi din ni Addi. Totoo naman eh walang makaka talo sa pagmamahal ng lola at lolo.

"La. Ganito ba talaga pag nagmahal?" Sabi ko habang nakatitig sa puntod nila. "Kahit masakit na susugal ka pa din?. Kahit nahihirapan kana hindi kapa din bibitaw?." Sabi ko at pigil na pigil ko yung pag tulo ng luha ko dahil nakatingin sila sakin.

"Via..." Tawag sakin ni buntis. "May problema ba?" Tanong niya pero umiling lang ako.

"Andito lang kami kapag hinde mo na kaya." Sabi ni Addi at tumango na lang ako. Dahil hindi ko na kaya mag salita pa.

"Kim andito lang ako ano man ang mangyari. Handa akong ipaglaban ka."

"Thank you babe."

"Sana handa ka din ipaglaban ako." Nakangiting sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kotse ni Jake na papaalis.

Love At First Flight (Love Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon