Chapter 8
PAGKA gising ko ay nag handa na ako para sa trabaho ko at yes tinanggap ko ang trabaho inaalok nya dahil sayang ang 50,000 kada month na yun ayos na basta may panggastos sa pangaraw araw.
Naghintay ako nang sasakyan ni vlad. papunta dito ito dahil ihahatid nya ako. Natananaw ko na ang sasakyan nya kaya tinaas ko ang kamay ko para makita nya ako dahil ang dami na nang tsimosa at tsimoso na lumabas sa mga bahay nila. Wala talaga magawa sa buhay.
Nang binaba nito ang salamin ay blangko lang ang mukha nito saka sinesyahan nya akong lumapit sakanya kaya lumapit ako at sumakay kahit na di nya ako pinag buksan, nakasunod naman ang tingin ng mga kapit bahay ko sakin nang sumakay ako. Mukha siguro akong prostitute nito.
"S-san tayo pupunta?" Alanganin kong tanong sakanya, ngunit di sya sumagot kaya hinayaan ko nalang sya mag drive kahit hindi ko alam ang pupuntahan namin.
Nakita kong tumigil sya sa 'nikkita mall' may ari daw ito ng mayamang pamilya. Maliit lang dati ito ngunit pinalago lalo ito ng may ari dahil may nahanap na partner, kaya nakilala itong pinaka malaking mall sa pilipinas.
Pakapasok namin ay bumungad samin ang malamig na hangin at maraming taong namamasyal.
Pumasok kami sa iba't ibang store habang ako nanatili lang sa gilid habang hinihitay syang mamili. Wala naman akong bibilhin.May nahagip ng paningin ko sa isang nakasabit sa taas, ang magandang jacket na pink striped at hoodie. Noong bata pa ako ay gusto gusto ko ang jacket na ganun dahil noong uso dati ang ganung klaseng jacket. inaasar nila akong pulubi dahil wala akong ganun. Kahit sa totoong mahirap ako ay hindi ako pumatol.
Iniwas ko nalang ang tingin ko dun saka sumunod kay vlad ng tumigil sya saka sinensyahan ang saleslady tumango naman ito saka umalis. Tapos na siguro ito kahit wala naman binili.
Pumasok ulit kami sa apple store kaya dumeretso nalang ako sa gilid at naghintay habang sya ay tumingin tingin. Mapagkamalan pa akong magnanakaw.
Nakapili sya ng isang latest iphone na sa likod ay rose gold agad nitong binayaran saka binuksan at may tinype.
"Here." Maikling ani nito at inabot sakin ang iphone.
"Huh?" Takang tanong ko habang hawak ang cellphone.
"That's yours." Sagot nito.
"B-bakit mo sakin to binibigay?" Alanganin kong tanong sakanya. Napakamahal nito at baka hindi ko mabayaran.
"My advance gift for you." May maliit na ngiti nitong sabi sabay abot ng cellphone.
"I already put my number there."
"A-ahh thank you." Pasasalamat ko habang sinisipat ang cellphone. Pwede itong makatulong sa pagaaral ko.
Wala na itong sinabi at dumeretsong paalis habang ako naiwan nakatayo habang nakatingin sa lalaking naglalakad palayo dahil sa saya napasigaw ako at tumalon ngunit tumigil din ako napansin nakatingin lahat sakin ang tao kaya mabilis akong sumunod sakanya.
NABUTAN KAMI ng gabi at hinatid na nya ako sa bahay ko kaya kumaway nalang ako sakanya ng paalis na sya. Nagulat ako ng bigla itong tumigil saka bumaba dala ang supot saka binigay sakin sabay halik sa noo ko at umalis na sya. Naramdaman ko ang milyong milyong boltahe dumaloy sa buong katawan ko ng mahalikan nya ako.
Naiwan akong tulala sa harap ng bahay ko at tinignan ang supot. Nagulat ako ng makita ang gusto kong jacket ang laman at may naiwan na sulat sa loob nakasulat.
'I hope i make you happy today, hotty. By the way i like you so I'm going to court you tomorrow'
-your frosty
Kinikilig na tinago ko ito dahil sa ito ang kauna unahang kong makatanggap nang regalo at sulat sa isang lalaki. Siguro subukan ko syang sagutin kahit napakaaga ng nararamdaman ko saka hindi ako siguradong kong seryoso sya o hindi.
PAGGISING KO nagmamadali akong nag handa na akong pumasok. Hinihintay ko si frost dahil tinext nya akong kagabi na tawagin ko nalang syang frost, Nag kwento sya sakin na love at first sight sya sakin at lagi na nya na akong ihahatid sunod kasama na daw sa pangliligaw nya sakin. Kaya napuyat kami dalawa. Hindi ako makapaniwalang na love at first sight ito sa gantong klaseng itsura ko.
Nakita ko na ito kaya pumasok agad ako sa sasakyan nya para maiwasan ang mga tingin ng kapit bahay.
"Thank you pala sa regalo binigay mo sakin, i appreciate it." Magiliw na sabi ko sakanya.
"You deserve it." Sabi nito habang nilalabas ang sasakayan.
Narating na namin ang eskwelahan ay nakaramdam ako ng hiya na lumabas dahil sikat narin si frost dito kaya maraming manghuhusga sakin. Ang sabi sabi ay pineperahan ko lang sya. Which is not true.
Napapansin nito siguro na naiilang akong bumaba kaya pinagbuksan nya ako saka ako inalayan na pababa sa kotse kaya wala akong nagawa kundi bumaba.
Nang makababa ay maraming nagulat dahil sa kasama ko si frost naging sikat narin si frost dahil sa kagwapuhan nito, marami rin ang masama ang tinigin sakin at sinasabing masama ngunit di nito pinansin ni frost at dumeretso kami sa room.
Naghihintay kaming dumating ang professor namin dahil may announcement na sasabihin. Mukhang importante iyon lalo ng pinagtipon kaming lahat.
"Good morning class." Bati samin ng makarating ang professor, bumati din kami pabalik habang si frost ay hindi at nakahawak lang sa kamay ko at nanatiling nakaupo.
"Bukas ay maghanda dahil may gaganapin na event para sa estudyante na mas kilalang 'field trip' magsasaya lahat kay kailangan handa kayo." Masayang anunsyon ng professor. Kaya nagwala ang mga estudyante sa saya habang si frost ay tahimik lamang na parang nagiisip. Natuwa naman ako dahil mukhang excited ang lahat para sa field trip.
"Tomorrow will be our official date so be ready." Biglang sabi ni frost habang seryosong nakatingin sakin. Resdy for what?
-thimantha
Edited
BINABASA MO ANG
Mysterious
RomanceMysterious psycho#1 COMPLETED (Edited) WRITTEN IN TAGLISH The story of the Cold and Mysterious man, Named Vlad. Will he be succeed to get his obsession? This is a work of fiction. Names,characters,bussiness,places,event and incidents are either the...