Chapter 25
UMIIYAK na dumating kami sa hospital kung saan dinala si frost. Hindi sinabi ni art kong bakit napunta sa hospital si frost o kaya ang dahilan nito. Nang makarating kami sa front desk ay agad na tinanong ni art ang nurse.
"Miss, saan ang room ni Vlad Frost Rossin?" Agad naman itong tumingin sa monitor at tumipa sa keyboard.
"I'm sorry sir pero wala pong Vlad Frost Rossin na pangalan nakalagay dito."
"Ano?! Sabi dito nakaconfine si frost?" Natatarantang sabi ni art saka may tinawagan.
"Bakit walang pangalan ni kuya dito?" Nagtatakang sabi nito sa kausap at napahilamos ng mukha.
"Are you f*ucking kidding me?! Hindi ka sigurado kong nasa hospital si frost tas papasugudin mo kami dito na may chance na hindi pala sya nahospital?!" Galit na galit na sabi ni art saka napasabunot sa buhok.
Napasinghap ako sa narinig. So nagpanic lang kami ng walang dahilan! Nanghina ako sa nalaman at dumidilim ang paningin ko, naramdam ko nalang ang paghawak sa bewang ko at dahan dahan binuhat.
"B-baby, h-help." Bigkas ko at nawalan na ako ng malay.
NAGISING ako at bumungad sakin ang puting kisame. Napabuntong hininga nalang ako nang malaman kung nasaan ako. Bakit lagi nalang ako nasa hospital.
Bigla akong napabaliwas ng bangon nang maalala ko ang bata nasa loob ng sinapupunan ko.
May biglang pumasok sa silid at bumungad si art na may dalang supot.
"Gising ka napala." Napatango nalang ako sakanya.
"Kamusta pakiramdam mo? Kailangan mong magpahinga." Sabi nito at nilapag ang supot sa lamesa at lumapit sakin at dahan dahan pinahiga.
"Kamusta na ang baby ko?" Mahinang tanong ko. Napabuntong hininga naman ito at umupo sa gilid.
"Ok lang naman sya, kailangan lang mag double ingat at iwas sa stress." Napatango nalang ako at nagpahinga. I can't lose our baby.
Salamat sa diyos at buhay ang anak namin ni frost.
"Nasaan si frost?" Pang iiba ko sabi dito. Umiwas lang ito ng tingin at hindi ako nito sinagot.
"Art nasan si frost?" Pag ulit ko sa sanabi.
"Ahm, Hindi ko alam."
"What do you mean na hindi mo alam?" Nakakunot na tanong ko dito.
"Nawawala sya, p-pero ligtas sya sa pag kakaalam ko." Pahinang sabi nito na hindi sigurado sa sinabi.
"Bakit sya nawawala hindi ba nasa meeting lang sya?"
"P-pauwi na sya ng mawala sa radar ang sinasakyan nilang helicopter kaya pinaghahanap na rin sya." Nagulat ako sa nalaman at nag aalala ako sa kalagayan nya sana naman ligtas sya dahil nag hihintay kami ng anak nya sa pauwi nya.
ILANG BUWAN na nakalipas ay hindi parin mahanap si frost nawawalan narin ng pag asa ang ibang hanapin ito, malaki narin ang tiyan ko. Mag wawalong buwan na ito kaya nakatira na ako sa magulang ni frost para may gumabay sakin.
Nakilala ko sila ng dumalaw sila sakin sa hospital, alam narin nila ang relasyon namin ng kanilang anak kaya mabait sila sakin, maalaga din sila at hindi kami pinapabayaan kaya nagpapasalamat ako sakanila dahil hindi ko alam ang gagawin ko kakaisip sa kalagayan ni frost.
Huminga muna ako ng malalim at hinimas ang tiyan ko. Naiimagine ko na ang sanang masayang pamilya namin kasama si frost. Kaya napaluha ako sa iinisip. I miss him so much.
Naramdaman ko ang presensya sa likod ko at maingat na humaplos mula sa likuran ko kaya pinunasan ko agad ang luha ko at lumingon sa likod at nakita si mama ivy na maamo nakatingin sakin.
"You know, i been there." Mahinang sabi ni mama ivy nang makaupo sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Nawala din ang asawa ko ngunit may ginawa lang pala sya para matapos na ang problema namin, hindi nya sinabi sakin iyon dahil madadamay kami ng pamilya ko kaya naglihim sya at lumayo muna sakin pansamantala. Nananaganib ang pamilya namin dahil sa kakagawan ng lalaking obsessed sakin. Grabe ang luksa ko nun, balak ko sanang magpakamatay ng tumawag sito sakin na ipaalam na tapos na, malaya na kami, wala nang hahadlang sa pagmamahalan namin." Napangiting sabi nito habang nakatingin sa kalangitan habang nagkwekwento.
"Kaya sana wag kang mawalan ng pagasa dahil namana ata ni frost sa tatay nya ang ugali na yun. Ang mag lihim para sa ikakabuti ng pamilya. Wag kang mag alala babalik yun. Takot nga iwanan ka. Magwawala yun pag nalamang may kasama kang lalaki." Nakangiting sabi nito. Napatawa naman ako dito at sumangayin dito. Yup, that's how possessive frost is.
Niyakap ko nalang sya at nagpasalamat. Pinagaan nya ang pakiramdam ko, hindi ako mawawalaan ng pag asa, babalik sya alam ko yun. Gagawin ko rin ang ginawa nya noong natulog ako ng matagal. At yun ay suportahan ito.
Uuwi syang ligtas para sakin at sa anak niya. I know it.
ISANG TAON na ang nakalipas ay hindi parin mahanap si frost. Mag iisang taon na rin ang anak namin, na pinangalan kong..
Zoltan Alex Rossin
Zoltan ang pinili kong pangalan dahil sa meaning na 'life'. Sya ang rason ko para manatiling buhay. Bigay ko rin ang apelyido ni frost dahil may karapatan sya at ito ang tatay. Spoiled ito sa magulang ni frost kaya sana naman maayos ang maging buhay nito kahit hindi man masilayan ang tatay, pero nagbabakasakali parin akong babalik ito.
Napag alaman kong maraming kaaway ito dahil na rin sa organisayong kinasasalinan nito.
Nakita ko sa opisina ni frost sa bahay habang naglilinis ako ng mga gamit doon ay mga files ukol sa mga nangyari samin, simula ng pag kasilang sakin.
Nalaman ko rin ang may pasimuno ng pag bangga ng sasakyan namin kaya ako nacomatose ay walang iba kundi ang ex ko nung college.
Nagulat ako sa nalaman dahil ito pala ang may pasimuno ng lahat kaya nagdusa kami ni frost.
Naghiganti ito dahil pinatay ni frost ang buong pamilya ni james at walang tinira na kahit anong kayamanan.
Isa ding mafia boss si frost kaya maraming takot na kalabanin ito, ngunit hindi ko maintindihan ang sarili dahil hindi ako natatakot kay frost. Siguro dahil ginawa nya ito sa masasamang tao at hindi nya gustong may manakit samin kaya nagawa nya ang pagpatay.
Nasa pangganib na rin ang buhay ko matagal na dahil sa lihim ng pagkatao ko. Ako pala ang nawawalang anak ng mag asawang Martez ngunit hindi pa nila ito alam kahit ang kuya ko na si Levi dahil nasa pangganib parin ang buhay namin. I can't believe it. All along kasama ko ang kuya ko.
May suspect na rin kami kung bakit nawawala si frost at dahil ito sa kagagawan ng tatay ni stephañia.
Naghiganti ito dahil sa pagtorture sa unica ija nito na sanhi ng pagkamatay ng dalaga.Ngayon naiintindihan ko na ang lahat matagal ng may galit ang pamilyang Wang sa pamilya ko.
At dahil ito sa obsession ni stephañia sa asawa kong si frost.
-thimantha
Edited
BINABASA MO ANG
Mysterious
RomanceMysterious psycho#1 COMPLETED (Edited) WRITTEN IN TAGLISH The story of the Cold and Mysterious man, Named Vlad. Will he be succeed to get his obsession? This is a work of fiction. Names,characters,bussiness,places,event and incidents are either the...