Chapter 30
DALAWANG TAON na lumipas at naintindihan ko na lahat. Tahimik at masaya na kaming namumuhay. Lumalaki narin si Zoltan, mag three year's old na ito this year. Marunong na rin itong mag lakad at tumakbo, saka may isa pang paparating na blessing ngunit hindi ito alam ni frost. Nalaman ko lang noong isang araw na isang buwan na akong Buntis, dahil simula ng madalas ang pagsuka ko at kakaibang pagkain na hinahanap ko ay agad akong nanghinalang buntis ako.
At may dumating nga na blessing, Kahit na lalaki o babae ay tanggap ko.
Ngunit nagdadasal ako na sana babae para gusto kong magka princessa na kami. Laging magsama ang mag ama kaya gusto korin na may princessa ako. Gusto narin ni Frost na mag kaprincess ito. Dahil naiingit ito kay Art na may anak na ng babae.Aalis kami ngayon dahil may laro ngayon si frost, isasama namin si Zoltan dahil gustong gusto nito mapanood ang laro ng ama. Mana talaga sa ama, nakahiligan din nitong mag laro kaya may nakakalaro si frost sa bahay.
"Zoltan baby, bilisan mo na." Pasigaw na sabi ko habang inaayos ang mga gamit.
"Frosty, ikaw din bilisan nyong dalawa!" Wala akong nakuhang sagot sa dalawa kaya agad akong umakyat at sinilip ang mag ama.
Nakita kong binibihisan nito ang anak ng diaper habang si zoltan ay nilalaro ang nipple ni frost. Mahina akong napatawa dahil sa itsura nila.
"Come on buddy, stop playing my nipple, daddy doesn't have milk ok?" Sabi nito habang seryosong inaayos sa pagkakadikit ang sticker ng diaper.
Ang swerte ko talaga sakanya, hindi ako lagi napapagod dahil simula ng bumalik sya ay masyado itong maalaga samin, ito narin lagi ang nag babantay kay Zoltan, at sya din ang nag papatahan kapag umiiyak ito kapag madaling araw na.
"Arghh this d*mn sticker! Why won't you stick?" Nangigil na sabi nito saka inulit ang pag dikit ngunit ayaw talaga kaya agad akong lumapit sakanya at tinulungan sa pagayos ng diaper.
"Thanks, hotty." Mahinang sabi nito saka hinalikan ako kaya agad akong humalik pabalik saka kinuha ang damit nya.
"Here, put your clothes on." Sabi ko saka inayos ang pinaggamitan nito saka pinasuotan ng damit si Zoltan.
Agad naman binuhat ni frost ang anak matapos mag bihis at saka tinaas sa ere.
"Lumalaki na ang baby boy ko." Nakangiting Sabi nito saka tinaas baba sa ere ang bata, kaya agad ko itong pinatigil dahil baka maalog ang ulo ni baby.
"Halika na baka malate tayo sa practice mo."
Agad naman itong lumabas habang buhat si Zoltan saka ginawang superman ang anak kaya napailing nalang ako at kinuha ang baby bag para kay Zoltan at sumunod sa mag ama.
NAKAUPO kami malapit sa bench nila frost para agad nya kaming makikita, gusto sana nitong sa upuan mismo ng players kami umupo ngunit tumanggi ako dahil baka matamaan si Zoltan ng bola at ayun ang iniiwasan ko, magulong bata pa naman si Zoltan.
Nag simula na silang mag laro kayo umayos ako ng upo at hinawakan ang katawan ni Zoltan mula sa likod dahil nakatayo ito at tutok ang tingin sa laro.
Inabutan ko ng milk si Zoltan ng ayaw nitong umupo, pinipilit ko itong umupo dahil nakaharang ito sa dadaanan ngunit ayaw talaga kaya binantayan ko nalang ito kesa manood ng larong hindi ko naman maintindihan.
Tumalon talon si Zoltan habang nakaturo sa ama na naglalaro at biglang tumaas ang dalawang kamay nito ng maka goal ang si frost. Kinuha kona ang bottle milk nito dahil nahulog na ito sa lapag ng tinaas nito ang kamay.
"Mhmm.. d-di di hehehe.." Natutuwang sabi nito habang tumatalon at nakatutok ang mata sa ama.
Nang pumito ang referee ay agad na bumalik si frost sa bench at uminom ng tubig at nag punas ng pawis, bigla itong lumingon samin at napangiti ng makita kami saka nag flying kiss saka bumalik sa laro.
Napangiti ako habang nakatingin kay frost na nag lalaro. Napaka sweet talaga nito at mapagmahal. Kaya mas lalo akong napamahal ng inalagaan nya ng mabuti ang pamilya namin.
Malapit ng matapos ang laro ng mawala ang tingin ko kay Zoltan agad ko itong tiningnan ngunit nawala ito sa pwesto kaya agad ko itong hinanap at natagpuang ko itong tumatakbo papunta kay frost habang nag lalaro kaya agad akong napatayo at balak sanang puntahan ito ng harangan ako ng guard.
Napatingin ako agad sa field ng makitang nag kakagulo dahil sa bata na tumatakbo. Ang bola ay nasa kakampi ni frost agad nitong pinasa kay frost ng balak na nitong sipain ang bola papuntang goal ng makita ang anak na tumatakbo papunta dito kaya agad nitong binuhat at pinaupo sa balikat saka sinipa ang bola, agad naman nag goal at nag kagulo ang lahat ng fans sa saya.
Agad akong napahinga ng maluwag ng makitang hindi nasaktan si Zoltan agad na lumapit ako kay frost at kinuha si Zoltan.
Hingal na hingal ito kaya agad ko pinunasan ang pawis nito at binigyan ng tubig.
"I'm sorry, muntik nang mapahamak si Zoltan dahil sa kapabayaan ko." Mahinang sabi ko habang buhat si Zoltan na nakangiti at inaabot ang ama.
"It's ok, hotty next time ingatan natin sya baka kung ano mangyari sakanya kapag wala ako." Sabi nito matapos makainom.
"I'm really sorry pabaya ako."
"Hey, it's ok we made mistake atleast we learn from it."
"And i had fun nung makita ko si Zoltan na tumatakbo mukhang may future na sa soccer." Taas babang kilay na sabi nito. Natatawa akong napatango dito.
"Yeah, kanina pa nakatutok sayo, manang mana talaga sayo." Naiiling na sabi ko.
"Mag palit kana ng damit baka mag ka sakit ka. Hintayin ka namin dito." Sabi ko sabay abot sa malinis na damit.
"Ok wait me here." Nagmmamadaling sabi nito saka humalik sakin sa labi habang hinalikan nito si Zoltan sa noo.
Habang nag hihintay ay agad na may sumulpot na news cast at balak na initerview kami.
"Hi, can we interview you?" Napatango na lang ako.
"Ok, live tayo ngayon sa fields kung saan ang nangyari ang incidenteng pag takbo ng bata sa gitna ng laro."
"Nandito tayo ngayon para makilala ang bata na iyon, ano pangalan nyo at ng anak nyo po?"
"Ahm Nyx at anak kong si Zoltan." Sabi ko habang hawak si Zoltan na ginagalaw na ang buhok ko.
"Paano pong nakatakbo ang bata sa gitna ng laro?" Gusto ko sanang sabihin 'gamit ang paa' pero kailangan kong maging professional.
"Nalingat lang po ako saka nakita ko nalang nakatakbo na ito sa fields."
"Ano po ang pakiramdam ng nakita ang anak nasa field na may nag lalaro."
"Syampre na takot pero na relief din ako ng ligtas naman ito." Napatango naman ito. Agad naman dumating si frost na nakakunot ang noo.
"Ok, dahil sa nangyari ay naging isa itong unforgettable moments para sa soccer player na si Vlad Rossin dahil sa binuhat nito ang bata habang sinisipa ang bola sa goal."
"Mr.Rossin ano po ang pakiramdam nyo sa insendenteng nangyari?" Bugalang tanong nito at humarap kay frost.
"I had fun actually, nang makita ko ang anak kong excited na tumamatakbo papunta sakin ay parang nalulusaw ang puso ko sa saya." Nakangiting sabi nito saka hinawakan ang bewang ko.
"W-wait, anak nyo po?" Nakakunot na sabi nito. Napairap nalang ako. Mukhang interested ito sa asawa ko.
"Yes, my son and this is my wife."
"Actually- i think this is a time..." biglang sabi nito saka may kinuha sa bulsa at lumuhod. Sumunod din si Zoltan at gumaya sa amang nakaluhod.
Agad akong napaluha ng makita ang pag labas nito ng singsing. Hindi ko na pinansin ang mga tao at ang news casts na nasa tabi ko.
"Hotty, will you marry me again?" Biglang sabi nito, agad na tumahimik lahat habang ang iba ay nakatutok ang camera samin.
"Of course yes!" Agad na sabi ko habang lumuluha. Napahiyaw naman lahat sa saya kaya tumayo ito at sinuot ang singsing sa daliri ko saka binuhat ang anak.
"Yesss!." Malakas na sabi nito saka binuhat si zoltan pataas sa ere.
-thimantha
Edited
BINABASA MO ANG
Mysterious
RomanceMysterious psycho#1 COMPLETED (Edited) WRITTEN IN TAGLISH The story of the Cold and Mysterious man, Named Vlad. Will he be succeed to get his obsession? This is a work of fiction. Names,characters,bussiness,places,event and incidents are either the...