CHAPTER 27

466 96 0
                                    

Chapter 27

NAKATINGIN lang ito samin habang dahan dahan na lumapit at papalit palit ang tingin samin ng anak nya.

Nang matigil ito sa harap na namin  ay bigla itong naiyak  habang nakatingin kay Zoltan na pilit na inaabot ang ama.

Agad naman binuhat nito iyon at tinaas sa ere na animo'y sinusuri ang buong katawan.

"I have a son?" Mahinang tanong nito habang hindi makapaniwalang nakatingin sà batang buhat nito. Napangiti ito habang nakatingin sa bata.

Naiiyak na tumango ako habang pinipilit na huwag na ilabas ang hikbi, agad itong tumingin sa magulang.

"Mom, dad, look i have a son." Inosenteng sabi nito habang pinapakita sa magulang. Mahina naman napatawa ang magulang sa innocenteng mukha nito. Ang cute ng reaksyon nito.

Hindi parin itong makapaniwalang naka tingin sa anak at sumulyap sakin.

"Hotty, he looks like me." Natutuwang sabi nito habang pasulyap sulyap sa bata.

"Y-yeah, because he's your son." Mahinang sabi ko at mahinang napatawa. Pinunasan ko ang luha na lumabas sa mata ko.

"My son." Nang hihingang sabi nito saka niyakap ng mahigpit ang bata. Napatawa naman si Zoltan habang ginugulo ang buhok nito. This is the best day ever.

NAKALIPAS na ang isang linggo ay maayos na ang lahat at masaya na kami kasama si Zoltan.

Hindi parin sinasabi ni frost ang dahilan ng isang taong pag kawala nito. Hinihintay ko nalang sabihin nya ng kusa sakin kesa pilitin ko syang sabihin para lang maintindihan ko lahat. Kaya pinipilit kong intindihin sya at pinapahaba ang pasensya kahit na gustong gusto kong malaman ang dahilan nya.

Nasa sala ang mag ama habang nanonood ng palabas na pangbata, naging daddy's boy si Zoltan dahil hindi na ito mawalay sa ama. Lagi nalang magkadikit.

Nag pasya ako silipin ang dalawa kaya Pinuntahan ko sila at natagpuang nakahiga sa taas si Zoltan sa ama. Si frost ay seryosong nananood ng palabas na pang bata, habang si Zoltan naman ay pilit na inaabot ang mukha ni frost.

Ang cute nilang tignan kaya kinuhanan ko sila ng picture at lumapit sakanila.

"Frosty.." mahinang tawag ko dito.

"Hmm..." sabi nito. Hindi nakatingin ito sakin dahil ang kamay ni Zoltan ay nasa bibig nito.

"Wala ka bang trabaho?" Nagtatakang tanong ko dahil ang tagal na nitong hindi pumapasok.

"I take a leave, i want to spend my time with you and our son."

"Do you want to go somewhere?" Pag aya ko sakanya habang inaalayan si Zoltan na muntik ng mahulog. Ang gaslaw na nito gumalaw kaya kailangan laging bantayan.

"Again?" Nakakunot na tanong nito. Sa nakalipas na linggo ay lagi kaming umaalis para makapasyal sa ibang lugar at maka enjoy.

"Yeah, i just want Zoltan to enjoy and see the world." Pag rarason ko dito at umiwas ng tingin dito.

"But we always go outdoors, can we stay in the house today?" Napa tango nalang ako saka tumayo para mag handa ng makakain.

"HOTTY, are you upset?" Nag lalambing na sabi nito habang nakayakap sakin mula sa likod habang naghihiwa ako.

Umiling lang ako saka humiwalay sakanya para buksan ang gas sa baba. Agad naman itong humawak sa bewang para alalayan ako, nang mabukasan ko na ay agad akong tumayo dahil ang awkward ng position namin.

"Gusto mo ba talagang mamasyal?" Napatango lang ako at hindi pinansin na nag tagalog ito. Ang sexy kasi pakinggan kapag nagtatagalog ito.

"It's ok, kung ayaw mo ngayon."

"But you want to."

"I just want Zoltan to enjoy his childhood yung mga hindi ko naranasan. Gusto kong maranasan nya lahat ng yun, hindi tùlad ng nakaraan ko lagi nalang nag tratrabaho at iniwan pa na akala mo'y basura. Ayoko syang matulad sakin na walang masayang memories noong kabataan nya."

"Look, i know nag aalala ka about sa   future ni Zoltan, but where here to guide him on the right path so, stop thinking about future, let's think that kapag nandun na tayo." Pag assure nito sakin kaya tumago nalang ako at hinalikan sya.

"I miss you so much." Sabi nito saka nanggigil na niyakap ako, mahina akong napatawa ng may maalala.

"Wait, sino nag babantay kay Zoltan?"

Agad naman itong tumakbo palabas ng kusina kaya dahil sa nagalala na rin ako at baka may mangyaring masama kay Zoltan ay sinundan ko ito at nakita ko itong pinipilit na alalayan ang anak dahil nakahawak ito sa crib at pinipilit na tumayo.

"Look, hotty he's trying to stand." Natutuwang sabi nito habang malaking ngiting nakatingin sa anak.

"D-da-da.. pwee....t." Natutuwang nakangiting sabi ni Zoltan habang nakatingin at nakaturo sa ama.

"Daddy, pwet." Natatawang sabi ko dito ng mukhang hindi nito naiintindihan ang sinabi ng anak.

Agad naman lumungkot ang mukha ni frost at nag papaawa sa bata kaya ng makitang malungkot ang ama ay agad itong umiiyak. Agad naman pinatahan ni frost ang bata.

"Look, baby boy. I'm happy... come on smileee.. big boys don't cry." sabi nito habang sinasayaw at pinapangiti ng malaki. Agad naman ngumiti ang bata at kinakagat ang pisngi ni frost, kaya napatawa kami ng mahina sa kacutan nito.

"Manang mana sayo." Naiilang na sabi ko saka pinunasan ang luha ni Zoltan at ang laway nito.

"Because i made him and he's our son." Malaking ngiting sabi nito na nag mamalaki.

Agad na may kumatok sa pinto kaya pupunta sana ako duon para pagbuksan sana ang tao iyon. Ay biglang nalang pumasok ang tao na yun na may bakas ng maraming pinta sa mukha at damit.

"Where's my favorite nephew?" Malakas na bungad nito kaya agad na natakot si Zoltan  sa itsura at umiiyak sa takot saka yumakap sa ama. Parang horor movie itsura nito.

"Art! You d*mn mother f*cker! You made my son cry!"

-thimantha

Edited

Mysterious Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon