Prologue

62 11 4
                                    

Prologue


"May naaalala kaba?"

"Wala po"

"Anong pangalan mo?"

"Hindi ko din po maalala"

"Wala kang maalala talaga kahit isa ?"

"Wala po, ang tanging naalala ko lang ay may kasama ako noong araw na yon"

"At hindi mo maalala kung sino sila, maging ang pangalan mo?"

"Opo"

Napabuntong hininga na lamang ang Detective habang tinatanong ang isang bata. Halata sa mukha nito na nahihirapan talaga siya dahil wala siyang makuhang impormasyon para makagawa ng plano at hakbang. Umalis ang Detective para mag pahangin sa labas kaya naiwan mag isa ang bata.

Nang tuluyang makaalis ang Detective, ilang sandali lang ay biglang ngumisi ang bata. Ngisi na nagpapahiwatig na siya ang nanalo sa laban.

Mga sampung minuto ang lumipas nang makabalik ang Detective para magtanong uli na kakailanganin para sa gagawing plano.

"Halika, sumama ka sakin at babalikan natin ang lugar na iyon. Baka sakaling ikaw ay makaalala"

Sumunod naman ang bata, Silang dalawa lang ang pumunta sa lugar para makapag Focus ang bata at mas maalala ang mga nangyari nung gabi na 'yon. Pagkatapos ng dalawang oras na byahe ay narating din nila ang lugar kung saan naganap ang karumal-dumal na pangyayari. Pagkatapos ng dalawang pu't minuto ay muling nagtanong ang Detective

"Ano sa tingin mo? May naaalala ka na ba kahit papano?"

"HAHAHAHAHA, I thought you're intelligent dahil detective ka, I dunno na isa ka din palang hangal gaya nila" sambit ng bata na ikinagulat ng Detective.

Nagulat na lamang ang Detective nang may biglang sumaksak sa kanya dahilan para mapa sigaw ito ng sobrang lakas, dumaloy ang napakaraming dugo sa kanyang katawan.

"Bye Bye" sambit nito

Pinagsasaksak nito ang Detective dahilan para onti-onti itong maubusan ng dugo sa kanyang katawan. Hindi makalaban ang Detective dahil medyo may edad na ito.

" Mahirap ba?" tanong ng bata.

"Ni-Niloko mo ako" tanong ng Detective habang nanghihina ang kanyang katawan dahil sa labis na pagkawala ng kanyang dugo.

Wala sa isip ng Detective na mangyayari ang ganitong bagay, dahil kung titignan ang itsura ng bata ay isa itong inosente, maamo ang mukha na para bang mukhang anghel, hindi din maiisip na kaya nitong gawin ang hindi maipaliwanag na bagay dahil kung iisipin ay naglalaro lang dapat ito.

"Mahirap ba?" tanong muli ng bata.

"A-a-ang a-lin" Nanghihina na sabi ng Detective.

"My—" sambit nito

"M-my??" tanong ng detective. Bago siya tuluyang nawalan ng malay ay narinig niya ang huling sinabi ng bata.

"Identity"


Itutuloy....

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon