Chapter 14

27 6 0
                                    

Chapter 14: Festival of Love II


Xia's Point of view

Hindi ako makagalaw at makapagsalita sa mga narinig ko mula sa kanya. Para akong nawalan ng lakas, hindi ako maaaring magkamali ng aking dinig, ayun yung salitang lumabas sa kanyang bibig.

Ang ingay sa paligid ay tila nawala, ang lahat ng tao, pati na rin ang aking atensiyon sa paligid ay nawala rin, Tila ang mundo ay huminto dahil sa mga katagang kaniyang binitawan.

Ibinaling ko ang aking tingin sa kaniya, Seryoso itong nakatingin kaya mas lalo akong hindi makapag-salita dahil sa ekspresyon nito.

"O-okay ka lang?" ani nito. Ang kaninang seryosong mukha ay napalitan ng pag-aalala.

Bumuntong hininga muna ako, inayos ang aking sarili bago sagutin ang kanyang tanong.

"A-ace" panimula ko, nakatitig lamang ito sa akin na para bang nag-aantay sa susunod na sasabihin ko. Nakaramdam din ako ng kaba at takot dahil ito ang unang beses na mangyari ito sa akin.


"Baka nagkakamali ka lang" sambit ko, kumunot lamang ang noo nito habang nag-aantay na ipagpatuloy ko ang aking mga sasabihin.

"I-imposible 'yang nararamdaman mo sakin" nanginginig kong sabi.

"N-nagbibiro ka lang naman diba?" tanong ko, sana ay nagbibiro ka lang.

Binigyan muna niya ako ng mapait na ngiti bago ito sumagot sa aking katanungan.

"Totoo 'yon" sambit nito.

Biglang umecho sa aking tainga ang mga salitang kanyang binitawan, hindi ako makapag-salita dahil sa sobrang gulat na hanggang ngayon ay iniisip ko sana ay niloloko niya lang ako.

"So-sorry Ace pero-" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang biglang sarkastiko itong tumawa.

"Pwede ba 'wag mo nalang ituloy ang sasabihin mo" sabi nito. Hindi ko namalayan na onti-onti nang umagos ang aking luha sa aking mga mata. Teka bakit ba ako nagkakaganito, hindi ko maintindihan.

"So-sorry" tangi ko na lamang sagot.

Sobrang sakit ng aking nararamdaman, sobra ang aking pagkabigla, ang akala ko ay maeenjoy ko ang gabing ito pero bakit parang nasasaktan pa ako.

"Xia, ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito.

Hindi ko na kaya, hindi ko muna siya kayang harapin ngayon, gulong gulo na ang aking isipan, kailangan ko muna mapag-isa ay makapag-isip ng maayos.

At dahil sa gulong-gulo na ako sa mga nangyayari ay hindi ko napigilang tumakbo mula sa kanya. Narinig ko naman na tinawag nito ang pangalan ko ngunit hindi ko ito nilingon, mabuti na lamang ay hindi na ako nito sinundan.

Wala na akong pakialam kahit saan pa ako dalhin ng paa ko, basta ang mahalaga ay kailangan kong mapag-isa ngayon.

Third Person's Point of view

Masyado ng malalim ang gabi, ang lahat ng tao ay nagsasaya pa rin, galak at tuwa ang inyong makikita sa kanilang mukha.

Habang papatagal nang papatagal ang oras ay onti-onti na narin nauubos ang mga tao, onti-onti na rin nagsasara ang bawat tindahan.

Bilog na bilog pa rin ang buwan, kitang kita rin ang mga magagandang bituin na nag-niningning sa kalangitan. Ang paligid ay onti-onti na na rin tunatahimik at nagiging payapa.

Hindi kalayuan ay makikita mo ang isang taong nakaupo lamang at nagmumuni-muni, mukhang malalim ang kanyang iniisip, or tila madaming bumabagabag sa kanyang kaisipan.

Maya-maya lang ay tumungo ito at humarap sa lupa. Tila ito ay problemado, kitang kita sa kanyang sarili na may dinaramdam itong problema.

Ipagtataka mo na lamang na wala ng katao-tao sa labas dahil tuluyan nang nagtapos ang Festival ngunit siya ay nandito parin sa labas. Walang curfew hours sa organisasyon, hindi ipinaliwanag kung bakit ngunit ang sabi nito ay bantay-sarado naman daw lahat kaya wala ka na dapat pang ikabahala.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay humalakhak ito, halos magmukha na itong baliw dahil sa kanyang ikinikilos. Ilang saglit lang ay nagsalita ito.

" Labas" seryoso nitong sabi. Kitang kita ang galit sa kanyang mga mata, nakakatakot ang kanyang itsura, makita mo palang ang kanyang presensiya ay makakaramdam kana agad ng takot at panginginig.

Ilang segundo lamang ang lumipas nang may biglang lumabas sa kanyang kinatataguan. Nakangisi itong lumapit.

" Nakaka-awa ka naman" natatawa nitong sabi. Hindi man lang siya kinibo nito kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang kanyang gustong sabihin. " At mukhang problemado ka pa ata" pang-aasar nito.

"Manahimik ka" sagot nito dahilan para ang kanyang kasama ay humalakhak.

Ilang minuto din nagkaron ng katahimikan, tahimik na ang paligid, hangin lamang ang iyong maririnig sa kapaligiran. Mukhang napagod ang lahat ng tao dahil sa okasyon na naganap.

"Hindi mo ba ako papatayin?" natatawang tanong nito sa kasama, "Nag-tago kaba para patayin ako" natatawa nitong sabi.

"Nagpapatawa ka ba? Ikaw na nga ang kakampi ko dito, gusto lang kitang panoorin na nalulumbay" pang-aasar nito ngunit binigyan lamang siya ng mapait na ngiti bilang tugon sa kanyang sinabi.

"Hindi ko ineexpect na siya na ang sunod" nakangiti nitong sabi. " Huwag ka naman masyadong harsh sa pag-patay" natatawa nitong sabi.

" Wala ka namang gagawin diba?" nakangisi nitong sabi, "Kasi kung mayroon ay hinding-hindi ako magdadalawang isip na paslangin ka ngayon sa kinauupuan mo" dugtong nito.

"Alam mong hindi mo pwedeng gawin yan" nakangising tugon nito.

"Masyado ka talagang matalino, nakakamangha" sarkastiko nitong sabi.

"Bakit hindi nalang tayo mag-inom? Total hindi naman natin na-enjoy ang okasyon" sambit nito.

" Kaya mo na 'yan" walang ganang sagot nito.

Napailing na lamang ito sa sinagot sa kanya atsaka kumuha ng sigarilyo, sinindihan niya ito at sinimulang manigarilyo.

" Naninigarilyo ka pala?" tanong sa kanya.

" Gulat kaba?" Nakangisi nitong sabi.

"Medyo, nagtataka lang ako kung saan galing 'yan, alam mo namang bawal manigarilyo sa loob ng organisasyong ito" sagot nito.

"Lahat nalang ay iyong napapansin, nakakatakot ka kasama dahil hinding-hindi ka talaga malilinlang ng kahit sino" panimula nito, ang kanyang tono ay sarkastiko ngunit totoo.

" Dahil ayon ang una kong layunin sa mundong ito" napakunot ang kanyang noo sa sinagot sa kanya, tila siya ay naguluhan dito.

" Hindi ko alam na siya na pala ang sunod na mawawala" panimula nito. "Oh siya, mauna na ako at pagod ako ngayong gabi, huwag kang harsh sa pag-patay" natatawa nitong sabi at saka naglakad palayo.

Naiwan ang isa habang nakaupo, nagbuntong hininga muna ito atsaka tumingin sa bilog na buwan.

"Matagal-tagal pa ang pag-hihirap niyo" natatawa nitong sabi.

Itutuloy.....

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon