Chapter 2

37 7 1
                                    

Chapter 2: Street

Xia's Point of view

Lahat kami nagulat dahil sa pag sigaw ni Joannamae kaya agad namin syang pinuntahan.

Nang makarating kami kung saan s'ya naroroon ay tinanong namin ito kung bakit.

"Hoy ano nangyari?" tanong ni Yuki, kitang kita sa kanyang mga mata ang pagiging maaalahanin.

"S-sino yon...." nanginginig na sagot nito at saka itinuro ang direksyon kung sino ang kanyang tinutukoy kaya sabay sabay kaming napatingin.

May nakita kaming isang matandang lalaki na papalapit samin, may hawak s'yang kutsilyo kaya kinilabutan agad ako at nagtago sa likod ng mga kasamahan ko.

"B-bakit kayo lumabas.." sambit ng matanda. Pansin namin ang panghihina sa kanyang mga katawan.

"S-sino ka?" tanong ni Tricy na may halong pagtataka.

"Dapat hindi na kayo lumabas dahil mapapahamak ang bu—" hindi nya na natuloy ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang s'ya bumulagta sa may lapag.

Nagulat kaming lahat nang mapansin na may limang kutsilyo ang nakabaon sa likod ng matanda. Nakakakilabot, hindi ako takot sa dugo, pero ang harap harapan na may namatay sa mismong harap ko dahil sa murder is Nakakakilabot talaga.

Napatili sa takot si Joannamae kaya agad s'yang niyakap ni Tricy para pakalmahin. Sa tingin ko base sa mga itsura at galaw ng mga kasamahan ko is si Tricy yung pinakamatanda, masyado s'yang matured and makikita mo talaga sa kanya ang pagiging sweet n'yang tao.

I'm speechless, bakit ako napunta sa lugar na 'to nakakakilabot. Gustong gusto ko na talaga umuwi.

"A-ano na gagawin natin?" medyo kinakabahang tanong ni Yuki.

"Shh love don't be scare, everything's gonna be fine" sagot sa kanya ni Carl  Ang lalandi ah char.

Wait? I thought.. Di kami magkakakilala dito, pero bakit magkakilala silang dalawa?

"Yuki, akala ko di kayo magkakilala?" tanong ko

"Ah, magkakilala kami nagtataka nga kami kasi ba't andito kaming dalawa" sambit nito na para bang naiilang.

May tinatago kaya 'tong mga 'to? Hmmm.

"Tara na, kailangan na natin umalis dito para mareport sa pulis ang nangyari" sambit ni Tricy kaya sumunod kami sa kanya.

Nang makalabas kami, tinignan ko muna yung building na pinanggalingan namin, mukha nga s'yang condo.

"I don't know this place" Sambit ni Dave, "sino nakakaalam?" habol nito.

"Di ko rin alam"

"Ako din"

So lahat kami di alam? Ang weird kasi, pano kami napunta dito, atsaka wala akong maalala pano at bakit?

Ilang minuto na kaming naglalakad dito sa Street, wala pa din kaming nakikita na tao kahit na isa. Well, normal lang naman sa gabi yon pero kasi kahit ilaw patay sa lahat ng bahay na nadadaanan namin.

"I'm really scared" parang nilalamig na boses ni Veyonc'e.

Halos karamihan sa grupo namin ay natatakot na talaga, pati mga lalaki natatakot maliban sa isa. Tinignan ko si Ace na nakayuko habang naglalakad at mukhang malalim ang iniisip. Yung expression ng mukha nya is ganon pa din, walang buhay at masyadong boring ang kanyang mga mata, at base sa kanyang itsura ay hindi ito nakakaramdam ng takot ngayong gabi.

Kumatok na din kami sa mga bahay bahay, wala kahit isa ang sumasagot, wala ding kailaw ilaw, may ilaw sa bawat poste pero patay sindi talaga ito, kulay orange ang ilaw at medyo malalayo ang mga pagitan nila.

Bilog na bilog ang buwan nung araw ngayon, ewan pero ang childish ko tignan pero kasi, natatakot talaga ko kapag ganto ang buwan lalo na't gabi at walang katao tao sa labas. Hindi rin mawala sa isip ko yung matandang lalaki kanina, pati yung mga sinabi nya samin.

"Bakit kayo lumabas? Dapat hindi na kayo lumabas dahil mapapahamak ang bu—" naalala ko nanaman ang mga salitang yon. Buhay ang ibig sabihin obvious naman mga Dai.

****

Mga isang oras na din kaming naglalakad, nananakit na ang mga paa ko, kahit isang daga ay wala kaming makita at tanging hangin na lamang ang aming naririnig at aming nararamdaman.

"Love pagod nako" sambit ni Yuki kay Eric. Ang lalandi talaga.

"Tricy pahinga muna tayo, marami rami na din ang nalalakad natin" sabi nito kay Tricy.

Magsasalita pa lamang si Tricy nang biglang sumigaw si Veyonc'e.

"Bakit Veyonc'e?" nagtatakang tanong ni Enrique

"Mga teh, naiihi na ko" ani niya.

"Amp, akala ko maman kung ano, diyan ka nalang umihi" sambit ni Yuki sabay turo dun sa likod ng Tricycle.

"Oo nga teh, wala kang maiihian at wala tayong makita ni isang tao manlang dito sa lugar na 'to para mapagtanungan" sagot naman ni Joannamae at saka umirap.

"Sige wait n'yo ako ha hehe" sabi nito atsaka pumunta dun sa lugar na itinuro ni yuki.

Veyonc'e's Point of View

Natatakot ako sa lugar na ito, paano kami makakauwi nito kung walang katao tao para tanungin kung nasaan kami? Wala din kaming mga cellphone para gamitin.

Masakit na rin ang mga paa ko dahil sa dami ng mga nalakad namin. Nakaramdam din ako ng kakaibang feeling, naiihi ako.

Nakita ko ang mga kasamahan ko na nag tatalo-talo, jusko pano ako makakapag paalam sa kanila nito.

"Ano" sambit ko pero wala parin pumapansin sakin. Shit lalabas na talaga huhu, ayaw niyo ako pansinin ah.

"AHHHHHH!!!!" sigaw ko dahilan para matigilan ang mga matsing charot.

Pumayag naman sila na magpahinga muna, kaya umihi muna ako dun sa itinuro ni ate Yuki sakin. Pagkatapos ko umihi ay pabalik na sana ako sa mga kasamahan ko nang may mapansin akong anino sa bandang kaliwa kong eskinita.

Sinundan ko yung anino, medyo lumuwag din pakiramdam ko kasi may nakita akong anino so meaning may tao sa lugar na ito na pwede naming hingan ng tulong.

Liliko na sana ako pero naisipan ko na sumilip muna. May nakita akong isang lalaking matangkad, nakahoodie, nakatagilid ito na para bang may tinitignan na kung ano. Hindi ko rin makita ang kanyang mukha dahil madilim.

Itinuon ko ang aking mga mata sa kanyang mga kamay, may nakita akong mga dugong tumutulo sa mga 'to kaya nakaramdam ako ng takot. Posible kasing siya yung pumatay dun sa matanda kanina.

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa mga kasamahan ko, iniiwasan ko na wag lumikha ng ingay nang bigla nalang—

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tumawa yung lalaki nang malakas, yung tawa na para bang isang demonyo. Tumayo ang mga balahibo ko, kailangan ko itong sabihin sa mga kasamahan ko kundi delikado ang buhay naming lahat.

Binilisan ko ang aking paglalakad, baka mahuli n'ya ako dito at ako pa ang isunod. Malapit na sana ako makaliko nang bigla nalang akong—

"Aray ang sakit" bulong ko dahil natapilok ako at tuluyang natumba sa lapag. Dali-dali akong tumayo, pinagpag ko muna ang aking sarili at saka naglakad palayo.

Itutuloy...

Author's Note:

Boring ba? Sorry na :<

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon