Chapter 1

51 9 1
                                    

  Chapter 1: Where and Who

Xia's Point of view

Hindi ko mapigilang magtaka at magtanong, Nasaan ako? Hindi ko alam ang lugar na 'to, hindi ako familiar at mas hindi ko alam kung bakit ako nandito?

Andito ako ngayon sa isang silid o kwarto, patay ang ilaw at tanging liwanag na lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang mga nasa paligid ko, malaki rin ang bintana at malawak ang espasyo ng silid na ito kumpara sa normal na kwarto.

Agad akong tumayo para buksan ang ilaw para mas lalo kong makita ang bawat sulok ng silid, pag bukas ko ng ilaw ay laking gulat ko nang may nakita akong dugo sa iba't ibang sulok nito. Bigla ako nakaramdam ng takot at pangamba, Nakidnap ba 'ko? Ito na ba ang oras ko? Hindi ko pa natutupad ang mga pangarap ko.

Pero kung kinidnap nga ako, bakit hindi ako nakatali? Bakit hindi nakatakip ang aking mga bibig? Posible kayang..

Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto at laking gulat ko nang hindi ito nakalock, so hindi ako kinidnap? Hindi naman siguro tanga yung kidnapper para hayaang nakabukas ang silid na 'to diba?

Dali dali akong umalis sa silid, gustong gusto ko na umuwi, madami pa akong kailangang tapusin sa school.

Bago ako lumisan ay sinarado ko muna ang pinto ng silid para hindi malaman ng kung sino na umalis ako. Imposibleng walang tao sa lugar na ito, imposibleng ako lang dahil pano ako mapupunta dito kung walang nagdala sakin.

"You look so nervous" Nagulat ako nang may biglang nagsalitang lalaki.

Napalingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na narinig ko, nakita ko ang isang lalaking mga 5'9 ang height na walang kaemo emosyon na nakaharap sakin.

"W-who are you?" tanong ko sa kanya

"It doesn't matter" walang gana nyang sagot.

"Why you're here?" ani ko.

Hindi nya ko sinagot at sa halip ay tinalikuran nya ko at naglakad palayo. Agad agad ko syang hinabol, naiirita ko sa lalaking 'to.

"Hoy Teka!" sigaw ko sa kanya. Hindi manlang ako pinakinggan kainis.

"Sabing teka!!"

" You're Uproarious" walang gana nanaman nyang sabi

Teka? Uproarious? Ano yon? Maganda ba yon? Nagagandahan sya?
Ha? Hakdog.

"Huh?" pasimple kong tanong, di ko naman talaga naiintindihan sinasabi nitong lalaki na 'to.

"Ang ingay mo" ani nya.  The hell, marunong pala sya magtagalog, naubusan na ko mag english don mga teh. Richkid ata tong si kuya kaya may paenglish english pa.

"Ayaw mo sagutin tanong ko, ba't andito ka?" ulit kong tanong.

"Don't know either" sagot nya. So pareha kami? Hindi namin alam kung sang lugar kami napadpad?

"San tayo pupunta?" tanong ko

"Sa kanila" sabay turo don sa direksyon kung saan may mga tao akong nakita na kasing age lang din namin kung titignan.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon