Chapter 9

26 5 0
                                    

Chapter 9: Dogs with Cats

Xia's Point of view

Kusang namulat ang aking mga mata dahil sa sigaw na aking narinig. Hindi ako maaaring magkamali, kilala ko ang tinig na 'yon.

Bigla kong naalala na katabi ko pala si Ace. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang ito ay natutulog. Minsan ay iniisip ko na baliw itong tao na'to. Noong una ko itong nakilala ay masyado itong cold at walang pakialam sa kanyang paligid, sarili lang ang iniisip ngunit nakakapag taka na ngayon ay katabi ko na ito sa pagtulog sa hindi ko alam na dahilan.

"Baliw ka" bulong ko.

Ibinalik ko ang aking atensiyon sa sigaw na narinig ko, hindi ako maaaring magkamali na si Jean ang taong iyon. Sana ay walang mangyaring masama. Paalis na sana ako sa kinahihigaan ko nang hawakan ni Ace ang aking kamay dahilan para mapahinto ako sa aking gagawin.

"San ka pupunta?" inaantok na tanong nito.

"May narinig akong sumigaw, samahan mo ako tara puntahan natin" diin ko.

Maya maya lang ay minulat nito ang kanyang mga mata, inunat ang kanyang braso at saka humikab. Uminom ito ng tubig at saka tumayo.

"Shit I forgot, yung usapan na'tin" sambit nito sabay napakamot sa kanyang ulo.

"Usapan?" tanong ko, teka anong usapan ba ang tinutukoy nito?

"Diba sabi ni Kuya Tricy ay kailangan natin magsama sama ngayong gabi" panimula nito. "Paktay mukhang ako nanaman ang pagdidiinan nila kapag may mangyaring masama" dugtong nito saka ngumuso.

"Ay oo nga pala" sagot ko. Ngayon ko lang din naalala ang usapan na 'yon, nawala din sa aking isip. Bigla akong nakaramdam ng kaba na baka pati ako ay pag bintangan nila kapag may nangyaring masama. Nawa ay wala, kundi malalagot kaming dalawa ni Ace.

Nagkatinginan kami ni Ace nang may biglang kumatok sa pinto, sa sobrang takot ko ay mabilis akong pumunta sa likod ni Ace. Ilang segundo lamang ang lumipas ay bumukas ang pinto.

Tumambad sa harapan namin si Dr. Genree, hingal na hingal ito, pawis na pawis at naghahabol ng kanyang hininga.

"Bakit Doc?" tanong ni Ace.

"Nakarinig ako ng isang malakas na sigaw, sumama kayo sakin para puntahan ang mga kasamahan niyo" sambit nito atsaka lumabas ng silid. Wala kaming nagawa ni Ace kundi ang sumunod sa kanya.

Tumakbo kami patungo sa kani-kanilang kwarto, pinuntahan namin ang kwarto ng mga kasamahan namin ngunit wala kaming makitang tao sa loob nito. Isang kwarto na lamang ang hindi namin napupuntahan.

"Kwarto nalang ni Tricy" sambit ng doctor atsaka nagpatuloy sa pagtakbo.

Tumakbo din kami para sundan ito, habang tumatakbo ay hindi ko mapigilang kabahan dahil sa baka ano ang maaaring mangyari. Ayoko mawala ang tiwala sa akin ng mga kasamahan ko, kaibigan na ang turing ko sa kanila kaya ayokong masira ang mga iyon.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating din kami sa kwarto ni Tricy, kumatok ang Doctor, mga tatlong katok ang kanyang ginawa. Ilang segundo ay may nagbukas ng pinto, lumitaw sa harap namin si Tricy.

Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon